Epilogue Chapter "The King of the World"
Teiro's point of view
THREE MONTHS ALREADY PASSED.
Yet I can still hear that cute moan from my ears. After all that tragic time. I still couldn't forget how soft that little devil's delicate body is while I'm wrapping it by my arms keeping it close to my aching chest.
I can still smell that unique blood dripping down his pierced being that my tears kept mixing with those red liquid covering his wounded body. The echoes of my cries still hunts me by my sleep and that last smile of his before he gradually disappears seemed like a scarred videotape that kept playing in my head the moment I close my eyes.
I couldn't rest myself for almost a whole 6 months because of that trauma. I've been caging myself alone in my room and didn't let anybody see me in this state. I couldn't eat nor talk. Halos hindi na nga ako naliligo at palaging puyat.
Para na akong nawawalan ng saysay sa buhay kaya't isang araw. Inaya ako ni Mr. Cleon na lumabas para man lang mahanginan ako kahit kunti. Una'y hindi ako pumayag pero dahil sa sinabi nyang may gusto raw kumausap sa 'kin. Pinayagan ko na lang din.
Tutal medyo gutom na talaga ako't bigla na lang may kung anong bagay na nagtulak sa 'kin na gumalaw kaya't heto. Nakasakay na ako sa kotse sa passenger seat habang si Mr. Cleon naman ang nagmamaneho.
"Sinabi ko pala sa papa mo na ilalabas kita ngayong araw. Hindi ko pa sya nakakausap pero alam ko namang papayag sya dahil mas makabubuti ito sa 'yo."
Nanatili akong tahimik habang tulalang pinagmamasdan ang aking paligid. Ini-slide ko pababa ang glass sa bintana ng kotse at naramdaman ang sariwang hangin na pumapasok sa loob. Matagal ko ring hindi naramdaman ang totoong simoy ng hangin.
Pati ang totooog mundong ito'y ngayon ko lang napagmasdan ng ganito. Kahit na wala itong gaanong pinagkaiba sa game world na 'yon. Magulo at malawak. Hindi mo malalaman ang mangyayari sa bawat segundo at ang tanging magagawa mo lang ay ang manatiling buhay hanggang sa makakaya mo.
"Young Master Teiro. Nandito na po tayo." pinagbuksan ako ni Mr. Cleon ng pinto. Pinagmasdan ko muna ang paligid at sa isang White gate na may nakaukit na pangalan ng lugar sa bandang itaas nito.
Forest Park.
'Yon ang nabasa ko. Napangiti naman si Mr. Cleon nang tahimik akong bumaba roon at muling pinagmasdan ang paligid ko.
"Sumunod po kayo." He leaded our way in at mukhang nagpa-reserved na sya ng ticket sa aming dalawa kaya't hindi na kami pinigilan ng guwardiyang nakabantay.
Hindi gano'n karami ang mga taong nandito at namamasyal din. Habang naglalakad ako sa isang white pathway, makikita mula sa kanan ang isang lawa na makikita ang lahat ng isdang nandoon sa sobrang linaw ng tubig nito.
Napaka-sariwa rin ng hangin dito. Puno kasi ng nagtataasang punong-kahoy ang parkeng ito. May playgrounds at basketball courts. May lunch corners at benches kaya't pwedeng-pwede kang maupo kahit saan.
"Hi Kitty! Ang cute naman nyan."
"Pwede ko bang mahawakan?"
"Hindi sya nangangalmot?"
"Ang cute cute nya talaga. Gusto ko ring bumili."
"Ano ka ba wala tayong pera."
"Ah basta bilhan mo po ako ng alagang pusa."
Napabuntong-hininga ako't nang mapagod ay naupo na lang muna sa isang wooden bench. Umalis si Mr. Cleon dahil may kakausapin daw sya. Siguro 'yong taong gusto akong kausapin kaya hinayaan ko na lang muna para mag-isa akong makapaglakad-lakad.
BINABASA MO ANG
The Tamer Without a Beast: VOLUME 1 and 2 [COMPLETED]
FantasyTeiro Cannia is a ninth grade high school student living inside a big mansion, which he calls life prison because of its miserable rules and orders, making him feel like being chained for his entire life by his family. Until "Battle of Tamers online...