Chapter 21: "Hall Forest and the Purple Clouds"

228 22 1
                                    

Chapter 21: "Hall Forest and the Purple Clouds"

Phoenix's point of view

KANE LOOKED to me as I approached them. "Lider. Nasa'n na ang kalaban?"

Huminto ako sa harap nilang dalawa bago binalik sa lagayan ang dalawa kong espada and then - bang! I slammed both their heads down in a flash with an irritated and twitching smile. "Ano bang ginagawa nyong dalawa?" may panggigigil sa boses ko silang tinitigan.

Sapo-sapo ang ulong may bukol, muli silang napaangat ng tingin sa akin. "Bakit nyo naman ginawa 'yon? Gusto lang naman naming tumulong!" Kane shouted, but not in a rude way.

Hezuya squeaked. "Aray."

"If you want to help. Tingnan nyo muna ng maayos 'yang sarili nyo. That's not how your avatar should wear." I pointed towards Hezuya, poking his nose. "At ikaw naman. Sa dinami-rami ng sandata 'yang mabigat pa talaga napili mo."

Bahagya syang nailang at nagkibit-balikat. "Ano kasi . . . ang cool kasi tingnan kaya ayon."

Binatukan ko syang muli. "Aray." A lifeless cry came out of his mouth again.

Napabuntong-hininga na lamang ako.

"Ohhh!" Kane suddenly appeared behind shouting with an extreme excitement. Nang malingon namin ito, hawak-hawak na nya 'yong golden spear sa sahig. He faced us holding that precious weapon with both hands in such a good fit. "Ang ganda! Ito ang hinahanap kong weapon! Simula ngayon akin ka na goldies!"

Hezuya raised an eyebrow. "Goldies? So may pangalan na agad ang spear. Galing."

Uminom ako ng health potion sa bag at bumalik sa 100% ang buhay ko. Nagpasya kaming maglibot sa buong hall, naghahanap ng maaaring lagusan palabas dito.

Hezuya is still searching a suitable sword that can match with his style of fighting. Marami namang light swords sa bawat chest pero ang problema, sa sobrang dami nito nalilito sya kung ano ang pipiliin nya.

I did warned him that some are fake. Madaling masira dahil sa tagal na nito rito. So because of what I said, he got more cautious and cautious until nababaliw na sya sa bagay na 'yon.

"Grabe. Wala talaga akong mahanap." he whined with his knees on the floor. Came Kane behind, tapping his shoulder. "Tulungan kitang maghanap, 'wag ka nang malungkot."

Hindi ko talaga maintindihan 'tong mga 'to. Paulit-ulit na silang ganyan. Magkakalahating oras na. That's when I shouted. "I-test nyo kasi sa pillars kung mawawasak ba o hindi!"

"Ohh! Tama!" then they shouted in unison.

Ang cheerful ng dalawang 'to. Hindi ba nila alam na nakakulong kami?

I really wonder what happened to the others right now. Sana maayos lang sila.

******

Teiro's point of view

A powerful clang sound reverberated around this hall. My arms are already trembling. Ilang beses na akong pumapalo ng espada sa pillar pero lahat sila nawawasak matapos ang sampung hampas.

Akala ko pa naman magaganda talaga lahat ng swords dito. Three chests na ang naubos namin pero kahit isa sa laman nito, walang tumagal sa sampung hampas.

May nabubungi ang blade at may napuputol o nabibitak lang talaga.

Rare type talaga 'yong golden spear na nakuha ni Kane. Ang swerte nya naman.

"Guys! May nakita ako!"

Both me and Phoenix turned our heads to Kane's direction. Tumayo ako mula sa pagkakaupo't tinakbo ang pwesto nito.

The Tamer Without a Beast: VOLUME 1 and 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon