Chapter 45: "The Time Dungeon 1"
Teiro's point of view
THE CASTLE door creaked open. Then a grand staircase greeted us between the darkness and the little light from outside which didn't even helped brighten the area at all.
Medyo may alikabok ang pintong tinulak ni Leonidas pabukas, kaya't nang lumagpas sa kanya 'yong thief, saktong ipinahid nya ito sa balikat nito. "Looks like this is really abandoned." halatang nagpapatay-malisya lang sya na nagpatigil sa thief habang tinitingnan ang kanyang ginagawa.
"Did you just wiped that dirt on me?"
Nilingon sya ni Leonidas. "I thought you're a dirt too. There's no difference so why bother?"
The thief can't believed why he's treated like this. And in the end, he didn't tried talking back nang mapatingin sya kay Nekuma na nasa balikat ko na ngayon nakaupo.
Para bang hindi sya makakakilos kung walang permission ng pusa. Ewan ko, para kasing habang tumatagal nakikita ko na si Nekuma bilang silent adviser ng NPC na 'to. I'm really wondering what's their intimate connection but I can't seemed to bear from asking them directly.
Basta sa ngayon, gusto ko lang munang manahimik at mag-obserba pa ng mas matagal.
Sinara ni Indominus ang pinto at sa wakas bahagyang nawala ang lamig sa paligid.
"So what's the plan?" tanong ko sa kanila. Nandito lang naman kami sa tapat ng grand staircase nakatayo nang pabilog.
Tiningnan ni Leonidas ang paligid bago ako sinagot. "Let's find the queen first. Find the clock and let's meet here again after 10 minutes. Sabihin natin ang lahat ng makita natin." seryosong hayag nya sa amin. "And be careful, we are going to be outnumbered by assassins and there only goal is to kill the queen. Kaya't kailangan nating maging alerto lahat." dagdag pa nya.
Nagsi-tanguan kami't sabay namang umakyat sina Harmony, ang thief at si Leonidas. "Indominus sumama ka rito sa itaas, mas marami ang corridors dito, Hezuya. Ikaw ang bahala sa ground floor." pahabol ni captain kaya't tumango ako.
Mabibilis ang kanilang paang nag-takbuhan sa itaas. Naririnig ko ang mga ingay nang pagbukas-sara ng mga pinto roon kaya't ako na naiwan dito sa baba ay nagsimula na ring mag-libot sa paligid.
Kumulog sa labas ngunit hindi gano'n kalakas. Humakbang ako sa isang pinto't marahang tinulak pabukas. Maingay ang paggalaw nito hanggang sa masilip ko ang loob no'n.
Walang tao.
Pero bago ko 'yon naisara, napansin kong tila isang library ang silid na ito. Tuluyan kong isiniksik ang sarili sa kwarto dahil medyo na-intriga ako.
Kung hakutin ko lahat ng libro rito, siguradong marami akong mapaglilibangang mababasa pagkalabas sa dungeon. At libre lahat.
Walang ka-ilaw ilaw dito ngunit makikita pa naman ng kaunti ang lahat ng mga libro kung maitatapat sa malaking bintanang natatakpan ng manipis na uri ng puting tela. Nakabukas ang bintana kaya't naglalabas-masok ang hangin na humahawi sa kurtina.
Kaagad ko itong nilapitan at sinara. Nawala ang ingay ng hangin kaya't binalik ko na sa pagtitingin sa mga libro ang atensyon.
May sukat na halos siyam na diameter ang kabuuan ng silid. Napapalibutan ito ng mga bookshelves. Kalat ang iilang gamit sa maliit na side table sa tabi ng bintana. May basag na bote sa sahig at may nakita rin akong putol na bahagi ng cane roon.
Ano bang nangyari sa kahariang ito bakit naging ganito kagulo 'to?
Keeping that aside, may kinuha akong limang libro sa shelf. But the minute I'm about to slip it inside my inventory, nag-error ang system sabay naglaho ang mga librong hawak ko.
BINABASA MO ANG
The Tamer Without a Beast: VOLUME 1 and 2 [COMPLETED]
FantasyTeiro Cannia is a ninth grade high school student living inside a big mansion, which he calls life prison because of its miserable rules and orders, making him feel like being chained for his entire life by his family. Until "Battle of Tamers online...