Chapter 21
Hinayaan ko munang humupa ang mga luha saglit bago tumayo at naglakad paalis sa harap ng abandunadong bahay. Gusto ko ng pampakalma. Gusto kong kumalma kahit saglit dahil para akong mababaliw. Ang bawat paghinga ko rin ay parang hindi naging normal.
Bumugso na naman ang mga luha ko. Para akong sinasakal, at mas mahirap ang sitwasyon dahil hindi ko nakikita kung sino ang sumasakal sa 'kin. Napatigil ako nang makitang nakaapak ako ng upos ng sigarilyo.
Napalunok ako. Nakita ko isang beses si Nik noon na nanigarilyo. Nag-try lang naman siya at iyon na rin ang huli. Sabi niya, nakakagaan daw ng pakiramdam at parang makakalimutan mo ang problema mo bigla.
Gusto ko rin 'yong subukan no'n, pero naalala ko si Tita Stella at si lola, pati ang galit nila sa 'kin nang uminom ako, kaya pinigilan ko ang sarili ko. Pero ngayong masama na ulit ang tingin niya sa 'kin, wala na akong dahilan pa para magpigil.
Nakita ko na lang ang sarili na nanginginig na naglalakad patungo sa malapit na tindahan. Wala sa sarili, giniginaw dahil unti-unti na ring bumabagsak ang ulan. Habang gumagalaw ang mga paa ay gumagalaw rin ang mga salitang binitawan nila Tita at Lola sa isipan ko. Paulit-ulit. Paulit-ulit sa pagktakbo sa isip ko kahit walang pahintulot mula sa 'kin.
Gusto kong sumigaw. Gusto kong pakawalan lahat ng hinanakit. Gusto kong ipakita ang nakatago sa likod ng masiyahin at matapang na maskara na 'laging nakikita sa 'kin ng mga tao.
Nanginginig ang mga kamay ko nang punasan ang mga luha upang hindi makita ng mga lalaking nag-iinuman sa tindahan. Mas lalo ko ring tinakpan ang ulo ko ng hoodie. Ang baho ng hoodie, pota. Amoy mabahong ugali ni Allysah.
Dinukot ko ang pera mula sa bulsa ng short. Bumili ako ng dalawang piraso nito saka isang lighter na rin.
"Uy, kilala ko 'tong batang 'to, ah."
Napalunok ako nang marinig ang sinabi ng isa sa mga nag-iinuman. Pasimple akong lumingon sa likod at sa gilid para makumpirmang ako ba ang tinutukoy o iba na nagbabalak ding bumili rito. Pakshet, nahila na pala ng hangin ang parte ng hoodie na nakatakip sa ulo ko kaya kitang-kita na ako ngayon.
Ako nga 'yong tinutukoy. Hindi naman nakapagtatakang makilala nga ako rito sa Purok namin dahil kilala nga akong tomboy at basagulera ng mga kapitbahay namin.
Muli kong tinakip ang hoodie sa ulo saka nakayukong naglakad paalis pero nagsalubong ang kilay ko nang magsalita na naman 'yong lalaki na parang kanina pa lasing na lasing base sa boses nito.
"Bata! Tagay ka rito, halika."
Kunot-noo akong lumingon. Apat sila at natatawang tumingin sa 'kin ang lahat na parang pinagkakatuwaan ako. Tangina, nagda-drama 'yong tao sumisingit pa 'yang kabaliwan nila. Itong apat ay kilalang mga basagulero na puro inom at sugal, mga tambay na walang trabaho na para bang walang pinapakaing mga pamilya. Kilala rin silang mahilig sa pan-t-trip ng mga bumibili rito sa t'wing nag-iinuman sila.
At naging isa pa ako sa biktima nila ngayon, oh. Putanginang buhay talaga.
"Ayoko ho," mariing pagtanggi ko.
"Isang baso lang naman, eh. Sige na." Inabot no'ng isa ang baso na puno.
"Alam mo, sayang ka, eh. Ang ganda-ganda mo pa naman pero nag-tomboy ka." Tinitigan ako nang matagal nung isa habang nakangisi.
Kadiri 'tong gagong 'to, parang walang anak. Kilala ko isang anak nito, eh, isa ring bakla. Naawa ako ro'n sa anak niya ngayon, siguradong araw-araw din itong nakatatanggap ng panghuhusga mula sa sariling Tatay niya.
"Ayoko nga ho. Hindi ho ba kayo nakaiintindi?" Tumaas ang boses ko, pero nagtawanan lang sila.
Natawa 'yong isa. "Ang tigas ng ulo mo, 'no? Mana ka sa Mama mo. Alam mo bang crush na crush ko 'yang si Fabienne no'ng high school? Ilang paghabol at effort ang ginawa ko pero napaka-arte! Ayon, kinarma, 'kala ko perpekto pero naging rebelde, nakipagtanan do'n sa lalaking wala naman pa lang bayag! Tamo, iniwan ka rito, ibig sabihin, hindi pinanagutan! Hindi ginamit 'yong talino!"

YOU ARE READING
To Trust the Dawn
Novela JuvenilFATE SERIES #3 Growing up in the orphanage, Faith Aurora has always been finding a warmth of a home-like the warmth that the dawn brings whenever the morning starts. Kaya nang ampunin siya ng kaniyang Tiya, umasa saglit ang bata at inosente niyang p...