Chapter 8

13 0 0
                                    

Chapter 8

Sobrang aga kong nagising dahil nag-iisip kung paano suyuin si Fiona. Kagabi ay chat ako nang chat sa kaniya pero hindi siya nagre-reply kahit online naman siya. May iilan nga sa chats ko na sineen niya lang. Napasabunot ako sa buhok. Bobo na nga sa pag-aaral, pati ba naman sa pag-ibig? Anak ng.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa sala nang may naisip na paraan. Hmm... Lulutuan ko siya ng paboritong ulam niya. Nabanggit niya sa 'kin na paborito niya ang kalderetang manok.

Tiningnan ko ang ref kung kumpleto ba ang mga kailangan para makagawa ng kaldereta. Inisa-isa ko at nang matantong kumpleto, napangiti ako. Nakangiti kong hiniwa-hiwa ang karne habang na-iisip ang reaksiyon ni Fiona kapag natikman niya ang luto ko. Para sa lunch na 'to. Ito na rin ang uulamin naming lahat ngayong umaga.

Maingat ko ring hiniwa ang mga kailangan. Sinigurado kong tama ang pagkakaluto dahil kung magpapa-apekto kasi ako sa emosyon habang nagluluto, naaapektuhan din ang niluluto ko. Dapat ang isipin habang nagluluto ay ang mga masasayang nangyari sa buhay para ang magiging lasa ng putahe ay magbibigay rin ng ngiti sa mga kakain.

Ang naiisip ko lang naman ay ang mga ngiti ni Fiona. Nang matapos ay inilagay ko sa malaking tupperware at hindi muna sinarado ito. Nagsaing naman ako pagkatapos ng ginawa.

"Ang bango-banto. Ano 'yang niluto mo, Faith?" Narinig ko ang boses ni tita Stella.

Napangiti ako nang lumingon. "Kaldereta po."

"Panigurado, masarap na naman 'to. Pwedeng patikim?" Lumapit siya sa mesa.

"Oo naman ho."

Kumuha siya ng kutsara at tumikim ng isang hiwa ng karne nang isang beses. Nakita ko kung paano nagliwanat ang mga mata niya matapos tikman ang luto ko. Nakangiti siyang tumingin ulit sa 'kin. Sa tuwing ganito siya ay may nagtutulak sa aking tawagin din siyang... Mama... gaya na lang ng pagtawag nila Sanya at Allysah sa kaniya.

Pero binabalik ko lang din ang sarili sa reyalidad dahil ayoko... Naaalala ko lang ang walang kuwenta kong ina.

"Anong gusto mong propesyon paglaki?" tanong niya habang nakatingin sa niluluto ko, para bang may ideya na.

"Maging simpleng chef sa isang restaurant," tipid kong sagot. Simple lang talaga ang pangarap ko. Ayaw kong mangarap nang matayog, 'yong imposible kong maabot dahil baka pagdating ng araw, dismaya para sa sarili ang aabutin ko.

Pinipigilan ko parating ma-dismaya sa akin, sa lahat ng kung anong meron ako at kung paano ako mag-perform sa klase dahil baka umabot sa puntong magiging kaaway ko na rin ang sarili ko. Hindi ko rin sinisisi ang sarili sa mga bagay na hindi ko kontrolado. Dahil minsan, kahit maayos naman sa 'kin sina tita at lola, nararamdaman ko pa ring sarili ko lang ang kakampi ko. Kaya hangga't maaari... kailangang hindi ko magiging kaaway ang mismong sarili dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko na alam kung saan patungo.

"You have the potential, Faith. Susuportahan kita sa pangarap mo. Sana hindi mo kailanman naisip na pabigat ka lang dito at dagdag sa gastusin dahil hinding-hindi gano'n ang pagtingin ko sa 'yo. Anak na rin ang turing ko sa 'yo kaya sana... hindi mo maiisip 'yan."

Natihilan ako't natulala sa kalderetang nailuto nang marinig 'yon mula sa kaniya. Hindi ko naman sana maiisip na pabigat at dagdag gastusin lang ako rito sa bahay dahil mabait siya sa 'kin at totoo ang mga ipinapakita nita, pero 'yong mga anak nita ang dahilan. Ang mga anak niya ang naglagay sa utak ko na ganoon ang estado ko rito sa bahay.

Kung kasing-bait niya lang ang mga anak niya, paniguradong masaya ako rito. Paniguradong hindi ko na kailangang magtayo ng depensa sa sarili sa mismong tahanan dahil napapatunayan ang totoong kulay ng 'tahanan'. Hindi rin sana ako ganito kagalit sa mundo.

To Trust the DawnWhere stories live. Discover now