Chapter 63: "The Savages"

127 17 0
                                    

Chapter 63: "The Savages"

Third person's point of view

AS SOON as Indominus got out of the huge white and black mansion, he quickly turned to a side pavement and ran passed the citizens walking along that side. "Looks like the RedLily faction didn't came here," he muttered. "Now off I go to the East Temple!"

A cliff is infront of the road where he is running but instead of turning or stopping, tumalon sya nang napakalakas at nakaabot sa isang malaking sanga ng nakahigang lupa sa kabilang bahagi ng lupa.

Dahil sa sira-sirang bahagi ng lupang narito, at mga tumang mga puno't nauukang mga malalaking bato, the main road was uneven and severed. Kaya't kung hindi magaling sa direksyon ang taong magliliwaliw sa bahaging ito ng kabundukan, mauuna pa syang mapag-piyestahan ng mga halimaw na naninirahan sa kadiliman bago marating ang kanyang ninanais puntahan.

Gamit ang boosting power ni Indominus, nagkaroon sya ng kalahating oras na night-vision effect sa kanyang mga mata't mas madali sa kanyang magpalipat-lipat ng sanga sa gubat na ito upang makarating sa templo.

A snake almost bit his nape with a surprise attack from a corner pero dahil mabilis si Indominus. Kahit sya mismo'y hindi na namamalayang ilang beses nang napagtangkaan ang buhay nya.

Hanggang sa isang beses na pagkapit nya sa sanga ng maliwanag na puno ng sakura bigla-bigla itong nabali't nahulog kasabay sya sa lupang may taas na pitong metro.

At bago sya tuluyang bumagsak doon, isang net-trap ang bumulusok mula sa lupa't sinalubong ang pagbagsak nya. But the his eyes and reflexes was a lot more faster than the booby trap so in a single second, Indominus shreds the net into million pieces midair before landing unscathed on the rocky ground.

Another capturing net came flying from his back so he quickly twisted his body around a corner dahilan para sa isang puno lang kumapit ng sobrang higpit ang net. The attack didn't ended there, dahil may dosenang metallic arrows naman ang bumulusok mula sa magkakaibang direksyon at sa iisang lugar lamang tumatama at 'yon ay ang mismong kinatatayuan nya.

He released all his remaining strength to deflect and avade all the arrows possible. Puro ingay ng nagkakalansingang metal ang nagbibigay ingay sa bahaging 'yon ng gubat sabay ang walang tigil ding kislap ng frictions sa bawat sanggang ginagawa nya gamit ang nag-iilaw na espada.

Natigil ang pag-atake ng mga palaso't muling binalot ng katahimikan ang paligid ni Indominus. Habol-habol ng binata ang hininga nyang nagpipilit pa ring gumawa ng sword stance sa kabila ng pagod at kaba. "Wala na ba sila?" sabi nya sa kanyang isip.

Isang kaluskos sa likod ang nagbigay babala sa kanya bago bumulusok na magkakasunod ang tatlong huling bakal na palaso sa kanya. With a stamp of his right foot on the ground, kumawala ang isa sa skill nyang tinawag na Widening Senses. And in just a split second nakuha nya ang lokasyon ng limang nagtatagong pigura sa paligid nya.

Knowing there locations in an instance, diniflect ni Indominus ang mga palasong 'yon nang magkakasunod-sunod sa magkakaibang direksyon. Lumagpas sa mga puno't dahon ang mga palaso't ungol at iyak naman ng tatlong tao ang narinig nang sila'y tamaan ng mga palaso sa leeg at ulo.

Hindi na maririnig ang kanilang boses pagkatapos no'n. "Ngayon, may dalawa na lang." bulong nya't tumingala.

Isang kasing laki nyang ahas naman ang nagpakita sa ibabaw nya't ipinabulusok nito ang mataas at matulis na dila upang tusukin sa noo ang binata. Ngunit pumagulong sya paharap at dumiretso sa lupa ang bulusok ng dila't kahit ang bato'y nabitak sa lakas no'n.

Apat na metro ang nailayo ni Indominus sa delikadong ahas na may mapupulang paris ng mga mata. Isang human-size black bear naman na may tatlong sungay ang nagpakita kadiliman sa likod nya't inakma sya nitong kalmutin ngunit mabilis pa sa kidlat na nahiwa't naputol ng binata ang braso nito't tsaka tinuloy ang paghiwa sa leeg ng beast na kaagad ikinabagsak na wala ng buhay sa lupa.

The Tamer Without a Beast: VOLUME 1 and 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon