Chapter 19

33 0 0
                                        

Chapter 19

"Tangina, mukhang mapapaos na yata ako bago pa man ang araw ng acquintance!"

Nakikinig lamang ako sa walang humpay na pagrereklamo ni Nik sa tabi habang nakatulala sa TV nila rito sa bahay nila. Nagpa-practice kaming tatlo ngayon sa pamamagitan ng videoke gamit ang flatscreen TV nila. Sabado ngayon, at tatlong araw na lang ay acquintance party na.

Pagod naman na sumandal si Jo sa sofa at huminga nang malalim. Hinahagod nito ang lalamunan. "Sakit na ng lalamunan ko. Nik, pakuha nga ng malamig na tubig." Inutusan nito si Nik na parang siya ang nagmamay-ari sa bahay.

Wala kasi rito ngayon ang buong pamilya ni Nik dahil nasa Cebu ang mga ito sa weekend. Kanina pa nga siya nag-a-alburuto dahil kasama dapat siya pero nag-chat sa 'min si ma'am Janet kanina na ilaan daw ang weekend for practice.

Kaya may gana kaming mawalan ng hiya ni Jo rito sa kanila dahil kaming tatlo lang ang nandito. Kapag kasi narito ang parents, kapatid, at lola niya ay para kaming mga 'di makabasag pinggan. Sa t'wing inaaya nga kami ng Mama niya na kumain sa t'wing gumagawa kami ng project ay magalang naming tinatanggihan sabay sabing hindi kami gutom kahit ang totoo'y parang kami pa nga siguro ang unang makakaubos sa masasarap nilang ulam.

"Kapal, ah," singhal ni Nik pero nagtungo rin naman sa ref nila at kumuha ng pitsel. Kumuha rin ito ng tatlong baso.

"Gago, bawal 'yong malamig na tubig! Gusto n'yong mapaos?!" sigaw ko nang muntik nang uminom si Nik.

Para naman itong natauhan kaya binitawan niya ang baso't nilagay sa mesa. "'Si Jo kasi, e!"

"Painumin n'yo na 'ko! Kayong dalawa na lang sumali, kaya n'yo na 'yan. Ikaw na bahala sa dalawang Verse, Nik," nakapikit na ani Jo saka humikab. Kanina pa 'to inaantok na parang hindi natulog dahil nagmumukha na rin 'tong zombie.

Napadaing naman ito nang hinampas ko siya sa balikat. "Manahimik ka!"

"Okay lang naman. Enjoy mo na lang pagiging repeater next year kung magpapatuloy 'yang failing remark mo sa laptop ni ma'am." Natunugan ko ang pang-aasar sa boses ni Nik pero naramdaman ko ring seryoso siya.

Napamulat naman agad ang mga mata ni Jo saka napabangon bigla. Sinalubong niya kami ng simangot. "Seryoso n'yo naman. Nagbibiro lang naman ako."

"Sige na, continue. Baka magiging 1 hour practice at three hours pahinga na naman 'to." Tumayo na ako upang i-operate ang remote para makapagsimula ulit.

Kaninang umaga kasi, ganado kaming nag-practice mula alas otso hanggang alas nuebe, at noong sinabi kong magpahinga muna nang 30 minutes, naging tatlong oras. Hanep. Kaya ito, tinatamad na tuloy kami.

Tumayo na rin si Jo mula sa pagkakaupo. Kinuha nito ang isang mic. Tatlong mic ang narito kina Nik kaya tig-i-isa kami. Nagsimula na ulit kami.

Bang Bang ang kakantahin namin. Si Nik ang kakanta sa Verse 1, 'yong part ni Jessie J. Si Jo naman sa Verse 2, 'yong part ni Ariana Grande. At s'yempre, ako 'yong sa Verse 3, sa rap part ni Nicki Minaj dahil astig ako. Silang dalawa ang sa pre-chorus, at chorus bago mag Verse 3. Pagkatapos naman ng pagkanta ko ng Verse 3 ay sabay-sabay na kaming tatlo sa chorus.

So far, naging maayos naman ang practice namin. Hindi namin namalayang dalawang oras na kaming kumakanta, hindi lang kasi pagkanta ang ginawa namin dahil nag-di-discuss din kami paano ba i-execute nang maayos. Gumawa rin kami ng simpleng choreography. Kahit kahiya-hiya kaming tingnan sa mga mapanghusgang tao, hindi namin gagawing kahiya-hiya ang sarili namin sa harap ng maraming tao ngayong Tuesday. 'Yong, 'prove them wrong' kumbaga.

Hindi pa man kasi kami nag-p-perform ay may mga negatibong komento na kaming narinig mula sa mabilang lang naman sa daliri na mga kaklase namin. 'Yong mga walang tiwala sa kakayahan namin dahil nga tomboy raw kami at puro gulo lang alam dahil palagi kaming nasasangkot sa gulp mula pa Grade 7. Iyong iba naman, pure hate lang kahit wala naman kaming ginagawang masama sa kanila. 'Yong katulad ni Leigh.

To Trust the DawnWhere stories live. Discover now