Chapter 96: "The Temple Collapsed"
Third person's point of view
NAGKAKAGULO ANG labasan ng first gate. Nagsisiksikan ang mga players papalabas ng tarangkahan na tila may tinatakasang bagay o nilalang mula sa mismong lugar na iyon.
"Dalian nyo! 'Wag babagal-bagal!"
"Kung ayaw nyong mamatay, bilisan nyong makalikas papalayo sa lugar na 'to!"
"Isara ang tarangkahan!"
"Teka! Wala pa ang grupo ni Leonidas dito."
"Sila na mismo ang nagsabi na magsilikas na tayo. Baliw ka ba?"
"Kung gano'n, sila lang ang haharap sa halimaw na 'yon?"
"Ang mahalaga makaalis tayo rito agad. Bilisan nyo na!"
******
SA LOOB ng mismong templo kung saan nakaupo pa rin sa sahig si Chrolov, tuluyan nang gumaling mula sa malubhang pinsala sa kanyang katawan.
Sa kanyang napapansin sa labas, naramdaman nyang mas lumalakas pa ang enerhiyang pilit kumakawala sa halimaw na kanyang pinalabas. Alam nyang mas mainam na kung gusto nyang manatiling buhay ay dapat syang manatili rito at walang gawin subalit nang may marinig syang mahinang yabag na pumasok sa pintuan ng bulwagan, kaagad syang napabuntong-hininga't nagwika. "Hindi ako tumatanggap ng bisita sa ngayon. Kailangan kong mapag-isa kaya umalis ka na."
"Sa tono ng pananalita mo't sa paraan ng tugon mo sa pagdating ko, nasisiguro kong hindi mo rin inaasahan na mangyari ang ganito. Hindi mo na kailanman kontrolado ang sitwasyon kaya sabihin mo ulit sa 'kin ngayon. Itutuloy mo pa rin ba ang kahangalang ginagawa mo rito? O tuluyan kang susuko't tutulong para tapusin ang huling halimaw para lumaya tayong lahat sa mundong ito ng tuluyan. Buhay mo 'yan kaya ikaw ang magpasya."
Silence ensued. The guy behind Chrolov did not budge from where he stood and carefully watched him from his every move. They both looked calm but deep inside them are like volcanoes just waiting for a right moment to burst the fire out quickly.
"Hindi ko gusto ang makipag-alyansa sa mga kalaban kaya lalabanan na lang kita. Ayos lang naman siguro 'yon sa inyo." tumayo si Chrolov at naramdaman nyang bahagyang napaurong ang lalaking nasa likod ng kausap nya. Lumingon sya roon at makikita ang walang kabuhay-buhay na ngiti sa labi na nagwikang muli. "Hindi ko inasahang malalagpasan nyo ang lahat pwersang hinanda ko para lang mapasuko ko kayo subalit mukhang mali ako ro'n. Sa nakikita ko, mukhang nalagpasan nyo si Herkan papaakyat dito. Napakahusay."
Leonidas step forward with his right foot once. "We didn't passed him by chance. He just didn't care if we can get here or not." kanyang sagot.
Muling naglabas ng buntonghininga si Chrolov na inalis ang titig sa kanyang bisita't halatang nagpipigil ito sa kanyang inis.
"Ang Herkan na 'yon. Dapat niligpit ko na lang sya kasama ang walang kwentang Edveron na 'yon kung pareho lang pala silang walang silbi."
"This battle ends here, Chrolov." Sabat ni Leonidas habang si Hezuya namang nasa likod lang nito'y nakahanda na rin ang dalawang sandata sa kamay na di nakaalis ang tingin sa taong utak ng lahat ng nangyayari ngayon.
"Talo ka na."
Chrolov couldn't help but to only smile but it quickly switched into a grim expression glaring directly at the two intruders. "Killing me is the only way to tell that you've won. Pero hindi naman ako tanga para basta na lang kayong umatake't tumapos sa buhay ko."
"Well. It's still possible if you're a total idiot, just saying." Leonidas replied insultingly.
******
BINABASA MO ANG
The Tamer Without a Beast: VOLUME 1 and 2 [COMPLETED]
FantasyTeiro Cannia is a ninth grade high school student living inside a big mansion, which he calls life prison because of its miserable rules and orders, making him feel like being chained for his entire life by his family. Until "Battle of Tamers online...