Chapter 43: "Temporary Member"

136 20 6
                                    

Chapter 43: "Temporary Member"

Teiro's point of view

"MEOW~"

SOMETHING COLD is on my face. I can't help but moan in annoyance sabay inalis ang pusa sa pagkakadagan sa mukha ko.

Stupid cat.

Pinagpatuloy ko ulit ang aking tulog. "Meow~" but then again, this fluffy irritating little scoundrel came back stamping to my cheek. Then to my nose, slightly clawing my eyebrow. "Meow~!"

I groaned again. Binuksan ang mga mata't iritang itinaas ito sa ere. I stared to it while suspended in midair and I'm still on my bed.

It's licking its paws like he did nothing na mas lalong nagpa-irita sa 'kin. Sarap itapon sa bintana talaga.

Hanggang sa tumitig na rin ito sa akin at tumigil sa ginagawa, "Meow~~..meow~"

Napakunot lalo ang noo ko. "At pa'no naman kita maiintindihan ha? Isulat mo nga sa papel para hindi ako hula ng hula."

Then napansin kong tila napa-roll eyes ito sa akin. "Meow~" muli nitong sambit sa hindi ko malamang lengguwahe.

"Isa pang meow mo uupakan na talaga kita."

"Gumising ka na raw sabi ni Nekuma." sumingit bigla si Harmony na nakatayo sa tabi ng higaan ko. Ngumiti sya ng matamis sa 'kin habang nakadungaw. "Good morning, Hezuya!" masigla ang kanyang pagbati.

Nakabihis na sya into a robe and a slight armors to his knees and elbows. Teka. Katabi ko pala syang natulog. Ngayon ko lang naalala na napapagitnaan namin sya ni Indominus.

Ang lalaking 'yon? Ewan. Hindi ko na alam kung saan na nagpunta.

Bumangon na ako't bahagyang hinagis sa unan ang pusa. "Good morning din. Maayos lang ba tulog mo kagabi?" tanong ko.

"Ako na." sya na ang nag-boluntaryong ayusin ang pinaghigaan ko. "Meet me at the Town's plaza. 'Yon ang bilin nya kanina sa 'kin. Sabihin ko raw sa 'yo kapag gising ka na."

Town's plaza, huh.

Matapos kong maihanda ang sarili, sabay na kaming lumabas ni Harmony palabas ng kwartong 'yon. The sunlight greets me as I steps out of the inn threshold. Tumigil saglit at tiningala ang maliwanag na kalangitan kasama ang nakakasilaw na sinag ng araw. I shaded the part of my eyes with my palm just to see the clear sky without being blinded my the sunlight itself.

This is the eight day, na pananatili namin sa maliit na inn room na 'yon. Gustuhin man naming kumuha ng isang kwarto para kay Harmony dahil sya lang ang babae sa amin, she insisted on staying with us in a single room until the rain stops.

"Meow~"

"Aray!" I groaned in silent when Nekuma jumps on my back, then begun crawling up to my shoulder unto my head.

After that, he stands there tall and proud looking up. "Meow~!"

It seems like a long loud cry but with that little mouth of his, mas malakas pa yata ang sigaw ng month years old na bata kumpara sa boses nya.

Nilingon ko si Harmony na napangiti naman. "'I'm the king of the world!'. 'Yan ang sabi nya." sagot nya naman sa 'kin.

May King of the world king of the world pang nalalaman 'tong NPC na 'to. But infairness, ang galing ng program sa paggawa nito ha. I must admit. It's really on a whole different level and it's kinda amazing to witnessed new things like that, especially in this kind of game.

Hindi na kami nagtagal do'n, at tinungo na ang daan papuntang town's plaza. At dahil nga maaraw na ngayon, marami na ang nasa labas ng town at nagliliwaliw kung saan-saan.

The Tamer Without a Beast: VOLUME 1 and 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon