Chapter 27

16 0 0
                                    

Chapter 27

"Sure na ba talaga ako rito? Tangina," mahina kong pagtatanong sa sarili habang binabalot ang isang maliit na tupperware na may laman na menudo.

Ako ang nag-presenta ngayong umaga na siyang magluluto ng ulam dahil sa balak ko. Maaga pa akong gumising para maabutan ang liwanag bago sumikat ang araw. Balak kong mag-luto ng ulam para kay... Ivan para sa tanghalian mamaya. Dahil sa nasaksihan at narinig ko sa kaniya noong isang araw sa abandunadong bahay ay gusto kong pagaanin man lang ang loob niya dahil alam kong nasasaktan pa rin siya.

Napapikit ako nang mariin nang bumalik na naman sa isipan ko ang napagtanto kanina lang. Tangina talaga. Hindi ko na kayang lokohin pa ang sarili ko na wala lang 'tong nararamdaman ko dahil pinapahirapan ko lang din ang sarili ko.

Hindi ko lang siya gusto. Tuluyan na nga'ng nahulog ang loob ko. Mahal ko na siya. Iyan lang ang tanging makakapagpaliwanag sa pakiramdam na isang taon din akong nilunod. Naiiyak ako, punyeta talaga.

Malakas ang kabog ng dibdib ko habang binabalot na sa isang lunchbox ang ulam, at sinilid ko rin ang isang baunan na may kanin. Muntik pa nga akong magkamali kanina sa pagluto ng menudo na matagal ko nang na-master dahil... kinakabahan sa t'wing naiisip na ginagawa ko na talaga 'to para sa kaniya. Conscious din ako dahil baka pangit pala 'yong lasa o ano, nakakahiya 'yon.

Pota. Hindi ako 'to!

Namamawis ang mga kamay ko nang kinuha ang phone para i-chat siya. Huminga ako nang malalim bago nagtipa ng mensahe.

Faith Vilan
hoy

Napalunok ako nang makita ang umaalong tuldok, meaning, nagta-type na siya ng i-rereply. Pota, ang bilis naman?! Active 12 hours ago naman 'yong nakita ko, ah. Pa'no ako makakapag-type nang maayos n'yan?

Ivan Zhao
Wala man lang pa-good morning? Ang sakut nun Aurora 😔

Napakunot ang noo ko nang mabasa ang reply niya. Ang arte talaga. Mas babae pa sa 'kin. Pero kahit papaano ay natuwa ako dahil parang medyo okay na siya. Alam kong hindi pa fully okay, pero alam ko ring sinusubukan niya rin. Ganiyan naman talaga tayo.

Faith Vilan
arte mo

Ivan Zhao
Ano ang atin, Kamahalan? 😁

Napakagat ako sa pang-ibabang labi para mapigilan ang punyetang ngiti. Napahinga ako nang malalim. Mas gugustuhin ko pa'ng mamatay kaysa mahalata niyang gusto ko siya.

Faith Vilan

nagluto ako ng ulam para sayo,bilang kaibigan ha. sabay tau mag lunch mamaya

Ewan ko kung ilang minuto bago ko na-send 'yon. Pinag-isipan ko pa kasi ang tamang salitang sasabihin, tangina.

Napakunot ang noo ko nang makitang sineen niya lang 'yon, at wala akong nakitang umaalon na dots na senyales na nagta-type siya. Parang umakyat ang dugo ko sa pisngi dahil sa hiya. Paano kung ayaw niya? Tangina, nakakahiya talaga!

Bakit ko ba 'to ginagawa pa?! Ang gusto kong gawin matapos ma-realize lahat ay iwasan siya dahil hindi p'wedeng mangyari 'to, pero heto ako, nagluto pa ng ulam! Baka mag-aassume na 'yon. Mas gugustuhin kong mamatay kaysa malaman niyang gusto ko na rin siya.

I swear, pagkatapos nito, tuluyan na akong lalayo. Susubukan kong magka-crush ulit ng babae dahil babae naman talaga ang gusto ko, 'di ba? Kailangan kong bumalik sa sariling lungga. Tangina... bakit ba parang napipilitan ako sa naiisip kong gawin?

Bahala na nga 'to. Alam kong mawawala lang din naman 'to dahil isa lang 'tong malaking kalokohan.

Pero kahit tinuturing kong malaking kalokohan lang 'to, nagpatuloy ako sa pagbalot ng baon para sa kaniya. Sinilid ko ito sa bag ko bago nagpaalam kay Lola na papasok na sa eskwelahan. Nakahawak pa rin ako sa phone nang mag-abang na ng masasakyan, naghihintay pa rin sa reply niya.

To Trust the DawnWhere stories live. Discover now