Chapter 3: "Farewell"
Teiro's point of view
"PERO YOUNG Master Teiro. Hindi maganda ang binabalak nyo."
"At tsaka hindi ba pwedeng ipagpabukas na lamang natin ito? Bakit ngayon pa na mainit ka pa sa papa mo."
Pinatawag ko sina Yaya Sema at Mr. Cleon dito sa kwarto nang palihim, ngunit mukhang sasalungat talaga sila sa plano ko.
Patuloy lamang akong nagta-type sa laptop na nakaupo sa kama, while the two of them are just standing infront of me.
"Hindi na pwedeng ipagpabukas 'to, Yaya Sema." tumigil ako sa ginagawa't inangatan sila ng tingin. "Mauubusan na ako ng VR-ring at VR-connector 'pag hindi ako nagmadali. Kailangang-kailangan ko na talaga itong mabili ngayon."
Gusto ko silang kumbinsihin na tulungan akong makalabas para naman ako na ang mismong bumili ng kakailanganin ko, upang makalaro.
Mr. Cleon heaved a deep sigh, kaya't nalingon ko naman ito. "You're dad will definitely punished the three of us sa oras na malaman nya ang plano mong ito."
"Mahigpit na ipinagbabawal ang paglabas sa gabi. Isa 'yon sa rules. Alam ko naman Mr. Cleon." saad ko't muling niyuko ang ulong nag-type muli sa laptop. "Pero gusto ko lang talagang subukan ang larong ito. Promise. Ngayon lang natin gagawin 'to. Hindi na 'to masusundan pa. Kahit na kailan."
Inikot ko ang front side ng laptop at iniharap ito sa kanilang dalawa. Makikita sa laptop screen ang isang advertisement video clip ng nasabing laro na 'yon.
Maganda ang graphics. At para itong paraiso sa ganda ng mga tanawin. Mga iba't-ibang uri ng towns at grassy lands. Mountains even ice mountains. Lava mountains and sky cities.
Dragons, serpents, lions, at napakarami pang mythical beasts na pwedeng i-tame ng mga maaaring players at maging companion nito habang naglalakbay sa loob ng buong game world.
"Hmm. Parang Pokemon lang pala." biglang komento naman ni Mr. Cleon na nakatukod ang kamay sa baba.
Lito naman namin itong nilingon ni Yaya Sema. "Anong Pokèmon ba sinasabi mo?" tanong nito sa katabi.
"Hindi mo alam 'yon? Tsk. Matanda ka na nga talaga. 'Yon 'yong laro noon na may monsters ding kakampi ang mga characters. Naglalaban-laban sila sa pamamagitan ng mga 'yon. Young master. May pokèball din ba 'tong laro na tinutukoy mo?" tanong ni Mr. Cleon sa akin. Halatang interesado sya.
"Ah. Tingin ko. Wala naman akong nabasang may gano'n dito."
"Ah, gano'n. Boring naman pala."
Sa pokèball lang ba sya interesado? Para syang bata.
"So hindi mo 'ko tutulungan?" tanong ko agad na may pag-aalala.
Hindi sya kaagad sumagot. Halatang nag-iisip kung ano ba talaga ang dapat na isagot nito. Even Yaya Sema is nervous by his sudden silence, pero may tiwala ako kay Mr. Cleon. Alam ko ang isasagot nya. He just want some suspense. Dyan sya magaling eh.
Then finally tinanggal nya ang necktie sa leeg, letting loose the buttons by his collar at ngumiti sa 'kin. "Alam kong medyo maaga pa, pero. Oras na siguro para simulan mo na ang rebellion phase mo."
"Yes!" sabi ko na nga, kakampi sya sa 'kin. "Yaya Sema. Hindi mo 'to ipagsasabi 'di ba?" tumingin ako sa kanya nang nakangiti.
Naglabas na lamang sya nang malalim na buntong-hininga't nilapitan akong hinaplos ang akong buhok pababa sa pisngi. "Basta bumalik ka ng ligtas. Hindi ko alam gagawin ko kapag may nangyaring masama sa 'yo." pansin ko ang sobra-sobra nitong pag-aalala kahit sa tono pa lamang ng boses nito.
BINABASA MO ANG
The Tamer Without a Beast: VOLUME 1 and 2 [COMPLETED]
FantasyTeiro Cannia is a ninth grade high school student living inside a big mansion, which he calls life prison because of its miserable rules and orders, making him feel like being chained for his entire life by his family. Until "Battle of Tamers online...