Chapter 2
"Hoy! Traydor ka, Rory! Crush ko si Yvainne! Ba't mo nililibre ng munchkin, ha?!"
Iyon ang pambungad na hinaing ni Jo nang makapasok ako sa classroom. Nakabusangot ito ngayon. I raised my middle finger at her.
"Nilibre ko lang naman, traydor na agad? Dude, mabuting tao lang ako."
Ang tinutukoy niyang Yvainne ay 'yong babaeng balingkinitan na tinawag niyang chicks noong Sabado, 'yong mala-diyosa ang ganda na taga kabilang section.
"Pakyu! Alam kong crush mo siya." Sinapak niya ako nang hindi naman ganoon ka-grabe sa tiyan.
Humalakhak lamang ako nang malakas. "Sino bang hindi magkakagusto roon, ha?! As if naman ika-crushback ka kung hindi ko siya crush ngayon!"
Sinamaan niya lang ako ng tingin pero kalaunan ay ngumisi lang din.
"'Di bale na, may sampung crush pa naman ako. Apat sa Grade 7 pero ekis na si Yvainne. Tatlo sa grade 8, dalawa sa grade 9, at isa sa grade 10."
Nginiwian ko siya. "Tangina, kaya pala bagsak ka sa mga quizzes dahil busy kung paano magpapansin sa mga 'yan at nangongopya sa akin!"
Lumabas ang usok mula sa ilong niya. "Hoy, Faith Aurora! Akala mo naman hindi kita nakitang kumopya kay Caleb bago ko kinopya ang sagot mong hinayupak ka!"
Si Caleb ang class president namin na hindi ko alam kung reincarnation ba ni Albert Einstein o ano. Hindi kasi sapat ang salita para i-describe kung gaano siya katalino. Pero sa kabila ng katalinuhan, umaakto pa rin siyang parang ka-level naming mga bobo. Hindi siya 'yong matalinong mapagmataas.
Pota. Nakakadiri talagang matawag sa buong pangalan! Hapos takpan ko na ang bibig niya sa sama ng tingin ko dahil secret ko lang 'yon! Pucha, bakit ko ba naging kaibigan ang tibong 'to?! Napatingin ako sa mga kaklase ko at nakahinga nang maluwag nang makitang may kaniya-kaniya silang mundo. At isa pa, hindi pa naman kaming lahat ang nandito sa room dahil maaga pa.
Nilapitan ko si Jo at binatukan ko nang napakalakas, dahilan para malakas siyang umaray.
"Ang ungrateful mo namang gago ka. Dapat nga thankful ka na nakakopyanka ng sagot mula sa reliable source, tapos ipagkakalat mo? Sige, lakasan mo pa. Ulitin mo."
"Hoy, Faith Aurora! Akala mo naman hindi kita nakitang kumopya kay--"
"Putangina mo!" sigaw ko. Inulit at nilakasan talaga! Ang halakhak niya ang pumuno sa tenga ko.
"Hoy, Baby Joyce at Faith, ang iingay niyo! Kitang nag-aaral 'yong tao!"
Doon lang kami napatigil ni Jo nang marinig ang sigaw ny classroom vice-president namin na si Leigh. Salubong na salubong ang kilay nito sa amin. Hawak niya ang notebook niya sa Science. Brand pa lang sa notebook, kahit hindi mo ito kilala, alam nang kulay ginto ang buhay.
Nagdilim ang paningin ko. "Ay, sorry, ha? Hindi ka kasi namin nakita." Lumaban pa rin ako kahit alam kong mali naman talaga kami dahil 'yong mga bunganga namin, araw-araw armalite. Pero nabasag 'yong ego ko, e!
Mas lalong nanlisik ang mga mata ko nang kita ko ang pandidiri sa mukha niya sa hindi malamang dahilan. Wala pa man ay gusto ko na siyang tadyakan.
"Oh, ganiyan pala talaga kapag mga tomboy. Puro pa-astig lang pero walang respeto, manners, at lalong-lalo na walang utak. Hah, just surviving at school through copying someone's answer during quizzes. Why did you enroll in the first place?" Umirap ito.
Naikuyom ko ang mga kamao. Oo, mali kami pero kailangan bang sabihin 'yon? Pota, nag-ingay lang kami, kung anu-ano nang sinasabi na parang wala kaming karapatang maging parte sa lipunan dahil sa paraan ng pagbigkas niya ng 'tomboy' na diring-diri.

YOU ARE READING
To Trust the Dawn
Novela JuvenilFATE SERIES #3 Growing up in the orphanage, Faith Aurora has always been finding a warmth of a home-like the warmth that the dawn brings whenever the morning starts. Kaya nang ampunin siya ng kaniyang Tiya, umasa saglit ang bata at inosente niyang p...