Chapter 28
"Ano? Titigil na kayo sa pag-aattend sa activities sa youth? Hihilata na lang kayo buong araw dito?!"
Agad akong napabangon mula sa sofa nang marinig ang sigaw ni Lola na halos nagpabingi sa 'kin. Pilit kong tinatago ang simangot dahil malalagot ako. Napatingin ako kay Sanya na nakahilata sa kabilang sofa rito sa sala, nagce-cellphone at kanina ko pa napansing nakangiti.
Sus, sa una lang 'yan. 'Di niya deserve maging masaya sa kahit anong bagay. Hanggang ngayon ay nagtatanim pa rin ako ng sama ng loob sa ginawa nila Allysah. Hihintayin ko na lang ang araw na mabubuking sila, nakakapagod na ring i-prove ang sarili ko na inosente ako.
Binitawan ko ang cellphone at tinago mula sa paningin ni Lola. Kaming tatlo na naman ang naiwan dito sa bahay ngayong Sabado dahil may pinagkakaabalahan na naman si Tita Stella.
"La... gumagawa ho ako ng assignment sa phone ko," depensa ni Sanya at mahahalatang pinipigilan nitong sumagot pabalik.
"May nakangiti ba'ng nag-aassignment?" pambabara ko rito saka tumayo na. Alam ko kasing nagsisinungaling lang siya.
Sinamaan ako nito ng tingin. "Yes, and that's me. Chem kasi 'yong subject na sinasagutan ko kaya nakangiti ako because I love Chem." Inirapan niya ako saka padabog na binalik 'yong unan na nasa lap niya sa sofa.
"Mag-aaway na naman kayo?!" malakas na sigaw ni Lola saka binigyan kami ng masamang tingin. "Magbihis na kayo at sabay kayong pupunta sa simbahan. Utos ko ito."
Huminga ako nang malalim saka tinaasan lang ng kilay si Sanya na ang sama pa rin ng tingin sa 'kin. Tahimik lamang akong tumango kay Lola bago pumasok sa k'warto ko't nagbihis. Simpleng brown t-shirt at pants lang 'yong suot ko. Tinali ko rin into ponytail ang buhok ko dahil naiirita na ako sa haba nito, ang init na at sayang sa shampoo.
Wala pa akong planong magpagupit dahil tinatamad ako at walang oras. Abalang-abala sa eskwela at trabaho. Kahit pa nagpapaalala na naman ang kahabaan nito sa Nanay kong may mahabang buhok sa picture frames, biglang nawalan na lang ako ng pakialam.
Ewan ko... pagkatapos kong mapagbintangan sa bagay na hindi ko ginawa at sinampal sa pagmumukha ko na pareho kami ng Nanay ko, biglang nawalan na ako ng pakiramdam pagdating sa kaniya.
Namanhid na lahat sa loob-loob ko. Walang sakit. Walang galit. Walang kahit ano. Pero pakiramdam ko... mas malala ito. Kasi parang tahimik na bigla-bigla na lang susulpot at handa ulit akong durugin sa pagkakataong payapa ang puso ko.
Dapat nga magsaya ako dahil sa wakas, wala na akong nararamdaman tungkol sa kaniya at sa kung sino mang poncio pilato ang Tatay ko... pero parang mas lalo akong nabahala dahil 'di ako sanay.
Siguro mas kaya ko pa'ng dalhin ang galit at sakit gaya ng dati... hindi ito na parang empty space, pero mas... mabigat. Ewan ko.
"I heard... may nagkagusto sa 'yong lalaki. I heard it from Leigh."
Nag-aabang na kami ng masasakyan ni Sanya nang biglang nagsalita ang maanghang niyang bunganga. Wow, friends na sila ngayon? Magkaugali naman sila, no wonder. Nang mag senior high kasi si Leigh, palagi silang nagkakasama sa mga division contests related sa Science at Math.
"Oh, tapos?" bored kong pagpatol.
Napansin ko ang pandidiri sa kaniyang mukha. "Akala ko exclusive ka lang for girls, may nagkakagusto rin pa lang lalaki sa 'yo? Given na..." Tiningnan niya 'ko mula ulo hanggang paa.
Napaawang ang labi ko. Pota. Kung babae ang nagkakagusto sa 'kin, nandidiri siya. Kung lalaki naman, nandidiri din siya. Tangina, sa'n ako lulugar? Kung malaman niya rin siguro na gusto ko na rin si Ivan, mandidiri pa rin siya kahit pa para sa taong kagaya niya, 'yon ang normal.
YOU ARE READING
To Trust the Dawn
Teen FictionFATE SERIES #3 Faith Aurora grew up with confusion about herself. Mula Elementary, puro lalaki ang mga nakakalaro kung kaya't na-impluwensiyahan siya ng mga ito. At kung hindi man lalaki ang makakasama, mga tibo naman. Instead of playing barbie doll...