Chapter 51: "The Red City"

112 20 3
                                    

Chapter 51: "The Red City"

Teiro's point of view

FEW MINUTES later, napatingala ako sa kalangitan bago napabuntong-hiningang nakapamaywang. Inakyat namin ang isang matarik na bundok para lang mapagmasdan ang ganitong klase ng tanawin and I can totally agree na hindi nga nasayang ang pagpunta namin dito.

The lake is in our eyes reach dahil isa pala itong bibig ng sumabog na bulkan na halos kalahating kilometro rin ang radyus sa sobrang lawak. Mahangin ang parteng ito't mabato rin kaya't doble ingat talaga kami sa pag-akyat.

"Can you see the dungeon entrance from here?" Leonidas asked beside me, shading his eyes from the scorching sun as he observes the lake.

Few seconds of silence, nilingon ko sya. "I guess, yes."

Bumaba na kami sa tutok na inabot lang ng limang minuto dahil nag-parkour na lang kami para mapabilis pababa.

"Mind your steps." he suddenly stops me from walking closer the water kaya't napatigil din akong tiningnan sya. He pointed at the sun. "The water's weird so try not to swim towards the dungeon entrance yet." kanyang paalala sa 'kin.

Bumaba si Nekuma sa ulo ko't inamoy ang lupang aming inaapakan ngayon. "Meow~" then he looked around still smelling the surroundings. Ano bang ginagawa nya?

Kahit si Leonidas ay nagmasid din sa paligid. Medyo ma-gubat ang bandang likuran namin kaya't do'n na rin nalipat ang kanyang tingin.

Nanatili akong nagmasid sa lawang nasa aming harap at mapapansing naglalabas ito ng usok na mas nagpa-init pa sa temperatura. It seems boiling under it.

Kahit ang usok na napo-produce ay nagpapabulag sa 'ming makita mula rito ang dungeon entrance kaya't hindi ko rin mapigilang mapabuntong-hiningang ulit.

"Let's find something to ride on the water." nagsalita si Leonidas kaya't nagkatinginan naman kami.

"You mean a boat?"

"If there's a strong boat enough to take us to the dungeon entrance then that's the best thing we have to search."

Umikot ang tingin ko sa paligid. "Pero saan naman tayo makakakita ng bangka sa ganitong klase ng lugar?"

"Meow~" napatingin kaming dalawa sa paanan nang bumalik si Nekuma sa tabi ko. I noticed a tiny piece of wood he's biting before placing it infront of me that looks like he's offering it for me.

"Hindi natin masasakyan ang kahoy na 'yan para makapaglakbay sa lawa." walang kainte-interes kong saad dito.

"Meow~"

Tinuro ko si Nekuma sabay nilingon si Leonidas. "Did I just see this little devil pouting at me?"

"Meow~!" Now he's furious.

Pinagmasdan lang ni Leonidas ang piraso ng kahoy na 'yon bago ito tila may napansin na nilingon ako. "He meant he found a boat, idiot." sabay tuloy-tuloy akong nilagpasan kaya't hindi naman ako makapagsalitang sumunod na lang din sa kanya.

Sa kasulok-sulukan ng maliit na gubat dito, natigil kaming dalawa sa paglalakad nang mapansin ang isang maliit na bangkang nakasandal lang sa isang puno. It's already full of moss and vines pero mukhang magagamit pa rin naman kahit na may kunting gasgas at butas na ang ibang bahagi nito.

Tumuntong si Nekuma sa balikat ni Leonidas. "You did a great job this time, little devil." ngiting umungol pabalik ang pusa sa kanya.

Tinanggal namin ang bangka mula sa pagkakasandal nito sa kahoy at pinag-tulungang hinila papunta sa tabi ng lawa. "So patching some of its holes are needed then we're ready to go." saad nito bago nagsimulang maghanap ng logs na pupwede pa naming magamit.

The Tamer Without a Beast: VOLUME 1 and 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon