Chapter 34

16 0 0
                                    

Chapter 34

Nagising ako kinabukasan sa sunod-sunod na tilaok ng mga manok sa kalapit na bahay. Kinusot-kusot ko ang mga mata para maaninag ang paligid dahil parang pagod at nanlalabo yata ang mga mata ko ngayon. Kumunot ang noo ko nang ma-realize na maalikabok na sofa ang nahigaan ko.

Huminga ako nang malalim nang mapasandal sa sofa't umupo nang maalala ang nangyari. Kaya pala pagod at nanlalabo ang mga mata ko dahil sa ilang butil ng luhang pinakawalan ko kahapon. Naalala ko ring dumiretso pala ako rito sa abandunadong mansyon matapos...

Napalunok ako nang maalala ang nasaksihan kagabi. Si Ivan. Ang huli kong naalala ay dala-dala nito ang dalawang maletang naka-impake na papalabas ng gate. Tangina, hindi ko man lang siya na-chat kagabi. Agad akong bumangon kahit na parang binibiyak ang ulo ko sa sakit.

Kinapa ko ang phone sa bulsa at nang matagpuan ay dumiretso agad ako sa Contacts. Sinubukan ko siyang tawagan, pero naka-ilang ring na't hindi pa rin siya sumasagot. Napabuntong-hininga na lang ako nang maisip na i-give up na lang.

Siguro gaya ng gusto kong mangyari kagabi matapos malaman ang katotohanan, gusto niya ring mapag-isa muna sa ngayon. Naiintindihan ko kaya bibigyan ko muna siya ng space. Hindi ko rin kasi alam kung paano mag-function nang maayos kung magkausap man kami. Pare-pareho kaming nagbago ang mga sitwasyon sa buhay kaya kanya-kanya muna kaming adjust.

Mahirap din sa kaniya ang bagong sitwasyon kahit pa sabihing determinado talaga siya dahil hindi siya sanay sa hirap. At nag-aalala ako para sa kaniya, pero alam kong kaya niya naman. Gano'n naman talaga tayo, natatakot sa una, pero habang tumatagal, masasanay rin tayo dahil hindi naman tumitigil ang pag-ikot ng mundo.

Kukumustahin ko naman siya from time to time. Kapag hindi makatiis, eh, pupuntahan sa kung sa'n siya mag-s-stay, tuturuan ko rin siya ng mga gagawin sa buhay ngayong kailangan niyang maging praktikal sa mga desisyon. Ang naalala ko sa sinabi niya ay mananatili muna siya pansamantala sa Tito niya, Aaron 'yong pangalan. Hindi ko kilala dahil wala naman siyang kinuwento tungkol sa mga kamag-anak. Kahit papaano ay panatag ako dahil may tinutuluyan naman siya pansamantala.

Napailing na lang ako't napatayo nang makitang papasikat na ang araw. Masiyado akong nag-ooverthink, para namang hindi na kami mag-uusap. Hindi lang ako sinagot sa tawag, eh, kung anu-ano nang pumapasok sa utak ko.

Sinalubong ko ang marahang hangin at ang bagong liwanag mula sa araw nang makalabas. Naglalakad na ako ngayon sa tabi ng kalsada. Napapikit ako saka napatingin sa hindi pa sumisikat na araw. May ngiting sumilay sa labi ko. Dawn.

"Faith!"

Nabura ang ngiti sa labi ko nang marinig ang boses ni Tita Stella. Nakita ko siyang tumatakbo papalapit sa 'kin at hinihingal. Natigilan ako nang makita kung gaano siya ka-miserableng tingnan. Parang wala pa siyang tulog dahil medyo nangingitim ang ilalim ng mga mata niya. Namamaga pa rin ang mga mata niya.

Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan nang niyakap niya ako. Ramdam ko kung gaano kahigpit ang yakap niya sa 'kin. Tinanaw ko ang mga kamay kong tila nabitin lang sa ere. Napapikit ako... Mataas ang pride ko, pero kapag ganito siya karahan sa 'kin mula pa noong bata ako, nagiging malambot ako na hindi naman dapat... sa ngayon.

"Saan ka ba nagtungo kagabi? Sa'n ka natulog? Hindi ka pa nga kumakain! Pareho kaming nag-aalala ng Lola mo sa 'yo."

Nang kumalas siya sa yakap ay sunod-sunod niya 'yong tinanong sa 'kin. Para pa siyang hindi makahinga dahil nagmamadaling sabihin ang mga 'yon. Nangingilid din ang luha sa mga mata niya na parang dala na rin sa pag-aalala para sa 'kin.

Hindi ako sanay. Hindi na rin pamilyar sa 'kin ang gan'tong trato niya. Hindi na ako sanay sa rahan... parang mas hinahanap pa ng sistema ko 'yong lamig at pananakit.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 10 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

To Trust the DawnWhere stories live. Discover now