Chapter 29

43 0 0
                                        

Chapter 29

"Aurora!"

Binilisan ko ang pagpidal nang marinig ang boses niyang paulit-ulit na tinatawag ang pangalan ko mula sa likuran. Tumingin pa ako saglit, at nakitang nakasakay na rin pala siya sa isang bisikleta. Kaya pala rinig na rinig ko ang pagtawag niya. Akala ko ay nasa veranda pa rin siya ng mansion nila.

Hindi ko na napunasan pa ang mga luhang patuloy sa pagbuhos dahil baka bigla akong sumemplang, nakakahiya 'yon kung sakali dahil nagmo-moment ako tapos iiral ang katangahan sa kalagitnaan. Dapat panindigan.

Tanginang mga luha naman kasi. Hindi pa talaga nakisama! Pupunta lang sana naman ako kina Nik, hindi ko akalaing may pa-teleserye pala na magpapaiyak sa 'kin.

Hindi ko alam kung saan ako patungo. Patuloy lamang ako sa pagpidal para tuluyang makalayo sa kaniya dahil hindi na ako sigurado pa kung kaya ko pa ba'ng itago ang nararamdaman ko. Nahihirapan na ako. Akala ko magiging masaya ako. Akala ko tuluyang maglalaho ang nararamdaman ko para sa kaniya kapag darating sa puntong ito na kailangan niyang itigil ang nararamdaman niya para sa 'kin.

"Watch out!"

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang sigaw ni Ivan, at kasabay no'n ay ang malakas na busina ng malaking truck na muntikan na akong masagasaan. Hindi ko namalayang nasa tabi na pala kami ng kalsada. Napatigil ako sa pagpidal dahil para akong nanlamig sa labis na kaba at ang buong katawan ko ay parang naparalisa. Tangina. Muntikan na akong mamatay.

Napalunok ako saka dahan-dahang nilingon si Ivan. Bumaba ang paningin ko sa kamay niyang nakahawak na pala sa likuran ko na parang pinipigilan ako. Muli kong binalik ang paningin sa mukha niya at sumasalamin sa mga mata ko ang nakita kong takot at kaba sa kaniyang mga mata. Nakababa na siya mula sa bike niya na hawak ng kaliwang kamay niya.

"Ano ba? Anong problema mo? Kung hindi lang kita sinigawan at pinigilan, you could've..." Nakita ko ang dahan-dahan nitong paglunok at parang hindi makahinga. Parang pinipigilan niya ring magalit sa 'kin dahil medyo may tunog nang pagkayamot sa boses niya.

Nag-iwas ako ng tingin at hindi siya sinagot. Tumingin ako sa kaliwa't kanan ng kalsada para makasiguradong wala nang sasakyan na paparating. Nang makasigurado ay walang pag-aalinlangan ulit akong nag-pidal papalayo sa kaniya.

"Aurora! Ano ba?" Ramdam ko na ang inis sa kaniyang boses, pero wala akong pakialam. Gusto ko lang talagang makalayo sa kaniya ngayon dahil baka maamin ko sa kaniya ang nararamdaman.

Hanggang sa napatigil na lamang ako sa pagbibisikleta sa tabing dagat kung saan palagi ko silang nakikitang tatlo nila Caleb at Nathaniel na tumatambay. Nawalan na rin ako ng lakas pa'ng mag-pidal dahil nanghihina pa rin ang kalooban. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin ngayon.

Huminga ako nang malalim saka bumaba mula sa bisikleta. Isinandal ko ito sa sementadong upuan. Umupo rin ako rito saka marahas na pinunasan ang mga luhang kanina pa naglalandas. Hindi ko na inisip pa na p'wede niya akong sundaan dito dahil gusto ko lang talagang umiyak. Putanginang buhay 'to.

At tama nga ako. Narinig ko na lang ang pagtigil ng bisikleta sa likuran ko.

"Bakit ka umiiyak? Anong nangyari?" narinig kong tanong niya mula sa likuran, pero hindi ko siya nilingon. Pinunasan ko lamang ang panibagong mga luhang naglandas.

"Aurora..." Naging malumanay ang kaniyang boses, punong-puno ng pag-aalala. "Kung ano man ang pinagdadaanan mo... please don't risk your life just like what almost happened earlier. Hindi ba sabi ko, I'm just one call away? Kaibigan mo na rin ako kaya kung kailangan mo ng kausap... I'll listen."

Hindi ko pa rin siya sinasagot. Nag-expect akong alam niya na ang dahilan kung bakit ako umiiyak nang ganito dahil nakita niya mismo ang paglandas ng mga luha ko habang magkayakap silang dalawa ni Leigh. Masiyado ba akong umasa sa wala? Tangina. Ba't parang ang kasuwal niya?

To Trust the DawnWhere stories live. Discover now