Chapter 32

18 0 0
                                    

Chapter 32

"Sabi ko naman sa 'yo makaka-survive ka, eh," mahinang sabi ko kay Ivan nang matapos ang graduation.

Ganoon kadali lumipas ang mga araw matapos ang prom. Hindi namin namalayang dumating na pala ang araw na 'to, ang araw na siyang palatandaan na na-i-survive naming mga graduating students ang senior high.

Akala ko nga hindi ako makaka-graduate, eh, dahil nagka-problema 'yong midterm grade ko sa isang core subject namin na Physical Science. Mabuti na lang at nakabawi sa Finals.

Pasakit talaga sa buhay ko 'yang Math at Science. Buti na lang minulat ni Ivan ang mga mata ko na hindi talaga ako bobo nang dahil lang sa hindi ako nag-eexcel sa Math at Science na siyang madalas basehan ng katalinuhan. Lahat tayo ay iba-iba na may iba't-ibang bagay kung saan tayo magaling. 'Yong binanggit niyang Theory of Multiple Intelligences.

Tinitigan ko siya nang matagal. Hindi siya nakatingin sa 'kin at nakatingin lang sa kapuwa namin graduates at parang... walang laman ang mga mata niya. Kanina ko pa napapansin na parang wala lang sa kaniya nang tinanggap niya 'yong diploma.

Ilang linggo pa lang kami, pero kilalang-kilala ko na siya. Kung kailan siya totoong masaya. Kung kailan siya may balak mang-asar. Kung kailan siya malungkot. At kung kailan siya may tinatagong problema sa pamamagitan ng pagngiti.

Para ba'ng matagal ko na siyang kilala kahit sandali pa naman kaming magkasama. At sa mga araw na lumilipas, mas lalong gusto ko pa siyang makilala. Bukod sa mga bagay na nalaman ko tungkol sa kaniya, marami pa akong gustong malaman. Sabi nga nila... to be loved is to be known.

Hindi ko 'to inaasahan, pero palalim nang palalim ang pagmamahal ko sa kaniya. Ang alam ko lang, ayoko na siyang pakawalan. Matindi na ang tama niya sa 'kin.

Lumingon siya sa 'kin saka sumimangot. Tinaasan ko siya ng kilay. Ang baby niyang tingnan sa lagay na 'yon na parang nagpapalambing.

"Oh, ano 'yang mukhang 'yan?"

"Masaya naman akong naka-survive... wala nga lang medal. 'Yong ibang grades ko sa specialized subjects namin, pasang awa. Gusto ko lang sanang ipakita sa bahay na nag-aaral ako nang mabuti para mapansin nila ako. Para maging proud din sila sa 'kin. Hindi nga um-attend si Mama, eh... Ewan ko kung bakit. Nagmumukmok na naman kasi sa k'warto. She didn't even talk to me since last week..."

Bigla akong nahabag para sa kaniya. Binanggit niya na sa 'kin na mahal naman siya ng Mama niya at inalagaan siya mula pagkabata, pero ramdam pa rin niyang kulang ang ipinapakita nito. Mas busy itong humingi ng atensiyon sa Papa niya at abalang maghilom ng sariling mga sugat. Kaya pakiramdam niya, wala pa rin siyang mga magulang.

Kaya minsan, nababanas din ako sa mga magulang na may mga unhealed wounds at trauma pa na hindi ni-re-resolve bago magkaanak. Mga anak kasi ang apektado dahil parang pinapasahan lang din sila.

Mahina kong tinapik ang balikat niya.

"Alam mo ba kung ga'no ka ka-strong mula nang mag-senior high ka? Pumasok ka sa strand na hindi naman aligned sa passion mo, pero tingnan mo ngayon, naka-survive ka't may diploma na. Nakaka-proud ang mga estudyanteng gaya mo. Nakaka-proud ka kahit wala kang medal, kahit hindi ka kasama sa honor rolls. Dahil alam mo kung pinili mo lang mag-Arts and Design sa Media Arts? Ikaw siguro 'yong Top 1."

"Alam kong mahirap gawin, pero sana... huwag mo nang iasa 'yong kasiyahan mo sa mga magulang mo. Maging masaya ka para sa sarili mo. Maging masaya ka dahil ginagawa mo 'yong sinisigaw ng puso mo. Kung walang proud sa 'yo, nandito ako," marahang sabi ko saka pasimpleng hinawakan ang kamay niya.

Titig na titig naman siya sa 'kin matapos kong sabihin 'yon. Kanina, parang emptiness lang 'yong nakita ko sa mga mata niya habang nakatingin sa kapuwa namin graduates na may kasamang mga magulang, pero ngayon... nakikita ko na ang saya mula roon. Grabe nga naman talaga ang impact ng mga salita.

To Trust the DawnWhere stories live. Discover now