Chapter 70: "Who'll Live? and Who'll Die?"

110 15 2
                                    

Chapter 70: "Who'll Live? and Who'll Die?"

Teiro's point of view

BY THE time I released an order from the dark wolf after taming it, kumilos itong tila mas mabagsik pang nilalang kumpara kanina.

"Naku, lagot!"

"Lumayo ka--!"

In a matter of seconds it already took down three of the players on the roofs using its protruding sharp teeths as a weapon to decapitate or ate their heads in whole with such speed.

It even killed its fellow beasts around and no one can absolutely stop it in this state. Malalakas na pagsabog at sigawan ang nangyayari. Pilit silang lumalaban at tumatakbo papalayo sa dark wolf pero halatang mas pinangungunahan sila ng kaba at hindi na maayos na nakakapag-isip ng pang-counterattack sa nagwawalang halimaw.

"Kill it, dammit!"

"Ahhhhrrghhaaaa!"

They cried in agony kaya't habang nagkakagulo sila sa itaas napalingon naman ako sa isang lalaki rito na ang nagmamag-ari sa dark wolf na 'yon na ang pumapatay na sa kanyang sariling mga kakampi.

"A-anong ginawa mo! Hindi kita palalampasin sa paggamit mo sa companion ko! Hinding-hindi!" Tuluyang nawala sya sa katinuan nang magliyab ang buo nyang katawan sa sobrang galit. The pavement around him got blasted into bits kasabay ng bugso ng malakas na hanging nanggaling sa kanya mismo. "Magbabayad ka!" nanlilisik ang mata nya't biglang nabuo ang isang fire sword sa kanyang kamay.

He sprints in a glimpse towards me but I deflected all his hard and swift swings from trying to decapitate me or trying to punch me, kick me or severe my arms and legs. Hindi sya nagtagumpay sa lahat ng 'yon kahit sa anong direksyon o paraan pa man sya magmula.

He tried all the angles he know para lang mahanapan ng butas ang depensa ko hanggang sa isang charge attack nya nang salubong ko syang maputulan ng kanang braso't nasipa sa mismong mukha kasabay ng kanyang pagkatalsik at bumangga sa isang pader.

He vomited blood out of all the damage he took. Pero hindi sya tumigil at mas nagliyab pa ang kanyang katawan na sa sobrang lakas, hindi na ito maituturing na normal energy release lang. "Tanggapin mo ang huling atake ko!" he shouts everything from heart as he swallowed some red capsule before he sprints closer and in a split second, nasa harapan na sya mismo ng captain. Oh shit!

"Cursed Fire: Burning Vessel Explosion!"

Nang isigaw nya 'yon biglang nag-ilaw ang kanyang mga mata't ang sumunod na nangyari'y sumabog na lang nang pagkalakas-lakas ang buong katawan nito na maihahalintulad sa isang suicide bomber.

Tumalsik ako't tumilapon sa mga pader na nabitak dahil sa pagsabog. Gumuho ang ilang parte ng buildings na nasagi ng blast range sabay ng pagkalat ng usok sa paligid.

Nasa 38% ang HP ko nang matingnan ko itong muli. Kung saka-sakaling mas malapit pa ako ng tatlo o dalawang metro mula sa pagsabog, baka napatay na ako ng tuluyan kanina.

Buti na lang bubog ng salamin at kahoy lang ang tumusok sa braso't baywang ko. May dugong tumutulo sa noo ko't sa akong likuran. Uminom kaagad ako ng potion para bumalik sa 88% ang buhay ko't lumabas sa sirang kwartong kinatalsikan kong 'yon.

Teka! Nasaan na si captain! "Captain!" sigaw ko't muling sinuyod ang paligid ng kalsada ngunit puro sirang semento't kahoy lang ang nakikita ko. "Captain!" tawag ko ritong muli pero gaya kanina wala pa ring sagot mula sa kanya.

Because of that unexpected explosion, dumilim ang bahaging ito ng syudad at halatang marami na ngayong nakakaalam na may gulong nagaganap ngayon dito.

Right where the spot Leonidas was sitting, bumalik ako't sinuri ang bahaging 'yon pero hindi ko sya nakikita kahit saan na malapit do'n.

The Tamer Without a Beast: VOLUME 1 and 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon