Chapter 7

15 0 0
                                    

Chapter 7

Hindi ko maintindihan ang sarili kung bakit hindi ko magawang iiwas ang paningin sa mga mata niya. Siya pa kasi ang kauna-unahang taong nakita ko na may ganitong uri ng mga mata na kulay abo na singkit. Nakakamangha lang dahil maganda.

Pero nang maalala kung paanong ilang beses akong na-insulto dahil sa paraan ng pagtingin niya gamit ang mga matang 'yon, nag-iwas ako ng tingin at bumalik sa reyalidad. Ano ba 'yong naisip ko?

"Ayos ka lang? Hindi ka nasaktan?" seryosong tanong ko dahil baka nagkamali ako sa nakita ko, baka pala tumama muna sa mukha niya ang bola bago ko ito mahawakan.

Binalik ko ang seryosong mga mata sa kaniya. Parang natuod pa rin siya, hindi makagalaw, at parang nakakaranas ng aftershock. Marunong din pa lang magulat ang isang 'to? Hanep, akala ko bato, eh.

Nang maka-recover, tumango lamang siya at nag-iwas ng tingin. Napatingin ako sa t-shirt niya. Naks, pareho pala kami ng faction number, kulay dilaw. Nandito yata siya para suportahan ang laro ng ka-faction niya. Tsk.

Tumalikod na ako't hindi nagsalita. Tumabi ang ilang estudyanteng nakaharang sa daan para bigyan ako ng daan nang makitang sinumpong na naman ng high blood ang mukha ko. Ewan. Naiirita lang ako dahil tumango lang siya. Wala ba siyang bibig para sabihing okay lang siya? Ewan at nakakainsulto rin kasi talaga. Hindi ko alam kung bakit sa lahat ng galaw niya ay naiinsulto ako!

Anong uring nilalang ba siya? Nababasag talaga ang ego ko, pucha.

Bumalik na rin sa normal ang laro. Hindi ko alam kung bakit hindi ako makapag-focus. Kahit naririnig ko ang mga cheer ni Fiona, hindi bumabalik ang wisyo ko. Ewan, naiinsulto pa rin amo sa maliit na dahilan. Tangina talaga.

Nanalo kami, walang bago kaya hindi na ganoon kasaya. Nawala na ako sa mood. Nang lumapit ako kay Fiona, tahimik lang itong nakatitig sa 'kin na parang may napapansing mali.

"Okay ka lang?" marahang tanong niya. Tiningnan ko ang mukha niya, nag-aalala iyon.

Tumango lamang ako, pero natigilan ako nang maalala ang kaparehong uri ng pagsagot ni Ivan kanina sa tanong na 'yon. Kilala ko ang sarili ko bilang mainitin ang ulo na kapag wala sa mood, nadadamay 'yong iba kaya ngayong may girlfriend na ako, i-ko-kontrol ko na nang maayos ang sarili ko.

Nang maisip 'yon ay ngumiti ako sa kaniya nang matamis, 'yong ngiting katulad ng inalay kong ngiti noong sinabi ko sa kaniyang kami na. Nakita ko namang natulala siya sa 'kin.

"Oo, ayos lang. Medyo badtrip lang kanina dahil sa isang kasama namin sa laro." Hindi ko binanggit 'yong tungkol kay Ivan dahil baka bumalik na naman ang pagka-irita ko.

"Bakit? Ano bang nangyari?" Binigay niya sa 'kin ang malamig na bottled water at isang panyo.

Napangiti ako dahil na-appreciate ang ginagawa niya para sa 'kin.

"Umupo muna tayo roon, pag-usapan naton, tsaka para makapagpaginga ka rin para sa susunod na laro," aniya at tinuro ang puwesto sa grandstand.

Pigil na pigil ang ngiti ko nang hinawakan niya ang kamay ko patungo roon. Napatingin ako sa paligid. Napapansin ko ang panay na sulyap ng iilan sa amin, pagkatapos sumulyap ay nagbulungan na parang may mali sa pagsasama namin. Pakialam ba nila, ha? Ang mahalaga ay masaya kaming dalawa. Upakan ko isa-isa mga mukha nila riyan, eh. Makikita nila.

Natigilan ako sa gitna ng paglalakad namin nang may mamataan sa dulo ng grandstand. Si Sanya, at ang ibang kaibigan ni Fiona. Halatang nakatingin ang mga ito sa amin, at katulad ng iba'y nagbubulungan din sila. Sumama ang timpla ng mukha ko. Lumingon ako kay Fiona na parang takot na takot na nakatingin sa mga kaibigan.

To Trust the DawnWhere stories live. Discover now