Chapter 37: "An Eerie Feeling"

155 23 5
                                    

Chapter 37: "An Eerie Feeling"

Teiro's point of view

HINDI KAMI makapaniwala sa nangyari.

Except for Leonidas kasi sya lang 'yong talagang kalmado pa rin sa kabila ng nangyari. Harmony is still in the state of shock. Hindi sya agad-agad kumalma matapos mawala si Lucius ng walang pasabi matapos nitong matanggap ang isang mala-halimaw na atake ni captain.

We're currently walking in the middle of the forest nang may mamalayan kaming small ruins sa tabi. Dito, nagpasya kaming magpahinga saglit.

The clouds are getting darker by the minute. Malapit ng mag-gabi kaya't hindi kami pupwedeng manatili rito sa gubat ng matagal pero, kailangan lang naming maupo muna saglit.

"I'll check the Vyorell Town above. Isang kilometro na lang ang layo natin do'n." paalam ni Leonidas at umalis.

Naiwan kami ni Harmony at Nekuma na nakaupo sa isang nilulumot ng sementong upuan. Mahamog ang paligid. Mukhang nasa bahaging rainforest kami.

Sabi nila, palaging inuulan ang Vyorell Town kaya siguro ganito ang klima rito. Hindi na nakapagtataka.

Uminom ako ng tubig at inalok sya. Ngunit tumanggi syang ngumiti kasabay ng bahagyang kulog sa kalangitan. Sabay kami na napatingala roon.

"Mukhang maaabutan na tayo ng ulan bago pa natin mararating ang Vyorell Town." may pagkabahalang tinig ang saad ng katabi ko.

Tango akong tumugon.

Muling tumahimik ang paligid ngunit kakaiba ang atmosperang ito. Umiwas ako ng tingin habang sya'y tila gano'n din.

We can't brought something good for a topic. This is totally awkward pero hindi kami sigurado kung bakit nga ba nangyayari 'to.

Ilang oras lamang at gabi namin syang nakasama. Pero mayamaya lang, aalis na rin sya dahil makakasama na ulit nya ang mga kaibigan talaga nya.

Kunting sandali na lang, hindi na namin sya makakasama ni Leonidas. Alam naman naming misyon lang na kunin sya.

Pero. Parang . . . nababahala ako para sa kanya. Lalo pa't itinakas lang namin sya mula sa Slave Boundary. Siguradong mainit pa sya sa Greneed Town ngayon. 100 million ang halaga nya. Kaya't malaki ang posibilidad na hanapin sya. Pati na rin kami ni Leonidas.

I know this is just a game. But if this NPCs knew how to investigate. Then, we're definitely doomed and the only thread will connect to us. Kung makita man ang crime scene sa loob no'ng Auction house paying chamber.

Ewan. Kung anu-anong kalokohan pa 'tong sinasabi ko. Baka naman nag-aalala lang ako sa wala.

"Let's go that way. May shortcut papuntang Vyorell Town dito." bumalik na si Leonidas kaya't sumunod kami sa kanya.

Minutes of walking, may narating kaming foggy giant swamp. Sumasayaw sa surface ng tubig ang makakapal na usok na bumabalot sa paligid.

May entrance fee sa port na 50,000 bawat isa bago kami makagamit ng bangka roon.

"Bakit hindi na lang tayo sa main road dumaan?"

"Kung dadaan tayo sa original route. Malamang may knights tayong makakasagupa." sagot agad ni Leonidas nang makabayad na kami, inaayos na nito ang isang maliit na bangka sa gilid ng port na gawa sa kahoy at tinanggal ang lubid nito. "malaki ang koneksyon ng King of Slaves sa buong kalupaan ng South continent. Lalong-lalo na sa Vyorell Town kaya't delikado kung magpapabaya tayo at magpapakita kung saan man tayo pupunta."

"But we can kill them, right?" saad ko't napalingon sya sa 'kin. "I mean. Nakatakas nga tayo ro'n sa Greneed Town ng walang gaanong problema. Malalagpasan din natin sila ngayon."

The Tamer Without a Beast: VOLUME 1 and 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon