Chapter 3

38 0 0
                                        

Chapter 3

"Akala ko ba hindi kayo papatalo? Mga talunan!" pang-aasar ko kina Jo at Nik nang dumating ang huling araw ng intrams. Magkakasama kaming kumain sa stall ng street foods na nagtitinda sa loob ng school.

Hapon naman na at wala na kaming laro kaya pwede na ulit magpansinan. Kapag nasa laro kasi't nakakalaban sila ay pareho lang naming seryosong pinapakyuhan ang isa't-isa.

"Pakyu, Doña Aurora."

Halos sakalin ko si Jo sa itinawag niya sa 'kin.

"Sus, ganiyan linyahan ng mga talunan, e." Tumawa ako nang malakas kaya tumingin sa 'kin ang tindera na parang naiinis. Pakialam niya? Iluwa ko 'yong nakaing kwek-kwek at ibalik sa kanila diyan eh.

"Wait lang," ani Nik.

Kunot-noo ko siyang tiningnan dahil halos mapunit na ang labi nito kakangiti. I nodded knowingly. Nakita ko siyang sinalubong ang crush niyang babae. Parang ililibre niya yata. Hinanap ng mga mata ko si Fiona. Hindi ako papatalo kay Nik.

"Fiona!" nakangiting tawag ko nang makitang mag-isa itong naglalakad sa daan na parang may hinahanap. Nang magtagpo ang mga mata namin ay ramdam ko ang pagpintig ng puso ko kaya napangiti ako.

Nakangiti itong lumapit. "Bakit, Faith?"

"Rory na lang." Sinabi ko ang nickname ko.

"Huh? Bakit Rory?"

"Nickname ko."

"Ah." Tumango siya na parang may napagtanto. "From your second name Aurora?"

Nakangiti akong tumango.

"Okay... Rory. Bakit mo pala ako tinawag?"

Kumuha ako ng bente sa bulsa. "Libre kita. Pili ka lang." Nginuso ko ang street foods.

Nakita ko ang pagkailang ng mukha niya, pero nagliwanag lang din nang ibinuntong ang mga mata sa mga paninda.

Nagningning ang mga mata niya nang ibinalik sa 'kin. "Talaga?"

Umangat ang gilid ng labi ko sa mangha at tumango. "Oo, kahit ano."

Napangiti lamang ako nang um-order siya. Kitang-kita ang galak sa mga galaw niya. Ang ganda niya talaga. Hindi nakakasawang tingnan.

"Ikaw?"

"Tapos na ako."

Tumango siya. Matapos siyang um-order nang naglagay na siya ng sauce sa kwek-kwek na may halagang sampung piso ay binayad ko na ang pera na nakuha ko lang naman mula sa pangongolekta ng piso sa sampung kaklase ko.

Tumabi siya sa upuang bakante na nasa tabi ko at sinimulang kainin ang in-order. Nakatingin lamang ako sa kaniya.

"Uy, salamat, ha? Bibili nga sana ako ngayon pero nasa kaibigan ko pala 'yong wallet ko." Ngumuso siya habang patuloy na ngumunguya.

Ang sarap pisilin ng pisngi, kainis. Parang siopao rin kasi ang mga pisngi niya at may dimple pa na nagsisilbing lagayan ng ketchup sa isang siopao.

"Baka inubos na 'yong pera mo ng kaibigan mo. May kilala kasi akong iniwanan ng wallet ng kaibigan at nang binalik ito ay ubos na, hanep." Napatakip ako sa bibig dahil--

"Hoy! Ikaw 'yon, Rory! May kilala mo mukha mo."

Nanlaki ang mga mata ko kay Jo. Putangina, humihinga pa pala 'yon sa likod! Akala ko umalis na dahil nang tumabi sa 'kin si Fiona, parang kaming dalawa na lang ang nandito. Napangiti ako. Ganito siguro kapag in love. In love? Talaga ba, Rory? Happy crush lang 'to.

Sumimangot ako. Napahiya ako sa crush ko! Tumatawa na ngayon si Fiona, dahilan para mamula ang buong mukha nito. Iyon ang napansin ko sa kaniya kapag tumatawa siya. Namumula 'yong mukha niya. Maputi kasi siya.

To Trust the DawnWhere stories live. Discover now