Chapter 13
"A-Aurora..." nauutal na sambit niya habang walang kurap na nakatingin sa 'kin nang diretso.
Putangina! Putangina talaga! Anong ginagawa ng asungot na 'to rito?!
Para naman akong natuod sa kinatatayuan at hindi nakagalaw agad. Gusto kong takpan ang buong katawan dahil sa labis na hiya na gumapang sa 'kin dahil nakita niya ako sa gan'tong suot, pero hindi nakikipag-cooperate ang diwa ko dahil natulala lamang ako at labis na nagulantang.
Lalo na nang mapansin na naka-topless lang siya at may suot lang na itim na shorts, basang-basa.
Ngayon ay malinaw na makikita ang mestizo niyang balat. Hindi ko maintindihan kung bakit kahit ang pagtulo ng tubig mula sa buhok niya ay napansin ko. Maging ang dahan-dahang paglunok ng adam's apple niya ay nahagip din ng mga mata ko.
Ang mas lalong hindi ko maintindihan ay ang malakas na pagkabog ng dibdib ko na parang ngayon ko lang naramdaman. Para saan 'to? Dahil ba sa labis na kaba't gulantang na nakita niya akong ganito ang suot sa unang beses? Oo, 'yon lang at wala nang iba! Tangina talaga.
Nang tuluyang mahimasmasan ay pabagsak kong sinirado ang pintuan ng bihisan at napahawak sa tapat ng puso ko dahil 'di pa rin ito tumigil sa pagkabog nang malakas. Tarantadong puso, oh! Tsk. Ba't ba ako umaaktong ganito? Nahihiya ba ako?
Kadiri 'yon! Astig ako! Hindi dapat mawala ang angas ko! Ano ngayon kung makita niya akong suot 'to? E'di makita niya! Ang gusto ko lang naman ay ang magpalamig ng init ng ulo sa batis at wala akong ibang choice kun'di suotin ito!
Bakit ba ang defensive ko?! Si Ivan lang naman 'yon na hindi dapat maging dahilan kung bakit nagkakaganito ako! Pucha. Lumabas ka na, Rory, baka isipin ng tarantadong singkit na 'yon na nahihiya ka sa kaniya. Ew.
Huminga ako nang malalim bago muling pinihit ang doorknob dala-dala na ang bag ni Nik. Suot-suot ko pa rin ang lecheng spaghetti strap at shorts, pero hindi ko na pinahalata pa ang gulantang at hiya sa aking mukha kahit may katiting pa ng mga 'yon.
Napalunok ako pero matapang na diretsong tumingin sa harap. Nakita ko pa sa gilid ng mga mata ko ang presensiya niya. Dahan-dahan akong tumingin sa kaniya, at medyo nakahinga nang maluwag nang makitang nakatingin na ito sa batis at hindi sa 'kin.
Pero hindi ako agad nakaiwas ng tingin nang agaran niyang pinihit ang tingin sa 'kin. Nakaawang na naman ang mga labi niya at ang singkit na mga mata'y mababakasan pa rin ng gulat. Tumapang naman agad ang reaksyon ko at taas-noong nagsimulang maglakad.
"Ba't andito ka?" Mahahalata ang inis sa boses ko. Nakatingin ako nang diretso sa kaniya ngayon para ipahalatang hindi ako nahihiya.
"Magbibihis sana ako kung saan ka... nagbihis," mahinang aniya at pansin ko ang awkward nitong pag-iwas ng tingin.
Naningkit ang mga mata ko. Napangisi ako. Parang siya na itong tensiyonado ngayon. "Oh, tapos na 'ko. Pasok ka na ro'n."
Ang totoo'y gusto ko na siyang mawala sa paningin ko dahil tangina, nakikita niya pa rin akong suot ito.
Tumikhim ito saka muling tumingin sa 'kin kahit parang hindi pa rin niya kayang tumingin sa 'kin. OA nito. Parang first time makakita ng babaeng nakasuot ng gan'to.
"Hindi na pala ako tutuloy. Hindi muna ako uuwi, maliligo pa kami." Nag-iwas na naman ito ng tingin, pero nakita ko ang pagsilay ng munting ngiti sa labi nito.
Nagkibit ako ng balikat. Okay. Hindi naman pala tutuloy tapos maabutan kong nandito pa rin sa labas nang pagsarhan ko ng pinto.
Walang paalam akong naglakad na papalayo sa kaniya, pero hindi pa man ako nakalalayo ng hakbang ay narinig ko na naman ang boses niya na nagpapanting sa tenga ko.
YOU ARE READING
To Trust the Dawn
Teen FictionFATE SERIES #3 Faith Aurora grew up with confusion about herself. Mula Elementary, puro lalaki ang mga nakakalaro kung kaya't na-impluwensiyahan siya ng mga ito. At kung hindi man lalaki ang makakasama, mga tibo naman. Instead of playing barbie doll...