Chapter 6
Hindi ko na mahanap ang panga kong nalaglag dahil sa itinanong niya. Seryoso ba ‘to? Gago talaga. Hindi sapat ang isang libong mura para dito. Kung panaginip man ‘to, gusto ko nang magising dahil ayaw kong umasang mangyayari ito sa reyalidad.
Si Fiona na babaeng-babae, narito sa harapan ko, tinatanong ang tibong katulad ko kung pwede ba akong ligawan?! Anong kalokohan na naman 'to? Madali akong ma-fall pero hindi ako tanga. Baka pinag-t-tripan lang ako nito dahil isa akong tomboy, baka gusto niya lang ng magpapatawa sa kaniya araw-araw at ako ang clown na mahuhulog sa patibong niya.
Napailing ako't sarkastikong ngumisi sa kaniya. Pansin kong natigilan siya o... nasaktan? Ewan pota, ang OA naman ng masaktan, para namang makikipag-break ako na walang label.
"Nag-jo-joke ka ba, Fiona? Joker ako 'pag nasa mood pero hindi naman gan'to mga joke ko." Tinitigan ko siya nang diretso para hanapin ang posibleng senyales na joke lang 'to pero wala akong makita. Blangko lang kung hindi niya ibinalik ang ka-seryusuhan. Parang na-offend siya. Medyo na-guilty ako.
"Kung kilala mo lang ako, I wouldn't joke things like this."
Pasimple akong napakamot sa ulo. Mapapasabak na naman yata ako sa englishan. Hindi ko pinahalata ang gulat nang marahan niyang hinawakan ang kamay ko at nakatitig pa rin sa 'kin nang diretso.
Lord, patuloy mo po akong gabayan.
"I like you, Rory. Ever since the last year's intramurals, doon ko na-realize. Ano kasi, uhm... there's something in you that is... what do we call that, uhm, peculiar?"
Nakatulala lang ako sa kaniya. Hindi dahil sa kinikilig ako kundi dahil sa kabobohan ko. Ano 'yong peculiar, gago?! Tsk. Isa rin 'to sa disadvantages kung magkakagusto ka sa matalino, eh. Pasimple kang sasampalin ng kabobohan romantically.
Ngumiti siya, nakatingin pa rin sa 'kin. Hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko. Tangina nakakahiya, ang lamig-lamig na no'n!
"Siguro dahil na rin sa mga compliment mo sa 'kin, tsaka 'yong nililibre mo ako. Naalala mo noong nilibre mo ako noong Intrams? Doon nagsimula, eu. You're so funny. You made me laugh effortlessly, and..."
Naalala ko ang araw na 'yon. Napangiti ako nang kaunti nang maalala kung gaano kapula ang mukha niya dulot ng pagtawa. Kung paanong mas lalo siyang gumaganda.
"Whsn I stared and observed your whole features, I was like wow... you're so beautiful. Maayos na maayos ang pagkakahulma ng mukha mo. Kahit galit ka ay sobrang ganda mo. But of course, I like you because you are you. Kaya... pwede ba kitang ligawan? Alam kong nakakagulat at siguradong ganoon din ang reaksyon ng iba, but, Rory, this is my truth. Gusto kita."
Sana sinabi ko na lang na 'oo' agad dahil sino ba'ng aayaw kay Fiona? Andami kasing english, pero haha... kinikilig na talaga ako. Kahit hindi ko man naintindihan 'yong ibang english niya, naiintindihan naman 'yon ng puso ko. Pota ang corny, gago! Wala na talaga 'yang astig mo, Rory!
"Fiona..." kinakabahan kong sambit. "Sigurado ka ba talaga? Sa 'kin?"
Agaran siyang tumango. Na-dismaya ako nang binitawan niya ang kamay ko, pero mas lalo lang yata akong hindi nakahinga nang bigla niyang isandal ang ulo sa balikat ko. Anong pagsubok na naman 'to? Ito lang yata ang pagsubok na yayakapin ko.
"Binasted ko 'yong mga nanligaw sa 'kin dahil ikaw ang gusto kong ligawan. Ayokong may manligaw sa 'kin."
Dahil nakasandal siya sa balikat ko, pinakawalan ko ang ngiti dahil hindi niya ito nakikita. Nahihiya akong makita niya.
"U-Uh..." Pota, ba't ako nauutal? Hindi ako 'to!
Bumangon siya mula sa balikat ko. "Pag-isipan mo muna. Hindi naman kita pinipilit."
YOU ARE READING
To Trust the Dawn
Teen FictionFATE SERIES #3 Faith Aurora grew up with confusion about herself. Mula Elementary, puro lalaki ang mga nakakalaro kung kaya't na-impluwensiyahan siya ng mga ito. At kung hindi man lalaki ang makakasama, mga tibo naman. Instead of playing barbie doll...