Chapter 22

18 0 0
                                    

Chapter 22

"Sorry, ha? Naabala pa kita."

Natulala ako sa kapeng tinitimpla matapos ko iyon sabihin kay Nik. Dito ako natulog sa kanila kagabi. Umaga na ngayon at ako ang mas maagang nagising kaya't nauna akong mag-timpla ng kape. Nangialam na rin ako sa mga gamit nila upang makapagsaing at makapagluto na ng ulam dahil nahihiya talaga akong maki-stay.

Nang makapasok ako rito kagabi, nalaman ko mula sa kaniya na na-extend ang stay ng buong family niya sa Cebu kaya naiwan pa rin siyang mag-isa rito. Naging thankful talaga ako sa isipan ko dahil mas nakakahiya 'yon. Kung sakaling nandito nga sila, hindi ako magiging komportableng sabihin ang dahilan kung bakit ako makikituloy muna.

Bumuntong-hininga ako bago hinipan ang mainit na kape saka ininom ito. Napatingin ako sa labas ng bintana. Maaliwalas na ang panahon, hindi gaya kahapon na parang indikasyon ng bagyo. Alas singko y media pa ng umaga ngayon. Nakikita ko mula sa labas ang pamilyar na liwanag bago ang sunrise.

Dawn.

Nang maisip 'yon, naalala ko ang sinabi ni Ivan tungkol sa pangalan ko. Aurora. At dahil sumulpot na naman sa isip ko ang lalaking 'yon, hindi ko na naman maiwasang alalahanin ang unexpected naming pagkikita at pagsasama kahapon sa abandunadong bahay.

Hindi ko maiwasang mapangisi. Unang beses kasi na hindi ako na-bwiset sa kaniya. Nakakapanibago lang, parang ibang version niya na naman ang nakausap ko kahapon.

"Isang sorry pa't tatadyakan na talaga kita."

Humalakhak ako dahil sa sinabi ni Nik. Kagabi pa kasi ako sorry nang sorry. Habang siya naman ay ang sama ng tingin sa 'kin.

"Ano ba'ng tingin mo sa 'kin bilang tropa mo? Hindi nag-aalala sa 'yo? Porket palagi kitang pinagloloko't inaasar ay hindi kita pinapahalagahan. Kaibigan kita, Rory. Hindi lang sa mga gimik at kalokohan." Naging seryoso ang boses niya kaya tumigil ako sa pagtawa. Halatang na-offend kasi siya.

"Alam mo ba'ng gustong-gusto ko talagang sugurin kagabi 'yong mga demonyita mo'ng pinsan? Nandidilim paningin ko kagabi nang marinig ang pag-tarantado nila sa 'yo. Ang kakapal ng mga mukha nila! Buraot ka lang, hindi magnanakaw!" Nahimigan ko na naman ang galit sa boses niya na katulad lang ang intensidad sa tono ng boses niya kagabi.

Napabuntong-hininga ako saka bumalik sa pagka-Biyernes Santo ang mukha ko. Nang ikuwento ko sa kaniya lahat kagabi, parang mas naging malala pa ang galit niya kaysa galit ko. May balak pa nga itong pumunta sa bahay at pagsasakalin 'yong mga pinsan ko. Kung hindi lang umulan nang malakas kagabi, baka nga nagawa niya.

Hindi ko siya inimik at natulala na lang ulit sa labas. Tuluyan nang sumikat ang araw.

"Wala na 'kong magagawa. Masiyadong unfair ang mundo sa 'kin. Akala ko nga paniniwalaan ako ni Tita, pero nag-ilusyon lang pala ako." Nagkibit ako ng balikat at umaktong wala na lang sa 'kin 'yong nangyari. Gano'n naman ako kaya sasanayin ko na lang sarili ko.

"Hindi mo ipaglalaban ulit ang sarili mo? May karapatan ka, Rory! Hindi p'wedeng ganun-ganon na lang!"

Sarkastiko akong tumawa, ninamnam ang pait na lasa ng laway ko. "Ano pa'ng point, Nik? Halos maglupasay na nga ako para ipaliwanag ang sarili, sinabi ko pa 'yong pananakit at pangmamaliit ng mga pinsan ko, pero nabaliktad lang ako! Nagmukha pa rin akong sinungaling dahil wala naman akong ebidensya at mag-isa nga lang ako. Nakikitira. Sampid. Pabigat. Sana nga lumaki na lang ako sa ampunan, eh."

Natahimik siya, at nakita ko na naman ang pagdaan ng awa sa mga mata niya kaya nag-iwas agad ako ng tingin. Ayokong kaawaan ako.

"Sorry..." mahinang sambit nito. Lumapit ito sa 'kin at niyakap ako.

To Trust the DawnWhere stories live. Discover now