Chapter 23

33 0 0
                                    

Chapter 23

Mama? Siya ang ina ni Ivan? Hindi ko inakalang may anak na ang babae dahil napakabata pa ng mukha nito. May balingkinitan din itong katawan at makinis ang kutis kaya hindi halatang may edad na.

Nang suriin ko ulit ang mukha ng babae ay napagtanto ko kung bakit pamilyar ito sa 'kin. Nakikita ko sa hugis ng mga mata niya ang mga mata ni Ivan, ang kaibahan lang ay itim ang mga ito. Wala ring pagdududa na sa kaniya nakuha ng anak ang kulot na buhok nito. Mukhang sa kaniya rin namana ni Ivan ang maputi't makinis na balat.

Para siyang girl version ng huli. Hula ko'y ang kulay lang ng mga mata ng Papa niya ang namana niya mula rito.

"Mama..." Humina ang boses ni Ivan nang mahawakan ang ina sa balikat. Hindi pa ako nakikita nito ngayon dahil naka-focus lang ang buong atensyon nito rito. "Uwi na po tayo. Umalis na po si Papa papuntang opisina. Sabi niya isang linggo na naman siyang mananatili sa Leyte kaya... hindi ka na niya masasaktan ulit."

Hindi nito pinansin ang sinasabi ng anak. Mas lalo lang lumukob ang pagtataka sa 'kin nang makitang gulat pa rin itong nakatingin sa 'kin nang malalim na parang may inaalala sa 'kin.

"Fabienne..." muling sambit nito, parang nakakita ng multo. Napakurap ako nang makita ang sunod-sunod na pagbuhos ng mga luha niya.

"Sinong Fabienne, Ma?" marahang tanong ni Ivan saka dahan-dahang pinunasan ang luha sa mga mata nito.

"Sorry ho, pero... hindi ho ako si Fabienne." Dahan-dahan akong umiling. Unti-unti na akong nahahabag para dito.

Anong ginawa ng Nanay ko sa nakaraan para umiyak siya nang ganito?

Doon na tuluyang napukaw ang atensyon ni Ivan sa direksyon ko nang nagsalita na ako. Umawang ang labi nito at dahan-dahan ding nanlaki ang mga mata na tila ba gulat na makita ulit ako.

Napansin ko ang paglamlam at panghihina ng mga mata niya. Namumula rin ang ilong nito. Teka, may sipon at lagnat ba siya? Kaya ba hindi ko na siya nakikita sa school dahil may sakit siya?

"Aurora..." pagsambit nito, kabakasan pa rin ng gulat ang mga mata.

Nakita ko ang paglingon ng Mama niya sa kaniya. Napakurap din ito nang ilang beses at parang natauhan sa isinambit niya. Pagkuwan ay nilingon ulit ako nito, at nakita ko ang pagbigat ng buntong hininga niya.

"I'm sorry. I just... remembered someone. You just really look like her." Tumikhim ito at siya na ang nagpunas sa sariling luha. Maliit din itong ngumiti, pero naramdaman kong hindi 'yon totoo.

Taliwas sa mga galaw niya kanina na malinaw ang panghihina, matapang at elegante na ang aura niya ngayon. Parang isang istriktang ina ng protagonist sa isang Chinese drama. Malinaw sa tindig nito na may class at mataas ang pinag-aralan.

"Zǒu ba, érzi... (Let's go, son...)" Hinigit nito ang kamay ni Ivan. Hindi ko naintindihan ang sinabi nito, parang Chinese yata ang ginamit na lengguwahe nito.

"Děngdài, Mama," pagpigil ni Ivan sa ina nito habang nakatingin pa rin nang diretso sa 'kin.

Napalunok naman ako nang dahan-dahan. Nang dumapo ang mga mata niya sa 'kin, hindi pa rin naalis ang mga 'yon hanggang ngayon na para ba'ng biglang naglaho ang totoong sadya niya. Ba't ba ganiyan siya makatingin? Tusukin ko mga mata niya, eh. Nakalimutan niya 'atang nand'yan 'yong Mama niya.

"Ano pa ba'ng sadya mo rito? You want me to go home already, right? Sasama na ako. Let's go." Nahimigan ko ang munting inis sa boses ng Mama niya. Parang napansin din nito ang pagtitig ng anak niya sa 'kin.

Napabuntong-hininga ako dahil para pa ring na-estatwa si Ivan. Tangina, ganiyan ba siya ka-in love sa 'kin? Mahiya nga siya sa Mama niya!

"Ah... wala na po." Napakamot ito sa batok nang sa wakas ay natauhan. Alinlangan din itong ngumiti sa ina. "Tara na po."

To Trust the DawnWhere stories live. Discover now