Chapter 16

17 0 0
                                    

Chapter 16

"Vilan and Sullivan, you sit on the last two chairs of fifth row at the left side since kayong dalawa ang last na nakalista rito sa class record for boys and girls."

Nalaglag ang panga ko sa narinig. Tangina, makakatabi ko 'yan sa loob ng sampung buwan?! Bakit kasi wala kaming kaklase na may apelyidong T at U ang initial?!

Nag-decide kasi si ma'am Lauren na mag-sitting arrangement at katabi ang babae at lalaki. Inuna pa talagang tawagin ang nasa hulihan sa class record. Grabe naman 'tong pauso ni ma'am at parang kinakarma ako. Gusto ko na nga'ng layuan 'yang gagong 'yan dahil patuloy pa rin sa pagbuntot sa 'kin pagkatapos noong sa clinic three days ago na. Buntot ba siya sa past life niya?

Padabog kong kinuha ang bag dahil sa inis. Awkward na lang akong ngumiti kay ma'am nang magsalubong ang kilay niya sa 'kin na parang napansin ang pagdadabog ko. Gusto ko sanang mag-peace sign nang pa-joke pero hindi ko naman siya tropa.

Tumalikod na lang ako't nagtungo sa upuang tinutukoy niya nang nakasimangot. Padabog kong nilagay ang bag sa upuang malapit sa bintana, pero uminit ang ulo ko nang makitang nagsabay pang malagay roon ang bag niya sa bag ko!

Pinanlisikan ko siya ng mata. Hindi naman siya natinag dahil ngumingisi lang sa 'kin ang walanghiya!

"Ako ang nauna!" giit ko. Kulang na lang ay haklitin ko ang kuwelyo niya dahil nanghahamon din akong lumapit sa kaniya habang nakakuyom ang mga kamao.

"Easy." Tinaas niya ang dalawang kamay. "Luis can attest that I was the one who placed my bag first. 'Di ba, Luis?" Tinawag niya ang kaklase namin mula sa fourth row na may sariling mundo dahil naka-earphones. Ito 'yong considered as nerd dito sa room dahil nakasuot ng malaking eyeglasses. Mahiyain, pero silent killer dahil matalino rin 'to. Siguro nga it's either magiging kasunod ni Caleb o ni Leigh ng ranking sa honor rolls.

Tinanggal naman nito ang earphones saka umawang ang labing tumingin kay Ivan, hindi yata narinig ang tanong nito. Nang-aasar akong tumawa dahil mahahalatang gumagawa lang ng istorya itong singkit na 'to.

"Talo ka na. Kitang 'yong bag ko nasa bottom ng bag mo, malinaw na akin 'yong nauna. Tanga mo," diretsong saad ko saka kinuha ang bag niya at sinalampak sa dibdib niya na agad niyang nasalo. Tumingin ako kay Luis at nakitang napailing na lamang ito saka binalik muli ang earphones sa tenga.

Pasalampak akong umupo sa upuan.

"Ako nga 'yong nauna. Mas gusto kong umupo malapit sa bintana!"

Mas lalong nagsalubong ang kilay ko. "Mas lamang 'yong pagkagusto ko kaya manahimik ka! Ako ang masusunod! Your majesty nga, 'di ba?!" Nang-aasar akong ngumisi sa kaniya. 'Kala niya makakalusot siya, ha.

"Anong nangyayari d'yan, Vilan at Sullivan?"

Natahimik kaming dalawa nang marinig ang seryosong tanong ni ma'am Lauren. Nakita kong nakatingin na rin pala sa 'min ang mga kaklase namin. Agaw-pansin sa 'kin ang mahinang pagtatawanan nila Caleb at Nathaniel habang nakatingin kay Ivan. Si Leigh naman ay salubong ang mga kilay, tinging nagseselos. Samantala, nakakunot naman ang noo ni Nik habang nakatingin sa amin. Si Jo naman... saglit lang na tumingin sa 'kin dahil nag-iwas din agad ng tingin.

Napabuntong-hininga ako nang maalalang hindi niya pa rin ako pinapansin hanggang ngayon. Apat na araw na. Si Nik lang ang kinakausap niya pero mailap pa rin at kunting mga salita lang ang sinasatinig. Tangina, hindi talaga ako sanay dahil mula Grade 7, umaga pa lang, maingay na kaming tatlo.

Ngayon para nang hindi magkakilala. Ang tahimik na. Hindi na rin kami gaya ng dati ni Nik kung makapagbiro dahil nga sa pakiramdam na kulang dahil 'yong baby namin, hindi na nakikipag-joke sa 'min. Ang hirap suyuin. Hindi rin naman kasi talaga ako sure kung ano nga bang dahilan niya kung bakit lumalayo siya sa 'kin na halos hindi ko na maabot kahit ang lapit-lapit lang naman namin.

To Trust the DawnWhere stories live. Discover now