Chapter 57: "Welcoming Hug"

98 16 2
                                    

Chapter 57: "Welcoming Hug"

Third person's point of view

FAR AWAY from the woods. There's the Central Square city, sighted from a high place by the thief's intimidating eyes. "There you are," he whispered with a smile. "My new place of treasure."

"Anong sabi mo?" Indominus, from his back suddenly asked dahil hindi nya narinig ang bulong ng kanyang kasama.

Nilingon naman sya ng thief at nginitian. "We finally arrived to our destination without problems along our way."

"Sana pala sinama na lang natin si Harmony kung ganito pala ang kalalabasan," nagsimula na silang magpatuloy sa kunting paglalakad bago narating ang mismong gate ng syudad. "nag-aalala na tuloy ako kung ano na ang nangyari sa kanya ro'n nang mag-isa. Tapos hindi pa natin alam kung ano na ba ang nangyari kina captain at vice-captain sa loob ng Red dungeon sa mga orae na ito ngayon. Para akong mababaliw kakaisip kung ligtas pa ba sila."

Nakalagpas na sila sa city guards pero gano'n pa rin ka-problemado si Indominus. Halata sa kanya ang maaalahaning puso't may magandang kalooban. Ngunit ang kanyang kasama'y kampante lamang simula pa no'ng sila'y lumisan. "There's no point on arguing with your mind about what happened to everyone now. You'll just tire yourself."

"Pero hindi ko maiwasan! Ganito talaga ako kaya ano bang dapat kong gawin para kumalma?!" hindi maiwasan ni Indominus na maging tunog isteriko.

Thief stared at him long before this weird NPC noticed something around. "I think you need to calm down a little bit."

Maraming tao silang nakakasalubong sa daan. Mga iba't-ibang klase ng beast at lumilipad pa ang iba. Puno ng pamilihan sa gilid ng kalsada't mga nagmamasid na mga NPC o players sa paligid.

"Gusto ko na silang puntahan ngayon. Kailangan kong alamin kung ayos lang ba sila."

"Someone's watching us."

"I don't ca--I mean. What?!" huminto silang dalawa sa pag-uusap at normal lamang na tinuloy ang paglalakad.

"Don't look back. They'll know that we noticed them." mahinahong bulong ng thief kaya't tango lang ang isinagot ni Indominus.

Isiniksik lang nila ang mga sarili sa nagkukumpulang mga tao hanggang sa makalagpas sa mas maluwag na daanan at naghanap ng store na pupwedeng pasukan.

Ngumiti ang thief sabay turo sa isang trading store. "Let's go inside."

Walang imik na sumunod sa kanya si Indominus. Tahimik ang loob ng store nang makapasok silang dalawa. Maraming bilihin sa paligid at lahat ng mga ito'y nakapaloob sa mga display glasses. Mga second-grade shields, swords, rare-type boots, potions, at marami pang ibang traded items sa iba-ibang mga traders.

The room is almost pitch-black by the closed windows and covering curtains kung di lang dahil sa maliit na bombilyang nakasabit gitnang counter kung saan makikita ang naghihintay na may-ari ng store na 'yon.

Lumapit sila't ang thief na mismo ang nakipag-usap. "I'm here for a trade."

"Show me the item." the owner plainly asked with its calm eyes.

Nilabas ng thief ang isang item hologram sa bag at ipinakita sa may-ari nitong store. "You probably know this little treasure I got if you're a true trader, I supposed."

Makikita ang item hologram na 'yon na isang tronong may kakaibang hugis at disenyo. Ito ang tronong nakuha ng thief sa Silent Kingdom na minsan na rin nilang napasok noon.

Halata ang pagkagulat sa itsura ng may-ari't nawala agad ang kalmadong postura nitong nilingon ang thief ng mata sa mata. "How did you..?"

"I guess I'm just lucky I found it."

The Tamer Without a Beast: VOLUME 1 and 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon