Chapter 10

18 0 0
                                    

Chapter 10

Napako ako sa kinatatayuan. Umiling-iling ako, pilit na umaaktong walang narinig. Hindi. Hindi 'to totoo.

"Hindi... Hindi ako naniniwala," seryoso kong sabi.

Mariing umiling si Fiona. "Totoo, Faith."

Faith... tinawag niya ako sa pangalang palaging tinatawag sa 'kin ng karamihan. Hindi na ang palayaw ko. At nag-iba rin ang boses niya. Naging matigas at malamig, taliwas sa malambing na boses na palagi kong naririnig sa kaniya.

"It was just... a game, a dare. Walang katotohanan ang mga sinabi't pinakita ko sa 'yo." Nag-iwas ito ng tingin pagkatapos. Hindi niya ako matingnan nang diretso na parang may iba pang tinatago bukod dito sa ibinunyag niya.

Nagsimulang umahon ang sakit sa puso ko na wala akong balak ipalabas gaya ng palagi kong ginagawa.

"Tingnan mo 'ko nang diretso sa mga mata kung totoo ang sinasabi mo," seryosong ani ko habang binubura muna sa isip ang presensya ng mga kaibigan niya.

Tiningnan niya nga ako nang diretso sa mata, at ngayon... malamig na ang mga matang 'yon.

"Walang katotohanan ang mga sinabi't pinakita ko sa 'yo because everything is only a dare, a plan to trap you because Sanya, your cousin wants to see you being played... and I succeeded. I realized that you're a game that made me happy to play with." Dahan-dahan ay ngumisi siya, pero dahan-dahan niya ring binura.

Napangisi ako nang sarkastiko. Puta. Gan'to ba talaga ako katanga para hindi mapansin ang lahat? Gaano ba ako kasama para paglaruan nang ganito? Si Sanya... hah... ang pinsan ko pa ang mastermind sa lahat ng 'to.

Tumawa ang demonyita. "Fiona's right. Ang ganda mong tingnan na paglaruan. And also, kaya 'yong d-in-are namin kay Fiona girl dahil may kapalit 'yon. 'Di ba, Fiona?"

Tulalang tumango si Fiona.

"Ano nga ulit 'yon?" tumatawang tanong ni Tasha.

"After this game, irereto namin siya sa pinsan kong matagal na niyang crush. Kilala mo si Terrence Florentino? 'Yong Yes-O Vice President?"

Malamig na tingin ang iginawad ko kay Tasha. Ang kapal naman ng mukhang tanungin pa 'ko. Naikuyom ko ang mga kamao nang makilala nga ang lalaking nabanggit. Grade 9 din 'yon at VP nga sa Yes-O. Kilala ito sa pagiging active na student leader, at dahil din sa katalinuhan at hitsura nito.

Namanhid lahat ng parte ng katawan ko. Hindi ko na alam kung anong maramdaman habang nakatingin kay Fiona na nakatingin din sa 'kin. Iyong tingin niya, hindi ko na kilala. Hindi na siya si Fiona. Gusto kong magwala, manakit, pagsasapakin silang apat dahil sa paglalaro nila sa 'kin sa pitong buwan na nagmukha akong tanga at uto-uto, pero namanhid lang ang buong pagkatao ko.

Traydor. Mga traydor. Mga manloloko.

Ngumisi ako nang may halong pait. "Masaya pala ang pagiging ganiyan? Try ko nga rin kayang manloko at mang-traydor para maranasan ang ganiyang saya." Tumawa ako nang sarkastiko.

Ngumiti si Sanya, ganoon din sila Tasha at Stacey. "Yes! I'm very happy right now seeing your defeated version. Gusto ko pa sanang patagalin 'tong laro pero naiinip na ako, eh. Gusto ko nang makita kung paano ka matalo dahil sa bahay, ikaw ang palaging panalo." Maarte pa siyang huminga nang malalim. Napatingin ako sa leeg niya na gustong-gusto kong sakalin ngayon hanggang sa mawalan siya ng hininga.

"Tatanda kang kawawa dahil d'yan sa kabastusan mo, Sanya." Nakita ko namang natigilan siya kaya nagpatuloy ako, "Imagine, tinuturing pa lang panalo ang manloko ng tao, tinuturing pala ng isang taong anak ng isa sa respectable teachers dito sa paaralang ito, na walang kaalam-alam sa mga pinaggagawa ng anak. Biruin mo, naghirap siyang dalhin ka sa tiyan sa loob ng siyam na buwan at nagpalaki ng isang kagaya mo na hindi mo naman deserve. Mabuting ina si tita Stella at marunong mang-disiplina kaya dito sa ugaling mong 'to, na sa 'yo ang problema dahil hindi siya nagkulang sa pagdi-disiplina sa 'yo. Paano kung malaman niya 'to? Na 'yong anak niyang akala niya'y mabuti ay nangloko na sa pinsan niya pa." Humalakhak ako nang sarkastiko.

To Trust the DawnWhere stories live. Discover now