Chapter 2: "Battle of Tamers Online"
Teiro's point of view
TATLONG KATOK. Hindi. May kasunod pa palang isa. Uh no. May sumunod pa. Kaasar! Kung kailan ako ginaganahang matulog tsaka pa may iistorbo sa 'kin.
"Sino 'yan?" pasigaw kong sambit habang tinatakluban nang malambot na unan ang mukha.
"Young Master Teiro. Gusto raw po ng papa nyo bumaba na kayo. Importante raw po ang pag-uusapan nyo kaya bilisan nyo na." rinig kong boses ng isang maid mula sa tapat ng aking pinto. She's the one knocking. No. I heard it slamming, to be exact. Kulang na lang magkabitak 'yong wooden door.
Masyadong malakas eh. Tapos ang boses sobrang magalang pero sa totoo lang ay hindi talaga ako nito gustong alagaan. Our family's wealth is their only concern kung bakit sila tumatagal sa mansyon na ito.
Ito namang si dad, no matter how many times that I told him about numerous complaints na pabaya lagi mga maids dito, he wouldn't listen.
Minsan nga, hindi na ako nakakapag-almusal dahil hindi maayos ang pagkaing niluluto para sa 'kin. May nagbalak pa yatang lasunin ako. Nagbago lang 'yon no'ng si Yaya Sema na ang pinagkatiwalaan kong magluto para sa akin.
I learned anything about cooking dahil sa kanya.
After kung makabangon, naligo na ulit ako nang ilang minuto. Nagbihis ng black slacks at shoes. Sinuot ang puting polo, at matapos itong ma-butones, kinuha ang blue necktie sa table at humarap sa salamin tsaka mag-isa itong inayos sa leeg ko.
I learned necktie-tying on youtube. Dad told me since when I am only in grade school, I need to be independent and live to my life's desire and decisions. To follow my heart wherever it leads me. Wherever I feel comfortable and happy, that's where should I be.
Hindi. Biro lang. Ito talaga 'yong saktong sinabi nya. "Kung gusto mong ituring kitang mahal kong anak, sundin mo mga utos ko sa 'yo ng walang reklamo o pagtututol. Magiging malakas ka lang pagdating ng panahon kapag susundin mo ang yapak ko."
Hindi ko mapigilang asar na matawa habang iniisip ang mga bagay at salitang binitawan nito noon sa akin.
He wants to control me. And I hated it. So much.
Isang kalabog muli sa pinto ang narinig ko.
"Young master Teiro! Bumaba ka na raw!" ang maid na 'to. Hindi makapaghintay.
Kinuha ko na ang bag at ang darkened coat ko sa kama. Tinungo ang pinto't ito'y agaran na ring binuksan.
Nilagpasan ang aking masungit na maid nang walang binibitiwang salita. "Paki-lock na lang po ng kwarto ko, Mr. Cleon." nakasalubong ko sya sa pasilyo sabay hinagis dito ang susi ng kwarto.
"Magandang umaga sa inyo, Young Master Teiro." tanging tugon nitong sinalo ang aking susi at nilagpasan akong bumalik sa kwarto ko.
Narating ko ang sala sa may labasan ng mansyon at doon naabutan si dad na nakaupo. May hawak-hawak na baso ng tsaa sa kanan habang hawak naman ng kaliwa ang isang tablet.
Naupo akong walang tugon na narinig mula sa kanya. He seemed talking to someone on the screen.
"So, pare. Why don't we talk about the engagement of our daughter and son? Kamusta na si Teiro? I heard, nilibing na kahapon ang driver nya. Is he okay?"
That voice is from my Tito Ian. At kausap nga nito si dad ngayon over video call.
Dad took a sipped of his cup before placing it back down on the saucer. "Iniiba mo agad ang usapan. 'Yan ang isa sa hindi ko gusto sa 'yo, Ian." My dad is still harsh to whom ever he is talking to.
BINABASA MO ANG
The Tamer Without a Beast: VOLUME 1 and 2 [COMPLETED]
FantasyTeiro Cannia is a ninth grade high school student living inside a big mansion, which he calls life prison because of its miserable rules and orders, making him feel like being chained for his entire life by his family. Until "Battle of Tamers online...