Chapter 12

18 0 0
                                    

Chapter 12

Ayoko magising. Maganda ang panaginip ko dahil wala nang sakit. Pero kailangan dahil may gumigising sa 'kin. Kailangang harapin ko ulit ang panibagong pagsubok ng buhay ko. Kinukusot ko ang mga mata nang ibuka ang mga ito. Mabigat. Sobrang bigat. Hindi lang ng ulo't mga mata maging ang puso rin.

"Napakahirap mong gisingin bata ka!" Narinig ko ang galit na boses ni lola.

Napalunok ako at nagising ang buong diwa. Nanumbalik sa 'kin ang ginawa ko kagabi. Pinag-alala ko sila habang nagsasaya ako. Napaka-selfish ko. Hindi nila ito halos mapakalma kagabi nang dahil lamang sa 'kin.

Nag-iwas ako ng tingin sa hiya. Galit na galit ang mukha niya na ayaw kong tingnan. Kung natakot man ako kay tita Stella kagabi, mas natatakot ako ngayon kay lola.

"Tingnan mo ako nang diretso," malamig nitong sabi kaya napasunod ako.

Mas lalo lamang akong nanlamig. Gustuhin ko mang magsalita at humingi agad ng tawad, tila na-pipi naman ang bibig ko sa labis na kaba.

"Dismayadong-dismayado ako sa 'yo, Faith Aurora," panimula niya kaya nabasag na naman ang puso ko. "Napakabata mo pa pero natutunan mo nang uminom kasama ang mga barkada mong walang magandang impluwensiya sa 'yo. Hindi ka nagpaalam at hindi ka sumagot sa mga tawag ni Stella, at halos hindi ka na umuwi. At kung ginawa mo man 'yon, parang may karapatan na akong sabihin na katulad ka rin ng ina mo. Rebelde."

Parang tumigil ang pagtibok ng puso ko. Nawalan ng reaksyon ang buong mukha ko na kahit kaba ay mailap sa 'kin. Rebelde? Rebelde pala 'yon? Kaya ba bumukaka lang nang nagpasarap at tumiklop sa responsibilidad kasi walang ibang magawa? Ang sakit, ah. Naalala ni lola ang anak niyang rebeldeng kinamumuhian ko, at sa akin pa. Sa akin mismo, tangina.

Pero ano bang magagawa ko? Aktong rebelde nga 'yong ginawa ko kagabi. Wala akong karapatang kontrahin ang sinasabi nito dahil kasalanan ko. Kaya kahit masakit maikompara sa walang kuwenta kong ina, tatanggapin ko dahil nga, deserve ko 'to. Ang daming magagandang bagay sa mundo na deserving tanggapin ko, talagang ito pa ang biniyaya sa 'kin. Thankful ako, sobra.

Umiling-iling si lola at bumuntong hininga. "Sa susunod na gagawin mo pa 'yon, makikita mo na ang mga damit mo sa labas ng bahay. Malaki ang tiwala ko sa 'yo noon bago mo ginawa 'yong kagabi at ngayon ay nadungisan na. Kaya sana, ayus-ayusin mo dahil ayaw ko nang magkaroon pa ng rebeldeng nagmuka sa lahi ko." Nananalaytay talaga ang galit sa boses niya na parang naaalala ang ka-rebeldehan ng nanay ko.

Tahimik lamang akong nakatingin sa kaniya. Gusto kong malaman. Gusto kong malaman kung paano naging rebelde ang ina ko, kung paano siya nawala sa buhay nila, at kung paanong bigla na lang akong sumulpot sa mundo, pero ayoko... hindi pa ako handa at baka hindi rin ako magiging handa. Marinig pa lang ang pangalan niyang Amelia ay kumukulo na ang dugo ko, kaya anong pasensiya ang mailalatag ko? Hindi pa ako handa.

"Sorry po... Sorry po talaga, lola..." kinakabahan kong sambit matapos ang mahabang litanya niya dahil hindi nagbago ang reaksyon ng mukha niya, na para bang may iba pa akong kasalanang tinatago mula sa kaniya.

"Uulitin mo pa o hindi na?" May tonong pagbabanta ang boses niya.

Agaran akong umiling. "Hindi na po..." Hindi na talaga, lintek. 'Di na ako iinom. Kung iinom man, hindi 'yong aabutin ng alas otso ng gabi. Gusto ko sanang isatinig para magbiro pero naalala kong lola ko pala siya at hindi tropa. Ang hirap ng palaging kalokohan ang pinagsasaluhan kasama ang tropa.

Bumuntong hininga siya. "Narinig ko mula kay Sanya, nagka-girlfriend ka ng babae?"

Akala ko wala nang kasunod pero parang bulkan na sumabog ang tanong niya. Umawang ang labi ko't kumatok na naman sa dibdib ko ang kaba.

To Trust the DawnWhere stories live. Discover now