Chapter 27: "Lucius"

201 26 7
                                    

Chapter 27: "Lucius"

Teiro's point of view

LUCIUS' BODY is almost unrecognizable.

Skull broken. Both arms dislocated. Eyes and mouth covered with violet bruises. Nakasandal ito sa isang katawan ng punong kunting tulak na lang ay matutumba na rin sa sobrang pagkakabaon ni Lucius doon.

We didn't do anything other than watch Leonidas do the beating. Puro dugo ang parehong kamao nito. Eyes darkened and no such emotions na pwedeng maihahalintulad sa tao. He's now already a monster beating the life out of our Elf comrade.

Hanggang ngayon, hindi pa rin makapagsalita si Pheris. Nasa tabi nya si Nerfius na pilit pinapagaan ang loob nito, na manatiling matatag sa kabila ng masaklap na pangyayaring naranasan ng buong grupo.

The captain is gone. And now, the faction is gradually breaking apart. Every sound of Leonidas' punch to Lucius' face is like a whole platform of glass slowly breaking piece by piece.

Hindi na makagalaw si Lucius sa pinsalang natamo nito. Both eyes is already white. Blood is spurting out of his disfigured mouth.

The time when he only have 2% life, "Tama na!" malakas kong sigaw dahilan para matigil sa kalagitnaan ng bulusok ang huling suntok ni Leonidas sa mukha ni Lucius.

All of them looked to my side. I heaved a heavy sigh.

Itong si Leonidas, sobrang dilat ang matang nilingon ako habang naliligo sa dugo ni Lucius ang mukha. "Sa wakas, nagsalita ka na. Kung hindi mo 'yon ginawa, malamang nakapatay na ako ng tao." saad nyang kalmado pa rin.

Alistair covered his face with both hands. "Ano bang nangyayari rito? Bakit ba parang gusto ko na lang umalis?"

Dahil do'n, mukhang narinig ni Leonidas ang bulong nya. Kaya't nalipat sa kanya ang matatalim nitong tingin. "You don't have to stay if you want to leave."

Nanlaki ang mata ni Alistair sa narinig sabay inangatan ng tingin si Leonidas. "Ano?"

Silence ensued for a short time. Tinalikuran ni Leonidas ang durog na si Lucius at hinarap si Alistair. Kumuha ng isang sigarilyo at lighter do'n at nagsindi sya. Humithit ng isang beses at nagbuga ng usok bago muling nagsalita matapos itong kumalma. "Isa ka sa nag-volunteer na sumama sa misyon. Wala kaming intensyong itali ang ugnayan nating lahat dahil lang sa  nabuo ang grupong ito. Kapag nawala ang pinuno sa isang faction, natural kukuha ng kapalit na mula mismo sa grupong 'yon pero. Kung magsisisihan lang din naman kayo dahil sa masakit na nangyari. Masasabi kong hindi kayo ang nararapat na maging kakampi ko."

Napaiwas ng tingin ang lahat sa kanilang narinig na komento mula kay Leonidas na kalmadong humihithit pa rin sa sigarilyo nya.

Napansin kong napalingon na si Pheris sa kanya ngunit hindi ito gano'n ka-sigla. Parang kahit anong oras, babagsak na lang ang katawan nya sa panghihina ng loob. She can't even lift herself up, not with those trembling legs.

"Kasalanan ito ni ganyan. Kasalanan ito ni gano'n. Dapat hindi ka na lang nandito, dapat wala ka na lang sa grupo, kasalanan mo kung bakit humina ang captain, kasalanan mo kung bakit - bwesit na mga dahilan 'yan!"

Hindi nakapagpigil si Leonidas sa sigaw nya. Some birds were even startled na nabugaw paalis sa kanilang pinapatungang mga sanga.

"Kung gusto nyo lang palang magdahilan at magsisihan, dapat nag-aral na lang kayo at hindi na naglaro pa para naging abugado o pulis kayo, kung ang nagagawa nyo lang ay humatol at manghusga ng pagkakamali ng iba! Hindi kayo kailangan sa larong ito kung puro mali ng iba ang nakikita nyo!"

The Tamer Without a Beast: VOLUME 1 and 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon