Chapter 79: "Knives Men vs. The Beasts

108 11 4
                                    

Chapter 79: "Knives Men vs. The Beasts"

Teiro's point of view

NARATING NAMIN ang daungan at kaagad na tumalon sa lupa. Naiwan si Indominus at Pheris sa barko kaya't nagtaka akong nilingon sila. "Anong ginagawa nyo? Bakit hindi pa kayo umaalis dyan?"

"Balita namin, maraming tao ngayon ang nakakulong sa Continental Island. Hindi 'yon gano'n kalayo sa kontinenteng ito kaya't kailangan namin silang puntahan at hingan ng tulong." sagot ni Pheris sa 'kin.

"Pero hindi tayo nakakasiguro kung tutulong nga ba sila. At isa pa, hindi ba masyadong delikado kung kayo lang dalawa ang lalakad do'n?" ani ko pa't bigla namang tinapik ni Leonidas ang balikat ko.

I stared at him, shocked.

"Hindi mo na kailangang mag-alala. Alam ni Pheris ang ginagawa nya. Magtiwala ka na lang at ituon ang atensyon sa kung ano ang mga bagay na kinakailangan mong gawin sa pagkakataong ito." he said straight to my eyes. "Gusto mong iligtas si Nekuma, hindi ba? Walang saysay ang lahat kung hindi tayo magmamadali."

Sa pagkakataong 'yon, hindi na ako nakapagsalita pa.

"'Wag kang mag-alala, Hezuya. Sandali lang tayong maghihiwalay pero susunod din kami sa inyo. At kapag nangyari 'yon, marami ka nang kakamping tutulong sa 'yo." may ngiting saad naman ni Indominus sabay turo sa kanyang sarili. "Isa pa, kung tutuusin nga dapat kami pa ang mag-alala sa inyo dahil nandito ang lahat ng malalakas na kalaban nyo eh."

"Basta't sumunod kayo kaagad. Mag-iingat kayo." sagot ko't tango lang ang tinugon ni Indominus.

Leonidas looked at Pheris. "Ikaw na ang bahala."

"Anong reward ko 'pag nakabalik ako?"

"Bata."

Namula agad si Pheris sa walang pag-aalinlangang sagot sa kanya ni Leonidas kaya't lihim namang natawa si Indominus. "Tumigil ka nga." nasuntok tuloy sya sa sikmura ni Pheris.

Our paths separates after a few goodbyes. At dahil sa alam namin kung nasaan ang direksyon ni Nekuma, sinundan lang namin 'yon hanggang sa tumatakbo na kaming tatlo sa isang malamig at makulimlim na gubat.

******

Third person's point of view

By the outer corridor of the east side of the dark palace, a quiet atmosphere is filling the air that gives chills to everybody who'll walk by in this area.

Ito lang ang lugar kung saan bihirang pumupunta ang mga bantay dahil sa ito lang ang may pinakamababang porsyentong mapapasukan ng taga-labas kaya't walang dahilan upang ito'y kanila pang pag-aksayang silipin upang mabantayan.

Subalit sa hindi inaasahang pagkakataon, sa kadiliman ng pader, lumitaw ang pigura ng isang maliit na nilalang na may maitim na katawan at buntot na gaya sa isang normal na pusa.

Kulay nagliliwanag na lila ang paris ng mga mata nito't bawat hakbang at hindi kailanman nagbibigay ingay sa paligid. Ito'y taga-labas ngunit hindi man lang napansin ang presensya ng mga high-ranking guard beasts ang amoy nito nang ito'y walang kahirap-hirap na nakapasok.

Naglalakad lamang ito roon at halatang may gustong puntahan at may hinahanap na tamang tao para sa kanyang sariling pakay.

As it turned to a corner its paws suddenly ceased from walking forward as it stared straight to the guy standing by the other end of the corridor he was facing. The guy's both hands are inside its pants pocket. A knight's suit and a well-refined pair of daggers by his waist. A familiar face named as Alistair found Nekuma by this area in no time.

The Tamer Without a Beast: VOLUME 1 and 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon