Chapter 18

20 0 0
                                    

Chapter 18

"Aurora!"

Napapikit ako sa inis at tumigil sa paglalakad nang marinig na naman ang boses na 'yon. Payapa akong naglalakad sa hallway patungo sa classroom ko nang mabulabog na naman ng masamang espirito.

Salubong na salubong ang kilay ko nang lumingon. Ayun na naman ang malaki niyang ngiti na abot hanggang tenga. Hindi ko nga alam kung may nakikita pa ba 'to dahil parang nakapikit na siya. Ang singkit na niya para pasingkitin pa ang mga mata.

"Oh?"

"Hindi na tayo classmates..."

Nagkaroon ng yupi ang noo ko. "Ano naman? Buti nga, e. Nagsasawa na ako sa mukha mo."

Sa sobrang bilis ng panahon, hindi ko namalayang Grade 10 na kami. Hindi nga ako makapaniwalang natiis kong maging katabi 'tong gagong 'to na minu-minutong nangta-tarantado dahil hindi natatahimik ang kaluluwa sa t'wing hindi ko pinapansin. Sa buong school year na 'yon, mas lalo kong napatunayan na crush niya nga ako. Actually, naisip kong i-observe siya sa buong taon at nagawa ko nga.

Sa 'kin lang siya 'laging nakatingin. Sa 'kin lang siya nanggugulo. Sa 'kin lang siya ngumingiti nang gano'n kalapad dahil sa ibang babae na nagpapakita ng motibo na crush siya, ang suplado niya. Ngumingiti naman siya sa iba dahil gaya nga ng sinabi niya, hindi na siya 'yong dati, pero 'yong binibigay niya sa 'kin, napansin kong ibang-iba. Marami ding nagkakagusto sa kaniya sa room pero hindi niya pinapansin ang mga ito t'wing nagiging vocal ang mga ito sa feelings nila.

Lahat ng napansin kong 'yon ay mas lalong nagpatibay sa rason kong layuan siya dahil hindi ko gusto ang sitwasyong 'to. Hindi ko siya gusto. Wala siyang aasahan sa 'kin. Hindi ako kailanman magkakagusto sa isang lalaki dahil lumaki akong sa mga babae lang nagkaka-gusto.

Nagagalit din ako sa pakiramdam na parang kinamumuhian ng mga babae. Lalong-lalo na si Leigh. Dahil lang sa pansin na pansin nilang sa akin nakadikit 'lagi si Ivan at na-kumpirma ni Leigh nga ako nga ang natitipuhan niya, ay hinuhusgahan nila ako. 

Last year palagi kong naririnig mula sa kanila na isa raw akong tomboy na hindi deserve magustuhan ng gano'n daw'ng ka-gwapo na lalaki. Maganda lang daw ako pero basagulera't palaging na-ga-guidance kaya sinabi rin nilang ang pangit daw ng taste ni Ivan.

Well, salamat naman at in-admit na maganda ako! Sabi nga ni Nik, mas maganda pa nga ang mukhang 'to sa mga mukha nila.

At parang kasalanan ko pa na parang sinapian 'yang ideal man nila kaya nagkagusto sa 'kin. Sinabihan ko ba siyang gustuhin ako?

Hindi ko talaga alam kung anong nakita niya sa 'kin. Maski nga ako hindi ko rin magugustuhan ang sarili ko. Magaslaw kung kumilos. Tibo. Basagulera. Marami nang record sa guidance. Sinong tangang magkakagusto sa gan'to?

Nabalik ako sa kasalukuyan mula sa malalim na pag-iisip. Nakita ko siyang hindi agad nakapagsalita sa sinabi ko, pero ngumiti rin ito unti-unti.

"Hindi mo ako na-mi-miss?" May halong pang-aasar ang boses nito.

Napangiwi ako. "Tanungin mo na lang 'yong bato, baka may maisagot."

"Ouch." Umakto siyang parang nasasaktan. "Sino nga pa lang adviser n'yo?"

Inis akong naka-pamewang. "Sa ilang ulit mong pagdaan sa labas ng classroom namin at sumisilip pa, hindi mo pa talaga alam?"

Nakakainis lang dahil palagi ko siyang nahuhuling nakamasid tapos umaakto ngayong hindi alam! Ang kapal pa ng mukha dahil kahit nahuhuli ko na siya sa akto sa labas ng classroom, may lakas ng loob pang kumindat sa 'kin bago kumakaripas ng takbo.

To Trust the DawnWhere stories live. Discover now