Chapter 17

24 0 0
                                    

Chapter 17

"Kamukha mo si Paraluman... Nung tayo ay bata pa..." pagkanta ko habang tintipa ang gitarang dala. Sumilay ang ngisi sa labi ko habang nakatingin kina Jo at Nik na kasalukuyang hinahampas ang mga desk ng inupuan nila upang sabayan sa tono ang pagtipa ko sa gitara.

PE time namin ngayon. Nagpa-activity lang si sir Rosales ng larong basketball, at dahil magka-pareha lang kaming tatlo ng team at siyang unang nakapaglaro, dumiretso agad kami rito sa classroom. Kaming tatlo lang ang nandito dahil 'yong ibang natapos na ay nando'n pa sa gym kasama ang ibang hindi pa tapos.

Dahil kaming tatlo lang naman ang nandito, ginamit namin ang pagkakataon na magkantahan at magtugtugan dahil matagal-tagal na rin mula nang hindi namin 'to nagawa. Dalawang linggo na rin ang dumaan mula nang magbati na kami ni Jo. Bumalik na rin kaming tatlo sa dati kaya naman hindi na boring pa ang buhay ko at wala na ring overthinking.

"At ang galing-galing mong sumayaw... Mapa-boogie man o cha-cha."

Napatigil ako sa pagtitipa ng gitara at gulat na napatingin kay Jo nang bigla siyang kumanta.

"Gago?! Boses mo 'yon, Jo? 'Kala ko ba 'di maganda boses mo? Pa-humble ka pa lang gago ka!" Lumapit ako sa kaniya't hinampas siya nang malakas sa balikat. Napadaing naman siya at pinakyuhan ako.

Ganoon din ang naging reaksyon ni Nik at halos mahulog pa ito sa upuan na inuupuan niya. Hindi na ako magugulat pa kung si Nik ang kakanta dahil narinig ko naman na at maganda rin ang boses niya. Hindi ko pa kasi narinig kumanta itong baby namin dahil sa tuwing nagkakantahan kami, ginagawa lang niyang drum ang desk at hindi kumakanta.

"Naniwala kasi kayo sa sinabi ko, mga uto-uto." Humalakhak ito saka muling hinampas ang desk niya, inaayon sa melodya ng kanta bilang senyales na magpatuloy.

Na-gets ko naman siya kaya bumalik na rin ako sa upuan at pinagpatuloy ang pagtipa sa gitara at ang pagkanta, "Ngunit ang paborito... Ay pagsayaw mo nang El Bimbo. Nakakaindak... nakakaaliw... Nakakatindig balahibo." Pumikit pa ako para mas ma-feel ang kanta.

"Pagka-galing sa eskwela ay dideretso na sa inyo... At buong maghapon ay tinuturuan mo ako..." Si Nik naman ngayon ang sumunod na feel na feel din ang pagkanta.

Isa talaga 'to sa mga paborito kong kanta ng Eraserheads, eh. Ito 'yong top 1 na gusto ko at sunod naman 'yong Alapaap.

May mga CD's kasi si Tita Stella sa mga kanta ng Eraserheads, pati na 'yong videos ng concert sa kanila noon. Fan na fan daw siya kaya noong makapunta sa Manila, palagi siyang uma-attend sa concerts ng mga ito. Nakahiligan ko na rin dahil magaganda ang mga kanta nila, pasok din sa panlasa ko ang mga melodya pati na ang meaning ng bawat kanta.

Itong Ang Huling El Bimbo ang pinaka-paborito ko dahil maraming interpretation ang pwedeng maisip ng mga tagapakinig tungkol sa meaning ng kanta, lalo na sa Verse 3 dahil kahit simpleng mga salita lang ang ginamit, paakiramdam ko, may mas malalim pang p'wedeng ma-interpret doon sa kung saan nasagasaan ang babae. 'Yong tipong napakasaya ng melodya lalo na sa part ng interlude, pero binawi iyon sa Verse 3. Parang isang bagsakan nga ng sakit 'yong Verse na 'yon.

Nagkatinginan kaming tatlo saka ngumiti nang ma-realize na papunta na kami sa chorus.

"Magkahawak ang ating kamay

At walang kamalay-malay

Na tinuruan mo ang puso ko

Na umibig ng tunay..."

Sabay namin iyong kinanta. Hindi ako makapaniwalang ang gandang pakinggan ng blending ng mga boses namin. Nakakapanibago dahil ang lalambot at lalambing ng mga boses namin, malayong-malayo sa matigas at nanghahamon na tono. Ayokong aminin pero babaeng-babae.

To Trust the DawnWhere stories live. Discover now