Chapter 25: "The Melancholy Escape"

232 25 4
                                    

Chapter 25: "The Melancholy Escape"

Teiro's point of view

ON OUR way to the others. We've encountered many werewolves in our trails. We decided to evade some of them and let them lost our tails, dahil wala na kaming oras na dapat sayangin ngayon.

Both of us knew how dangerous this place is. And how it might come to worst if something might trigger all the monsters around to gone wild even more.

Hindi namin kakayanin ang lagpas libo-libong monsters sa gubat na 'to nang kami lang. Kung nahanap na nila si Orikia, then that's good. Ang poproblemahin na lang namin ay kung papa'no namin ito papatayin at kung paano kami makakatakas ng buhay.

"Watch out!" Few sharp arrows came flying towards my side interrupting us from jumping to branches to branches. Some of it almost got my head even my feet.

I almost stuttered deflecting all of these piercing objects with continues swings of my dagger. Nakatago si Leonidas sa katawan ng puno kaya't medyo ligtas sya sa ambush.

Ngunit no'ng nagsimula nang tumagos ang mga palaso sa kahit makakapal na punong ito, nag-desisyon na lang kaming tumakbo at lumayo roon.

Mabuti na lang tumigil na ang atake no'ng sapat na ang layo namin sa mga halimaw na 'yon. Mga Goblin Archers yata ang mga 'yon. Hindi kami sigurado dahil wala naman kaming nakita maliban sa mga palasong pinapakawalan nila.

Then minutes later, we saw a water well ahead of us. Hindi na namin 'yon pinansin at tinuloy ang aming pagtakbo para makaabot sa iba.

Then we suddenly heard a loud explosions. Natigil kaming dalawa dahil malapit lang ang pinangyarihan ng pagsabog na 'yon.

Towards our right. Do'n nalipat ang aming atensyon. "Nando'n sila." With Leonidas' quick perception walang paalam itong lumihis ng daan patungo roon sa ingay.

I tried to talk with him but I can't. Sinundan ko na lang ito ng tahimik at habang papalapit kami sa usok. May napansin naman akong kakaiba sa aking gilid. Nang ilingon ko ang mata roon.

Muntik akong mahulog sa gulat. Buti nagawa ko pa ring maitalon ang sarili at nakasunod pa rin sa likuran ni Leonidas pero sa gilid na ako nakatingin.

It seems weird dahil pamilyar sa 'kin ang nilalang na 'yon. Not sure though if tama ako.

It's more than 20 meters away from me. Ginagaya lang nya ang kilos namin ni Leonidas. Sumasabay sa takbo nang palihim at tahimik. Parang hindi nga sya namamalayan ng kasama ko.

Unang parte talaga ng katawan nya ang napansin ko. At 'yon ay ang kulay berdeng mga mata nito. Umiilaw ito. Itim ang kapang suot at kasing bilis namin ito sa pagtakbo.

"Nandito na tayo."

Tsaka ako gulat na napalingon sa harap at natigil bago pa mabangga sa likod si Leonidas. Nakahinga ako nang maluwag nang sa gilid nya lang ako naka-landing. Muli kong sinilip sa gilid 'yong nilalang na sumasabay sa 'min ngunit sa hindi malamang dahilan, wala na akong nakitang bakas nito kahit saan.

"May problema ka ba? Kanina ka pa tingin nang tingin sa paligid." Napansin ni Leonidas ang weird na kilos ko kaya't kibit-balikat na lang akong inayos ang sarili.

"Nagmamasid lang ako. Mabuti na 'yong sigurado." palusot ko.

Bigla-biglang lumabas ang pusa sa aking bag at ungol agad nito ang narinig ko. "Meow~" umakyat ito sa likod ko't do'n tumayo sa aking ulo. "Meow~ meow~ meow~"

Walang tigil ito sa pag-iyak. Nakakapagtaka. Bigla-bigla. May narinig kaming malakas na ungol ng halimaw.

Pero pansin ko, hindi 'yon boses ng mapanganib na halimaw kundi isang inosenteng iyak. Nagulat kami't naalarma dahil ro'n. "Halika na!" bumaba na si Leonidas sa sanga at tinakbo na lang sa lupa ang direksyong kuweba na ilang metro na lang ang layo sa amin at natigil ang iyak.

The Tamer Without a Beast: VOLUME 1 and 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon