Chapter 62: "The Thief"

122 16 0
                                    

Chapter 62: "The Thief"

Third person's point of view

MAINGAY NA kalesa ang nagbigay istorbo sa lahat ng ibon at maliliit na beasts sa gilid ng daang napapagitnaan ng kagubatang ito.

Madilim ang daan at ang tanging ilaw lamang sa lampara ng sinasakyan ang nagbibigay liwanag sa tinatakbo ng kabayo.

Sakay-sakay ng kalesa ang isang binatang player na nagngangalang Indominus at papunta ito ngayon sa lugar na tinawag na Beastly Auction House sa kalapit na small town ng Pier-side city na pinanggagalingan nya.

Ngunit bigla na lang tumabingi ang kalesa't malakas na pagbagsak ang maririnig sa paligid bago nahinto ang kanilang takbo. Napaka-ingay ng kabayong hindi makatayo ng maayos dahil sa malaking uka ng lupang nakaharang sa kanilang daan ang maririnig na nagbigay babala sa nakasakay na ito'y imposible pang magpatuloy sa byahe.

Napasabunot naman sa mukha't buhok ang nagmamaneho sa kalesa at hinarap si Indominus. "Pasensya ka na, pero kahit maayos ko man ang gulong ngayon, medyo hindi na kakayanin ng kalesa at ng kabayo ko ang magpatuloy pa sa daan na 'yan."

Pareho nilang pinagmasdan ang daan at nakitang sobrang laki nga ng mga bitak nito hanggang sa hindi na ito makilala bilang daan. Ngunit walang magagawa ang binata sa bagay na ito. Naisip na lamang nyang malaki ang posibilidad na ito na ang pinaka-delikadong parte ng gubat dahil maraming mas agresibong crawlers ang naninirahan dito.

Indominus smiled to the man. "Ayos na po ako rito. Kailangan nyo na pong bumalik sa syudad, mahirap talagang mag-byahe kapag gabi. Maglalakad na lamang ako." matapos makapag-bayad ng buo, tumalon na sya sa puno't iniwan na gulat na gulat ang taong 'yon.

"Hindi ba nya alam na ang bahaging ito ang may mga mas maraming agressive-type crawlers? Sana maayos lang syang makabalik." isip ng taong 'yon.

******

Mula naman sa kabilang bahagi ng gubat, isang maayos na byahe ang nangyayari. Sa kabila ng madilim at tahimik na gubat, halatang walang nagtatangkang gumawa ng kalokohan sa mga taong nakasakay sa loob.

Ang higanteng puting lobo na si Nerfius ay sumasabay sa pagtakbo ng kalesang ito at nagsisilbing bantay sa kanyang amo sa loob ng sasakyan kaya't kahit iilang ahas at mini-crawlers na ang nagtangkang mag-abang sa kanila, hindi ito nakakapalag dahil sa ibang klaseng nakakapanindig-balahibong awrang inilalabas ni Nerfius sa kanyang paligid.

"Hindi ba masyado naman yatang mabigat ang awrang nilalabas ng alaga mo ngayon?"  - hindi na maiwasang magtanong ni Pheris sa captain na prenteng nakaupo lang kaharap sila ni Harmony-- na nanginginig naman sa kaba.

Nilingon sila ni Leonidas na may bahagyang kunot ng noo. "Kung papahinaan ko ang awra ni Nerfius sa labas, tiyak na daan-daang mini-crawlers at Finger-eaters baboons na lagpas 20 level beasts ang haharang agad-agad sa dinadaanan natin. Kailangan nyong tiisin 'to hanggang sa makarating tayo sa De Gore city."

Pheris got annoyed. "Tingnan mo nga si Harmony. Kulang na lang mangisay 'yan dahil sa kaba! 'Wag mong sabihing titiisin nya 'to hanggang sa sampung kilometrong byahe?"

"Sorry but she need to."

"Dapat kasi nanatili na lang kami sa inn eh."

"Don't start with that conversation again. Alam mong hindi natin kabisado ang lugar na 'to."

"So what!"

Habang masamang nagtitigan ang dalawa, si Harmony naman ay napatingin na lang sa labas. "Dapat siguro kay Hezuya na lang ako sumama." kanyang bulong sa sarili.

The Tamer Without a Beast: VOLUME 1 and 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon