Chapter 9

15 0 0
                                    

Chapter 9

"Totoo ba 'yong narinig ko, Faith?"

Tila nanigas ako sa kinatatayuan nang marinig ang boses ni tita. Shit. May plano na akong aminin sa kaniya ang tungkol dito, pero hindi ko inaasahang malalaman niya sa ganitong paraan na nandito ang anak niya. Bwiset talaga 'tong si Sanya!

Nanginginig akong lumingon. Inaasahan ko na ang 'di makapaniwalang reaksyon niya dahil siguro sa kabila ng nakikita niyang pormahan kong panglalaki, naniniwala pa rin siyang pusong babae ako. Tumingin ako sa mga mata niya at nakitang gulat na gulat ang mga ito pero kalaunan ay naibalik lang din naman sa kasuwal na paraan ng pagtingin niya sa isang tao.

Pilit kong hinahanap ang disgusto o ano pang reaksyon na magpapahiwatig na hindi niya ako tanggap, pero wala akong nakita kaya kahit papaano... nabawasan ang kaba sa dibdib ko. Pero kahit ganoo'y iniisip ko pa rin na baka deep inside, iba 'yong nararamdaman niya tungkol dito.

"It's true, Ma. Girlfriend niya ang friend kong si Fiona since July pa lang last year. Ang tagal na po, 'di ba? Ang galing magtago nitong si Faith." Tumawa si Sanya nang makisabat.

Halos taliman ko siya ng tingin dahil hindi naman siya si Fiona para sumagot. Bida-bida palagi, punyeta! Hindi pa rin ako sumasagot dahil gusto kong lumayas muna 'tong bida-bida sa paningin ko.

Ibinaling ni tita ang mga mata sa anak. "Hindi ikaw ang tinatanong ko, Sanya. Narinig kita kanina."

Nakita ko ang panlalaki ng mga mata ni Sanya sa sinabi ng ina na tila gulantang.

"Walang nakakadiri sa same-sex relationship. Ang nakakadiri ay ang mindset mo, Sanya. Hindi kita pinalaking ganiyan. Ayus-ayusin mo 'yang ugali mo." Mahihimigan ang galit sa boses ni tita.

Napatingin ako kay Sanya at nakita kung paano bumalatay ang hiya at kaba sa kaniyang mukha dahil sa pagkakaalam ko, ngayon pa lang naging ganito kagalit sa kaniya si tita. Pasimple naman akong napangisi.

"There are a lot of homophobic people and I'm not expecting that you're one of them, Sanya. Bata ka pa, a minor, but it doesn't mean that your age is an excuse from this behavior of yours. I hope you take this as a lesson. Hindi ka siguro sanay makita o malaman na nagkaka-relasyon ang may mga parehong kasarian kaya ganiyan ang nasabi mo, pero sana hindi ka na lang nagsalita. That was an insult to the LGBTQ community," seryoso pang patuloy ni tita kaya nakita kong mas lalong tumiklop si Sanya.

"Once I hear you saying ‘disgusting’ about same-sex relationship, you'll see my other kind of discipline."

"Sorry po, Ma..."

Hindi nagbago ang seryosong mukha ni tita.

"Apologize to Faith. Hindi ka sa 'kin nagkasala."

I crossed my arms, nakatingin lamang kay Sanya at naghihintay ng apology niya. Gusto ko talagang humalakhak ngayon dahil nakakaawa ang mukha niya dahil walang Allysah na magtatanggol dahil mismong ina na nila ang pumuna at nagalit.

Tumayo ito at tumingin sa 'kin kaya binigyan ko siya ng kaunting ngisi. Naglakad siya papalapit sa 'kin.

"I'm sorry, Faith..." buo ang boses na aniya pero wala akong nakitang pagsisisi sa mga mata. Ano bang aasahan ko? Baka kahit pumuti na ang uwak, hindi siya magbabago.

Akala ko aalis na siya pagkatapos pero mas lalo siyang lumapit at may ibinulong, "I-enjoy mong tumawa, iiyak ka rin."

Nginisian ko lang siya dahil masiyado akong masaya na patulan na naman siya. Pagkatapos ay walang pasabi siyang umalis. Nakita ko pa ang pagbaybay ng mga mata ni tita sa likod ni Sanya nang tumalikod ito. Naroon pa rin ang seryosong mga mata niya na maihahalintulad ko sa akin kapag seryoso at gustong manapak.

To Trust the DawnWhere stories live. Discover now