Chapter 83: "Battle at the Tunnel's End 1"

87 12 1
                                    

Chapter 83: "Battle at the Tunnel's End 1"

Teiro's point of view

AS SOON as we arrived by the last door kung saan sinabi ng beast na 'yon. Binuksan namin ito't bumungad ang maaliwalas na paligid sa aming mga mata.

Makulay ang buong silid at maraming magagandang laruan sa magarang sahig. Malawak din ito at nang makapasok kami, hindi namin maiwasang mapatingala't napamaang na lamang ang bibig habang pinagmamasdan ang matayog na tore sa aming harapan.

Sobrang taas nito at kung iisipin, maaari itong itumbas sa tore ng Paris. Hindi nga nagkamali ang beast sa sinabi nya. Bakit ko ba kasi pinagdudahan pa 'yon eh hindi naman 'yon tao. They're not prone to lies, depending on their characters.

Kagaya ng paligid dito sa ibaba, maliwanag din ang paligid ng mismong toreng ito. Pero dahil sa taas nito, mukhang lumagpas na ito hanggang sa ceiling.

We found the children playing on the corner. Mukhang wala man lang bahid ng takot o lungkot sa kanila nang sila'y aming matagpuan.

"Sino kayo?" tanong ng batang lalaki sa akin. Nakaupo sya sa maliit na stool habang may hawak na laruan sa dalawang kamay.

Harmony approached them with a stretched arm. "'Wag kayong mag-alala. Nandito kami para iligtas kayo."

Tila nagtaka namang napahawak sa baba ang batang babaeng kaharap nito. Kung natatandaan ko, Shena ang pangalan nya ayon sa kanyang lolo at lola. "Teka po. Hindi ba kayo kinain no'ng bantay?"

Nagulat kami sa aming narinig. "Anong ibig mong sabihing kinain?" but still, Harmony holds a smile on her face, ngunit walang ka-emo-emosyon ang mga batang ito na pinagmasdan kami.

"May bantay sila rito?" bulong ko't isang tapik ni Leonidas sa aking likod ang halos magpatalon sa kaluluwa kong mabilis syang nilingon.

He then calmly pointed at a dark corner of this room. Kung titingnan, hindi ito gano'n ka agaw-pansin sa unang tingin pero dahil sa isang paris ng puting matang nando'n, agad umakyat ang kilabot sa buo kong katawan at hinawakan ang hilt ng aking espada.

"No wait." Leonidas stops me from moving. "It might be a problem kapag marami sila. Mas priority natin ang iligtas ang mga bata ngayon."

"Anong gusto mong gawin ko?" I asked him.

"Marami na kaming naging bisita noon dito." biglang nagsalita sa kanyang sarili si Arkon. 'Yong batang lalaki. Sabay inangatan ng tingin si Harmony na ang pinakamalapit sa kanilang dalawa. "Pero lahat sila. Kinain lang ng bantay. Kaya't kung ayaw nyong tuluyang magalit sya, umalis na kayo hangga't maaga pa!" nanginginig ang bibig nito't bumagsak sa sahig ang kanyang laruan.

Lumikha 'yon nang malakas na ingay mula sa napakatahimik na silid na ito. Nabigla kami nang umalingawngaw pa ang ingay na ito hanggang sa buong paligid.

Nanlaki ang aking mata na naibalik sa maitim na bahagi nitong silid ang titig. Kung tama ang hinala ko, maaaring umatake ito dahil sa lakas ng ingay. Pero mas nabigla ako at nawalan ng hangin sa dibdib nang mapansin kong wala na roon ang paris ng mga mata sa dilim.

Kasabay no'n, naramdaman ko ang malaking nilalang sa likuran ni Harmony. Kaya't mabilis ulit akong lumingon sa kanya't napansin ang anyong tao nitong kakulay ng kadiliman ang buong katawan. Matataas at matutulis ang kuko sa magkabilaang kamay't may anim na bakal na buntot sa likod nito.

Hindi kaagad ako nakakilos maski si Harmony nang maramdaman din nito ang panganib na nasa likuran nya.

I couldn't utter a single word in order to warn her, pero nahugot ko na ang dalawang espada pero kahit kumilos na ako ngayon, mauunang mapugot ang ulo ni Harmony sa bumulusok na kuko ng halimaw na ito.

The Tamer Without a Beast: VOLUME 1 and 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon