Chapter 35: "The Hunter"
Teiro's point of view
SA SOBRANG pagod mula sa aming paglalakbay, mabilis kaming pareho ni Harmony na napaupo sa isang bench.
Parehong gutom at uhaw. Naubos na kasi ang stock ng pagkain naming dala kaya't nalipasan kami ng gutom sa daan.
"Hay, grabe. Nakaupo rin ng matiwasay sa wakas." buntong-hininga kong sambit sabay may ngiting nagmasid sa kalangitan nang nakasandal.
Nasa isang small town kami ngayon. Dalawang kilometro ang layo mula rito ay siguradong mararating namin ang Central Square. But that's not our destination, mula rito hanggang sampung kilometrong distansya pa ang lalakbayin namin, makarating lang sa rendevouz point na pagkikitaan namin sa Croosevent faction. At 'yon ay walang iba kundi ang Vyorell Town.
Harmony gulped nothing in his throat. "Nauuhaw ako."
And then suddenly, ang magaling kong captain ay nakahalukipkip namang naupo sa pagitan namin ni Harmony kaya't naluwag ang distansya ng wala sa oras kasabay nang sabay naming pagkagulat.
"Captain naman eh?! Manghingi ka naman ng permiso kung uupo ka pala! Hindi 'yong iipitin mo pa kami." I exclaimed, but he acted like he heard nothing.
"Puro kayo reklamo. Bumili kayo ng pagkain kung nauuhaw o nagugutom kayo tutal nasa bayan naman tayo." sagot nito.
Dahil do'n, inaya ko si Harmony na tumayo't maglibot sa lugar. Balak ko naman talagang bumili eh, nagpahinga lang ako saglit.
Maraming players ang nandito. May ilang tumitingin sa shops at ang ilan ay kadarating lang sakay ng ilang mga kalesa.
At bukod do'n, marami-rami ang miyembro ng ibang factions na bumisita rin dito. Hindi nawawalan ng tao ang kalye.
Lahat sila, may mga kasamang companions or beasts. Some of it are gigantic. Fast, deadly, and terrifying. May ilang griffins din silang lumilipad lang sa itaas. Ang lalaki ng mga ito na animo'y haharang talaga sa kalsada kung hindi ito dadaan sa himpapawid upang maglibot sa bayan.
Nakakainggit. Ako lang talaga ang walang companion na player dito. Paano ba nila nati-tame ang gano'n kalalakas na mga beasts?
Nakabili na kami sa isang streetside food store kaya't pabalik na kami sa spot kung saan naiwan si captain, kasama 'yong si Nekuma raw tsaka si Nerfius.
Tahimik ang aming paglalakad nang bigla kong naalala ang isang bagay na nakapagtataka kunti.
"Ahh." Oh 'di ba? Ganyan ako magsimula ng usapan.
She noticed me so nalingon nya naman akong nakataas ang dalawang kilay. "Hmm? Bakit, Hezuya?"
"Ah ano kasi." Napakibit-balikat akong nagtanong while the small bag of food is on my other hand. "matanong ko lang. I'm just wondering if. Kung, nasaan na pala 'yong companion mo? Hindi naman siguro natin sya naiwan sa Slaves Town 'di ba?"
Nang aking mabalik sa kanya ang aking tingin, she just smiled sabay yukong sumagot sa akin. "She died right before my eyes, by the order of the Slaves King. After akong nadakip ng mga hunters, dinala ako sa Zorozian Temple sa bulwagan mismo ng Hari. Kasama ko no'n ang companion kong si Grif na nahuli rin."
"Isang griffin ang companion mo?" she laughed but with tears, napapunas pa nga sya ng luha kaya't nag-alala ako. "Ah pasensya ka na kung natanong ko."
"Babae ang griffin na companion ko. Magkasing tangkad lang sila no'ng companion ng captain mo." tinuloy nya pa rin ang pagku-kwento.
"I can hear her voice like my mother." she added. "napaka-kalmado at mahinhin. At puno ng pangaral at gabay ang bawat salitang binibigkas nito sa akin. Kaso. Dahil lang sa hindi na kaya nilang magbantay ng dagdag na halimaw sa Beast dungeon, inutusan ng Hari ang mga knights na roon na mismo tapusin ang buhay ng companion ko."
BINABASA MO ANG
The Tamer Without a Beast: VOLUME 1 and 2 [COMPLETED]
FantasyTeiro Cannia is a ninth grade high school student living inside a big mansion, which he calls life prison because of its miserable rules and orders, making him feel like being chained for his entire life by his family. Until "Battle of Tamers online...