Chapter 24
Napasinghap ako habang hindi makapaniwalang nakatingin kay Fiona. Pilit kong hinahagilap ang kasinungalingan sa tono ng boses niya, pero parang... wala akong nahagip. Parang totoo. Parang walang bahid na pagpapanggap.
Pero tangina, gan'to rin siya sa 'kin dati, eh. Bakit ako papaloko? 'Yang maamong mukha niya, hindi mapagkakatiwalaan.
"Anong trip mo, ha? Ba't mo sinasabi sa 'kin 'to? Utos na naman ni Sanya? Tangina, utang na loob, tantanan n'yo na ako." May bahid na ng galit ang boses ko. Unti-unti ko na ring kinuyom ang mga kamao ko dahil parang bumalik ako noong Grade 8 na ginawang kawawa nang pagtulungan nila akong apat, noong sinabi nila ang buong detalye ng panggagago nila sa 'kin.
Akala ba niya magpapauto ulit ako? Ganiyan ba talaga katanga't uto-uto ang tingin niya sa 'kin?
Mas lalong naglandas ang luha sa mga mata niya saka umiling. "H-Hindi... Nagsasabi ako ng totoo, Rory. Maniwala ka sa 'kin. Do you remember what I said two years ago? Noong tinanong kita na kapag may nalaman ka tungkol sa 'kin, paniniwalaan mo ba ako kung magpapaliwanag ako?"
Sarkastiko akong napangisi. Paano ko makalilimutan 'yong hint na naging tanga lang pala ako all along?
Magsasalita pa sana ako para barahin siya, pero nagpatuloy siya, "Pagkatapos naming ibunyag sa 'yo na... l-laro lang ang lahat simula noong nag-start ang relationship natin, gusto kitang habulin at ipaliwanag lahat sa 'yo na... totoo ang nararamdaman ko."
Napatawa ako nang sarkastiko. "Talaga ba? Sa tingin mo maniniwala ako sa 'yo pagkatapos mong harap-harapang aminin sa mga punyetang kaibigan mo na laro lang ang lahat? At sinabi pa nila na ginamit mo ako para mapalapit do'n sa lalaking gustong-gusto mo!"
"Please... listen to me." Huminga ito nang malalim at parang nagpipigil ng panibagong luha. Tumingin ito sa 'kin nang diretso, dahilan para matigilan ako't natahimik. "That wasn't true... hindi ko gusto si Terrence. Ang totoo n'yan ay matagal na kitang gusto, even before they dared me to play with your feelings. Lahat ng pinakita't pinaramdam sa 'yo ay totoo dahil totoong mahal kita, Rory..."
Napailing ako't napasinghap. Tiningnan ko siya mula ulo hangga't paa. Babaeng-babae siya kung mamorma. Siya 'yong tipong mahahalatang magkakandarapa sa isang lalaki. Ngumiti pa nga siya roon sa Terrence na 'yon nang magsama sila.
Ang kapal ng mukha niyang sabihin ito, eh, halatang tinatarantado na naman ako!
"Really, Fiona?" Punong-puno ng sarkasmo ang mga mata ko nang tiningnan din siya nang diretso. Habang nakatingin sa mga matang 'yon ay wala na akong ibang maramdaman pa kun'di galit. "Paano mo mapapatunayan 'yan? Masiyado kang girly. Halata sa 'yong handa kang mabaliw para sa isang lalaki. Hindi ka tulad namin. Parang trip mo lang magkagusto dahil gusto mo ng challenge at laro. Kaya nga pumayag ka sa gusto ng pinsan ko na paglaruan ako."
"The reason why I forcefully agreed to Sanya's plan to deceive you is because she blackmailed me!" Nabasa ko ang inis sa mga mata niya. Siguro na-offend sa mga salita ko. Ewan, deserve niya naman.
Wala naman akong reaksyon doon. Gusto ko lang matawa. Blackmail? Matalik silang magkakaibigan kaya imposibleng may gano'n. You can't fool me, Fiona.
Nakahalukipkip lamang ako habang bored na nakatingin sa kaniya. Ang tagal naman niyang i-spill 'yong tea. Bored na ako rito, pota.
"N-Nalaman nilang ikaw 'yong gusto ko nang minsan akong nagsulat ng poem para sa 'yo sa diary ko na may pangalan mo. Nakuha 'yon ni Sanya kaya nabasa niya ang poem ko tungkol sa 'yo, maging ang mga sinulat ko sa diary tungkol sa 'yo. I'm in love with you since I was in eight grade. Biglaan ang lahat!" Nagpunas siya ng luha at habol-habol ang hininga dahil ang bilis ng mga salita niya na parang hinahabol ng kung ano.
YOU ARE READING
To Trust the Dawn
Teen FictionFATE SERIES #3 Faith Aurora grew up with confusion about herself. Mula Elementary, puro lalaki ang mga nakakalaro kung kaya't na-impluwensiyahan siya ng mga ito. At kung hindi man lalaki ang makakasama, mga tibo naman. Instead of playing barbie doll...