Chapter 72: "Former Friends"

121 16 3
                                    

Chapter 72: "Former Friends"

Teiro's point of view

LUCIUS IS bleeding.

While Shadow remains unscathed na nakatayo sa kanyang kinatatayuan kanina pa. More than seven minutes had passed magmula nang simulan ang laban nilang dalawa pero hanggang ngayo'y hindi pa rin nakakalamang si Lucius.

"Ayos lang kaya sya?" tanong na may pag-aalala ni Leonidas.

Lito ko naman syang nalingon at tinanong. "Ba't parang tunog nag-aalala ka yata kay Lucius? It sounds weird, actually."

"Hindi sya ang ibig kong sabihin."

What? "Then who?"

"Who else? Shadow." he pointed at our man still standing straight and unmoving. Kahit ilang lightning bolts at lightning strikes pa ang pinapakawalan ni Lucius from all different directions, hindi nya makuha ang saktong blindspots ni Shadow dahil nasisipa't nasusuntok lang ito ng huli't ang paligid lamang nito ang naaapektuhan ng kumakalat na kidlat.

"Para kasing hindi na nya kaya ang pagkabagot na nararamdaman nya. Parang gusto na nyang magwala anumang oras."

Kung titingnan, may katotohanan nga ang sinasabi nya. Hindi mawala sa korte ng mukha ngayon ni Shadow na hindi nya gusto ang kalaban nya ngayon. Or he didn't even want this fight to happen in the first place.

"Mga kaibigan, kahanga-hanga ang ipinapakitang husay ni Shadow sa labang ito! Ilang beses nang sinubukan ni Lucius na patamaan ang kanyang kalaban subalit hindi man lang sya nagtatagumpay kahit ano pang gawin nya! Mukhang may bagong kandidato tayo bilang kampeon na dapat subaybayan mga mahal kong manonood! Minsan lang nangyayari ang ganito!"

"Nakakatakot. Sigurado ka ba talagang kakampi natin 'yan?" Pheris commented, with a folded arms.

Leonidas sighed. "Kung gusto nya lang magpasikat, masusuntok ko talaga 'yan mamaya."

"Bakit ayaw nya pang tapusin ang laban?" may pagtatakang tanong ni Indominus.

Hingal na napahinto sa pagtakbo si Lucius sabay binalot ng kidlat ang kanang kamao. Napangisi sya ngunit may halo itong inis. "Inaamin ko. Magaling ka nga. Hindi na ako nagtataka na nabibilang ka sa faction ng dati kong kakilala."

"You sounds pissed. Gusto mo bang magpahinga na lang muna?"

Mas lalong nagalit ang ekspresyon ni Lucius nang marinig 'yon. "Kung gusto mo na 'tong tapusin, subukan mo!"

He sprints faster than a glimpse at sa isang saglit lang ay nakalapit na nga ito sa harapan ni Shadow. With Lucius' lightning covered fist, buong bilis nya itong isinuntok diretso sa mukha ni Shadow but it missed.

Sinundan nya ito ng swing attack gamit ang isa pang kamaong may dagger sa gilid ng leeg ni Shadow subalit hindi pa man ito tumatama sa kanya, napatalsik na nya kaagad si Lucius sa pamamagitan ng malakas na heel-kick sa sikmura.

Napaungol ito sa sakit at isang uppercut na naman ang natanggap bago isang roundkick sa kanang leeg na ikinabali ng spinal cord nito. Tumalsik na nagpagulong-gulong si Lucius hanggang sa bumangga ito sa side wall ng arena.

"Bakit pa ba ako nag-aksaya ng oras sa 'yo." komento ni Shadow bago inayos ang damit na bahagyang nagkaroon ng gusot.

"At there you have it! Ang nanalo ay walang iba kundi si Shadow ng White Alpha Faction! Grabe 'yon! Ayos lang kaya si Lucius, mga kaibigan?"

Napuno ng sigawan ang buong stadium. Shadow looked towards us at napansin kong napatango si Leonidas sa kanya.

"Grabe. Ang galing talaga nya." hindi maiwasang mamanghang sabi ni Harmony.

The Tamer Without a Beast: VOLUME 1 and 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon