Chapter 15
Ang ingay, tangina. Nandito na kami ngayon sa guidance, pati na ang iilan sa mga kaklase namin kanina na nakasaksi sa nangyari mula sa simula ng gulong sinimulan ni Leigh. Ilang beses na rin naman akong na-guidance pero lahat ng iyon ay kasalanan ko, kaya ngayong hindi naman ako ang main reason sa gulong ito, naninibago ako.
Dumagdag pa sa init ng ulo ko ang ingay ni Leigh at ng mga kaibigan niya sa pag-de-defend sa kaniya at sa pagmumukha sa aking masama. Kasalukuyan naman akong hinahawakan nila Nik at Jo na alam kong pinipigilan ako sa kung ano mang gusto kong gawin ngayon kay Leigh sa harap ng guidance counselor.
"Si Faith po 'yong nagsimula ng gulo, ma'am! Bigla niya na lang akong tinulak without me knowing the reason why..." naiiyak na sabi ni Leigh sa guidance counselor.
"Sinungaling ka, Leigh! Hindi ka itutulak ni Rory kung hindi maanghang 'yang bibig mo na bida-bida!" anas naman ni Nik bilang pag-defend sa 'kin.
Sumabay naman sa pag-sang-ayon ang iba kong kaklase na kampi sa 'kin. May iilan namang kumampi pa kay Leigh bukod pa sa mga kaibigan nito. Kilala ko ang mga iyon, sila 'yong tipong sumisipsip sa matatalino sa room para maka-kopya ng mga sagot. Kahit nasaksihan nila ang totoong nangyari, kumapit pa rin sila kay Leigh na parang linta. Asa naman silang pakokopyahin sila ng malditang 'yan.
Tsk. Nakakapagod naman 'to. Parang gusto ko na lang diretsong sabihin na kasalanan ko dahil naririndi na ako rito. Bukod sa pagka-rindi, bored na rin ako kaya humikab din ako sa harap mismo ni Leigh para bwiseten siya. Lumingon naman ako sa likuran ko at nakitang seryosong kausap ng adviser namin sila Caleb, Nathaniel, at Ivan. May iba rin kaming kaklase na parang nagbigay ng impormasyon kay ma'am tungkol sa nangyari kanina.
Kinabahan naman ako roon. Pota, magbabagong buhay na sana ako.
"No! Witness kami na 'yang kaibigan mo ang nauna sa pisikalan!" Isa sa mga kaibigan naman ngayon ni Leigh na si Mira ang naging spokeperson niya. Taray.
"Tangina, wala naman kaming sinabi na si Leigh 'yong nauna sa pisikalan! Paulit-ulit lang? Bobo ka ba'ng umintindi? 'Kala ko ba with high honor ka, Mira?!"
Napapikit ako nang mariin nang marinig ang gigil na gigil na boses na 'yon ni Nik. Talagang hindi na siya nakapagtimpi pa. Alam kong kanina pa niya pinipigilang magmura dahil nga nasa guidance kami, pero itong kabobohan ng kaharap niya ang nagpigtas sa pasensiya niya.
Gusto ko talagang matawa. Siya itong pumipigil sa aking 'wag maghasik ng lagim kay Leigh pero siya rin pala itong unang mapipigtasan ng pasensiya. Pero nag-aalala rin ako dahil mismong kaharap namin ngayon ay ang istriktang guidance counselor na ayaw na ayaw makatanggap ng mura.
Narinig ko naman ang pasimpleng tawanan ng mga kaklase naming nasa panig namin ngayon.
Halos hindi na ako makatingin sa guidance counselor ngayon dahil parang umuusok na ang ilong nito sa galit. Parang unti-unti na ring napipigtas ang pasensiya niya sa amin, at si Nik ang dahilan no'n.
"Miss Oliveros, watch your mouth!" Galit na sinaway ng adviser namin si Nik at hinawakan pa ito sa braso at tiningnan nang diretso. Punong-puno na ng kahihiyan ang mukha nito nang bumaling muli sa guidance counselor na hindi na maipinta ang mukha sa galit.
"Ganiyan ba ang itinuro ng mga previous teachers ninyo sa inyo? Ang manakit sa kapuwa at mawalan ng respeto dito mismo sa guidance office?! Ang sinabi ko kanina, you explain each of your side calmly! Not aggressively! This is a guidance office, I hope you still remember!"
Natahimik naman ang lahat. Kahit simpleng paghinga ay parang hindi ko na rin yata narinig dahil sa katahimikan. Lahat ay kabado at nahihiya. Paano ba ako umabot sa ganito? Nagtanong lang naman ako kay Jo kung sino ang gumawa no'n sa kaniya.
![](https://img.wattpad.com/cover/279128464-288-k989436.jpg)
YOU ARE READING
To Trust the Dawn
Подростковая литератураFATE SERIES #3 Faith Aurora grew up with confusion about herself. Mula Elementary, puro lalaki ang mga nakakalaro kung kaya't na-impluwensiyahan siya ng mga ito. At kung hindi man lalaki ang makakasama, mga tibo naman. Instead of playing barbie doll...