Prologue
May mga bagay na kailangan nating palaging tandaan pero sa huli ay atin pa ring nakakalimutan. May mga bagay ring hindi naman natin kailangan pero nakatatak sa ating isipan. At... may mga bagay na ayaw na ayaw nating tandaan pero tila walang katapusang bangungot na gabi-gabi tayong binibisita. The ghost of memories from the past. I should have just entirely buried those ones.
Sana hindi ko na lang naalala ulit. Sana panghabang buhay na lang ang limitadong pagbura sa mga ala-ala dulot ng trahedya.
"Faith! Oh my god! You wouldn't believe this!"
"Ano ba kasi 'yan? Kanina ka pa tili nang tili. Baka marinig ka ng manager," irita kong sabi dahil nakakarindi na. I looked at Daphne who was looking at her phone.
Isa siya sa mga cook dito sa Le Fouquet, France. I am the head cook. I've reached this far. It's an honor to be a head cook in this famous restaurant in France.
Maaga kaming pumunta rito ngayon. Maaga naman talaga palagi, pero mas maaga ngayon dahil kailangang maagang nakahanda ang mga mga lutong pagkain dahil may special guests ngayong araw na siyang ookupa sa buong restaurant buong araw. Wala akong alam kung sinu-sino ba. Hindi rin naman ako interesadong alamin dahil kahit gaano pa kasikat ang mga 'yan, wala akong pakialam. I only care about how I do good in the art of cooking.
Sa isang taon ko ritong pagtatrabaho, I've already made my own specialty. Nagustuhan iyon ng halos lahat, lalong-lalo na ang manager. Siguro iyon din ang rason kung bakit ako ang naitalaga nilang kapalit na head cook matapos mag-resign ang nauna sa akin.
"One of the young directors in the Philippines pala ang special guests dito sa restaurant ngayon buong araw! Together with the actors of the new film of this young director. Sa France daw kasi ang setting, and today, dito sila mag-sho-shoot sa iilang scenes sa movie."
Napatigil ako sa paghahanda ng ingredients ng Macaroni forestière nang marinig ang sinabi niya. Hearing the word director triggered a lot of memories that are better be buried than remembered. I shut my eyes closed before fixing my eyes outside. The light of the dawn was showing.
Hindi ako sumagot kay Daphne at pinagpatuloy na lamang ang ginagawa. Ayaw ko nang isipin ang taong 'yon. Ang kapal naman ng mukha niya kung hanggang ngayon ay naiisip ko pa rin siya.
"Wait... Hala, ang pogi! Pero teka, pamilyar siya. Parang nakita ko noon sa h--"
Pinutol ko siya, "Magtrabaho ka na nga. Daldal nang daldal. Pakialam ko naman diyan." Ang sakit-sakit na sa tenga. Wala kasi 'tong alam, eh. Ang ibang cook dito sa kitchen ay nakatingin na rin sa kaniya na tila palihim na sinisita sa kaingayan.
Nakita ko siyang ngumuso na niligpit ang cellphone. Gawin kong isa sa ingredients 'yang nguso niya riyan, eh.
Ginawa kong abala ang sarili kahit may mga segundong lumilitaw sa isip ko ang sinabi niya. Sarap sana makipag-chikahan nonstop kasi siguradong malaki ang kikitain ng restaurant kapag may mga special guest dito, kaso allergic ako sa mga salitang 'director', eh. Tsk.
Alas otso ng umaga raw ang dating ng mga special guest kaya nang dumating ang oras ay nakahanda na ang lahat para sa araw na 'to.
"Pst, Daphne! Sino-sino ba ang mga artistang gaganap sa bagong movie na gagawin ng director na 'yan?" tanong ko habang naghuhugas ng kamay. Ang mga mata ko'y nakatingin sa Dining Hall na tapos nang iayos ng ibang workers dito.
"Hindi ko kilala 'yong iba, pero 'yong leads ay sina Kate Valdez at Gil Cuerva. Romance at Tragedy 'yong genre. Another Dawn with You 'yong title ng movie."
Napatigil ako sa paghuhugas ng kamay nang marinig ang kaniyang sinabi. Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi ko.
"Sure kang si Kate Valdez, ah?" Noong 16 pa lang ako, ang nasabing aktres na ang isa sa mga paborito kong artista na gustong-gusto kong makita sa personal. Nakakaadik kasi talaga 'yong ganda, at ang galing-galing niya ring maging kontrabida. Una ko siyang nakitang um-acting sa Encantadia.
Nakangiti siyang tumango.
Pero unti-unti lang ding napawi ang ngiti sa labi ko nang maalala ang sinabi niyang title sa film. Another Dawn with You. It reminds me of him again. Tangina, paulit-ulit.
"Bonjour, Direk Sullivan et à vos compagnons! Vous êtes tous les bienvenus ici! (Good morning, Direk Sullivan and your companions! You are all welcome here!)"
Ramdam ko ang lamig na bumalot sa aking kabuoan nang marinig ang boses ng manager namin. Hindi. Hindi naman siguro siya, ano? Matagal ko nang gustong ibaon sa limot ang apelyidong iyon. Marami naman sigurong director sa Pilipinas na Sullivana ang apelyido at hindi lang siya.
Halos hindi ko na marinig ang mahinang tili ni Daphne nang dali-dali siyang naglakad upang silipin ang Dining Hall. Dahil na rin sa nakakabinging kalabog ng puso ko, tangina.
Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin na sundan siya. Gusto ko lang kumpirmahin kung siya ba talaga dahil magpapaalam akong half day lang ngayong araw para maiwasang makita ang mukha ng lalaking 'yon. I clenched my fists upon confirming that it was him.
"Bonjour Monsieur! Merci beaucoup! (Good morning, Sir! Thank you so much!)"
It was him. His voice has changed. Naalala kong nag-aral siya ng French language noon kasama ako.
I noticed how his curly hair got even firmer. His grey chinky eyes didn't change, still the same. The same intensity, the same glint. Mas lalong tumangkad, at mas lalong na-depina at naging matipuno ang katawan. Nakasuot ng itim na coat at itim na slacks.
Gumawa ng tunog ang aking sarkastikong ngisi, ngunit kalaunan ay nagdilim din ang paningin. Lalo na nang dumapo ang singkit niyang mga mata sa akin. Nakitaan ko ng labis na pagkagulat ang mga mata niya, at may nakita rin akong emosyon na dumaan doon. Nakaawang ang labi niya na parang may gustong iparating.
"Aurora."
Iyon ang nabasa ko sa labi niya, nakitaan ko rin ng pagbabadya ng luha ang mga mata. Kung hindi lang siguro siya tinapik ng isang pamilyar na artista, siguro mananatili ang mga mata niya sa akin.
"Faith, siya nga 'yon! 'Yong nakita sa labas ng ho-- Hoy, okay ka lang?! Bakit ka umiiyak?"
Kunot-noo ko siyang tiningnan. "Anong umiiyak?" Doon ko lang namalayan ang ebidensiya ng kaniyang tanong. Hindi ako sumagot, bagkus ay tumalikod lang at ibinalik ang mga mata sa taong akala ko ay tuluyan ko nang nakalimutan.
Aurora, huh? How dare him nonverbally utter my second name as if he didn't break his promise to trust the dawn anytime?
As if he didn't trust me during that devastated phase of my life...
YOU ARE READING
To Trust the Dawn
Teen FictionFATE SERIES #3 Faith Aurora grew up with confusion about herself. Mula Elementary, puro lalaki ang mga nakakalaro kung kaya't na-impluwensiyahan siya ng mga ito. At kung hindi man lalaki ang makakasama, mga tibo naman. Instead of playing barbie doll...