Chapter 1

42 0 0
                                    

Chapter 1

"Hoy, palamunin! Gumising ka na raw sabi ni lola!" 

Irita akong bumangon at nilunod ng sama ng tingin si Sanya, pinsan kong bruha. Tinapatan nito ang intensidad ng masama kong tingin at kalaunan ay ngumisi ito. Umagang-umaga bini-buwiset ako ng lintek! Kailan ba ako magkakaroon ng payapa at tahimik na buhay?!

"Oh, ano? Sasapakin mo ako gaya ng palagi mong ginagawa sa school sa mga kinaiinisan mong binabanas ka? Hoy! May I remind you na palamunin ka lang dito ilang taon na kaya wala kang karapatan!" Dinuro niya ako at halos sabunutan pa, kung hindi niya lang na-kontrol ang sarili.

Magkatabi lang kasi ang kwarto namin ni tita Stella, ang Mama niya kaya paniguradong malilintikan siya nito kung maabutan man niya ang pangbi-buwiset nito sa akin. Wala kasi itong alam sa pinaggagawa ng anak at nung isa pa niyang anak na si Allysah na mas demonyo.

Ngumisi ako. "Sino 'yang imaginary enemy mo, Sanya?" Hindi ko napigilang matawa. Hanep din 'tong babaeng 'to, e. Wala pa nga akong sinasabi, kung anu-ano nang depensa ng lintek.

Mas lalong nagbaga ang mga mata niya. Akala niya papaapekto ako? Mamatay muna siya bago ko ipapakitang apektado ako.

Bumangon na ako at nang mahawakan ang unan ay pumasok sa isip ko ang senaryo na tinatakpan ko ng unan ang mukha niya hanggang sa magmamakaawa siyang buhayin ko pa siya.

Umiling ako't natawa bago marahas na itinapon ito sa mukha niya kung kaya't nagsisigaw siya sa inis. Ayan, satisfied na ako.

Pakialam ko kung mapagalitan ako? Sanay naman na akong pagalitan ng dalawa kahit wala naman akong ginagawang masama. Ito na ang naging buhay ko rito mula nang makalabas ako sa bahay ampunan noong pitong taong gulang na ako.

Hindi ko kailanman nakilala ang walang kuwenta kong mga magulang. Namulat na lang ako sa mundo na nakatira na sa ampunan kasama ang mga batang katulad kong iniwan lang din doon ng mga magulang nila.

Naalala ko ang sinabi ng isang Madre sa akin sa ampunan. Sanggol pa lang ako nang ibilin ng ina room. Ramdam ko palagi ang pag-iinit ng dugo sa tuwing naaalala ang sinabi niyang 'yon. Bakit a-anak-anak pa kung hindi naman kayang akuin ang responsibilidad? Nag-effort pa talagang umere para pabayaan at iwan lang.

Tanginang 'yan. Bubuka-bukaka pero tiklop naman pagdating sa responsibilidad. Hindi ko rin alam kung sino ang gagong tatay ko na bobo dahil hindi naisip ang choice na iputok na lang ako sa kumot. Puro pasarap lang talaga, e.

Sarap nga'ng sapakin ang sarili ko sa tuwing naaalala kong kada umaga bago sumikat ang araw ay naghihintay ako sa kanila sa labas ng orphanage. Umaasang baka bigla na lang silang dumating na nakangiti, hihingi ng tawad sa pag-iwan sa akin roon, at... yayakapin ako dahil sa pangungulila. 

"Sanya, anong nangyari?!"

Nagsalubong ang kilay ko nang marinig ang maarteng hikbi ni Sanya nang daluhan siya ni Allysah, ang ate niyang enabler at pa-victim din.

"'Yang tomboy na 'yan, binato ako ng unan! Ang sakit ng mukha ko, Ate..." Mas lalong lumakas ang hikbi nito na parang gustong iparinig sa buong Barangay.

Pasalamat siya't hindi ko matatawag na pa-victim dahil totoo naman. Sayang nga't kulang pa. Gusto ko sanang sapakin din. First time ko siyang kalabanin nang pisikal eh dahil hindi ko na matiis kaya lulubusin ko sana.

Natawa lang ako. Tanginang iyak 'yan, parang kambing.

"Hoy, ikaw'ng tomboy ka! Anong karapatan mong gawin 'to sa kapatid ko?!"

Wala akong reaksiyon nang hinila ni Allysah ang buhok ko. Tomboy. 'Yan palagi ang paunang rebutt nila na para bang may mali roon. Sinalubong ko ang nanlilisik niyang mga mata.

To Trust the DawnWhere stories live. Discover now