Chapter 25
Pagod ako galing sa eskwela't trabaho nang mamataan ko sa sala si Sanya na tahimik na umiiyak habang nakatingin sa phone niya. Ngayon ko pa lang nakitang ganito kalugmok kaya't nanibago ako dahil palagi siyang demonyita sa paningin ko.
Siguro kung hindi lang nag-boarding house si Allysah ay dinadamayan na niya ito ngayon. Buti nga wala rito dahil gusto kong makita kung gaano ka-miserable ang demonyitang ito.
Ilang saglit pa'y nakita ko siyang may ka-video call na habang umiiyak pa rin. Hindi pa ako nito napapansin kahit nang marahas kong nilagay sa shoe rack ang sapatos ko.
"Stacey, I didn't really know na may sakit pala si Fiona sa puso. Now, I'm worrying about her heart transplant... Nakokonsensiya ako. Nagsisisi na ako sa ginawa natin sa kaniya..." Mas naging intense ang pag-iyak nito.
Natigilan ako sa narinig kong sinabi niya sa kaibigan niya. Mas lalo ko siyang tiningnan nang mariin dahil nalaman ang dahilan sa paiyak-iyak niyang ito. Sarkastiko akong napailing.
"May konsensiya ka pala? Akala ko wala," mariing ani ko sa kaniya.
Nakita ko naman ang pagdaplis ng gulat sa mga mata niya nang makitang nag-e-exist pala ako rito. May pinindot siya sa phone niya at parang in-end niya 'yong video call sa kaibigan niya.
Sarkastiko akong natawa nang hindi man lang siya nakapagsalita. She looks guilty, at para ba'ng hindi niya matanggap na nakita ko siyang umiyak at nakonsensiya. Matapang naman nitong pinunasan ang mga luha kahit pa halatang mukha siyang talunan.
"Ano? Masakit ba? 'Yan kasi, naging mabuti 'yong tao, pero ginago n'yo. Ikaw nga pala 'yong pinaka-main na mastermind sa planong pangloloko sa 'kin , kaya kargo de konsensiya mo talaga ito." Napailing ako, hindi pa rin inaalis ang ngisi sa labi ko.
"I hate you." Sobrang sama ng tingin niya sa 'kin nang sinabi 'yon na para ba'ng handa niya akong sunugin.
"'Kala mo ikaw lang? Hah. I also hate you more than the intensity of the hate you feel towards me." Angas ko do'n, ah. Nag-i-improve na talaga english ko.
Tumayo ito at lumapit sa 'kin. Umamba siya ng sampal, pero mariin kong hinawakan ang kaniyang kamay.
"Weakshit. Mananakit para ipasa 'yong ka-miserablehan na ikaw naman ang may gawa. Akala mo siguro nanalo ka ro'n sa pangtarantado sa 'kin, 'no? Tangina mo, 'yong karma na para sana sa 'yo at sa mga manggagamit mo ring kaibigan ay napunta pa sa mabait! Tapos ngayon, iiyak-iyak ka? Ang kapal ng mukha mo."
Hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ako sa t'wing naiisip ang kalagayan ni Fiona. Mula nang malaman ko ang tungkol sa pag-alis niya na hindi niya nabanggit sa 'kin ay hindi na 'yon nawala pa sa isipan ko. Ang bait-bait niyang tao at ang bata-bata niya pa para sumailalim sa heart transplant. Tapos itong babaeng nasa harapan ko, dumagdag sa sama ng loob niya na alam kong mas nagpalala sa problema niya sa puso.
May parte sa 'king sinisisi rin ang sarili ko, lalo na sa t'wing naaalala ang masasakit na salitang ibinato ko sa kaniya noon. Hindi ko 'yon sinasadya dahil wala naman akong ideya tungkol sa katotohanang ibinunyag niya noong foundation day, pero hindi ko pa rin maiwasang isipin na isa rin ako sa dahilan kung bakit siya nalungkot at nalugmok.
Sinubukan ko siyang i-reach out sa messenger para mag-sorry sa lahat ng nasabi ko dahil araw-araw din akong kinakain ng konsensiya, pero huli na pala ako dahil nag-deactivate na siya. Wala na kaming koneksyon pa. Nakakalungkot dahil hindi ko man lang nasabi ang gustong sabihin.
Mas lalong nagbaga ang mga mata niya. Para akong nanalo sa lotto nang makitang naglandas na naman ang mga luha niya, ngayon ay may halo nang galit.
"Deserve mong unti-unting mamatay sa araw-araw dahil sa pagsisisi. Dahil sa ginawa n'yo," patuloy ko pa rito, dahilan para mas lalong bumuhos ang mga luha niya.
YOU ARE READING
To Trust the Dawn
Fiksi RemajaFATE SERIES #3 Faith Aurora grew up with confusion about herself. Mula Elementary, puro lalaki ang mga nakakalaro kung kaya't na-impluwensiyahan siya ng mga ito. At kung hindi man lalaki ang makakasama, mga tibo naman. Instead of playing barbie doll...