Chapter 4

8 0 0
                                    

Chapter 4

Kunting pasensiya pa, Rory. Kailangang hindi niya mahalatang unti-unting nawawala ang dignidad mo. Pota talaga.

"Nasa akin ang ID mo." Tinapunan ko ng lamig na tingin ang malamig niya ring mukha. Buong tapang iyon kahit parang sumabak ako sa giyera na walang dalang armas. Nakakuyom ang mga kamao ko nang patago dahil gusto ko siyang sapakin sa katangahan niyang ihulog ang ID niya kahit may lace.

Nakita ko ang biglang pagbago ng reaksiyon niya. Parang nagpupuyos sa galit na hindi ko maintindihan, pero kahit gano'n, nanatili pa ring seryoso ang mukha ko. Parang mananapak na nga siya sa reaksiyon niya ngayon.

"What? Tell me, ikaw ba 'yong kumuha? Ikaw ba 'yong nan-trip sa 'kin noong Intrams?" Humakbang siya papalapit sa 'kin, at doon nagiba ang seryosong mukha ko nang hawakan niya ako sa balikat na parang nanggigigil sa galit. Puno ng galit ang mga mata niya.

Tumingala ako sa kaniya dahil mas matangkad siya sa 'kin. Tangina nito, ah?! Inis na inis kong inilayo ang sarili mula sa kaniya at marahas na inalis ang kamay niya sa aking balikat. Matalim ko siyang sinilaban ng mga tingin ko.

"Anong pinagsasabi mong gago ka?! Sino ka ba para kunin 'yang ID mo't pag-tripan ka? Ang kapal ng mukha mo!" Sarkastiko akong ngumisi at tinaasan siya ng kilay habang nakatingin nang diretso sa kaniya. "Napulot ko noong Intrams sa gym. Pasalamat ka nga't pinulot ko't tinago ko 'yon, hindi tinapon." Sumama na naman ang timpla ng mukha ko dahil sa pambibintang niya agad.

Umawang ang labi niya't parang nabigla.

Dismayadong umiling ako't tumalikod. Ngunit lumingon ulit ako, sinisiguradong nalulunod siya sa galit ng mga mata ko. "'Wag kang mag-alala, isasauli ko 'yon. Magkaka-pera ba ako 'pag itatago ko lang 'yon sa bag habang buhay?"

Tumalikod na ako. Nagtaas-baba pa ang hininga ko dahil sa labis na irita. Imbes na maging kalmado sa palagi kong tambayan, mas lalo lang akong kinain ng anger issue dahil sa mga mapagbintang na taong parang inaakalang isa kang kriminal. Tangina talaga.

"Wait." Narinig ko ang boses niya sa likuran pero nagpatuloy lang ako sa paglalakad. "Faith Aurora!"

Doon na ako tumigil sa paglalakad at kunot na kunot ang noong nilingon siya. Parang nagulat siya sa pagbanggit sa pangalan kong baduy. Hindi ako nagsalita't pinakyuhan lang siya . Pota, sa'n niya naman nakalap ang pangalan ko? Napakamot ako sa leeg nang kumati ito. Doon ko nahawakan ang lace ng ID ko. Ah pota, oo nga pala, may ID ako. Bobo.

Pabagsak akong umupo sa upuan ko nang makabalik sa room. Ang ingay-ingay sa loob. Halos lahat hindi nakikinig kay Pres, pero nang maglista ito ng noisy sa board ay tumahimik ang lahat at bumalik sa kaniya-kaniyang upuan.

Dahil naalala ko na naman ang kanina nang makita ang classmate kong singkit na lalaki, tinanggal ko ang pantali sa buhok ko. Tinatanggal ko kasi ang tali sa buhok ko kapag wala ako sa mood. Trip ko lang.

"Pres! Ba't mo 'ko nilista?! Magkaibigan tayo, ah!" Napatingin ako kay Nathaniel at nakitang busangot ang mukha nito habang nakatingin kay Caleb na parang pinipigilan ang tawa gamit ang seryosong mukha.

"Hindi ako tumuturing ng kaibigan kapag naglilista ng noisy. Dapat fair lang," Naka-cross ang mga braso nito na parang sinisermunan si Nathaniel.

Iginawi ko ang tingin sa labas. At pota, dumaan ang gagong singkit.

"Leigh! Si Ivan, oh... Parang may sinisilip dito, baka ikaw!" rinig kong tili ni Toni, 'yong kaibigan ni Leigh.

Nakita ko kung paano pumula ang pisngi ni Leigh. Halos matawa ako kasi tangina talaga ng mukha niya kapag nagdidilang-anghel. Sana pala siya na lang 'yong nakapulot sa ID ng Ivan niya para may chance na siya rito't hindi na ako maririndi sa paulit-ulit na sabi nito na... 'may chance ba ako? Siguro naman kasi ako na 'to, eh. Sino ba'ng hindi magkakagusto sa 'kin?'.

To Trust the DawnWhere stories live. Discover now