Chapter 14

18 0 0
                                    

Chapter 14

"Sa'n ka galing?"

Napalunok ako nang mahimigan ang seryosong boses ni Tita nang papasok na sana ako sa kwarto ko. Mabuti na lang at nakarating na ako sa bahay nang buo bago pa man mag-alas kuwatro ng hapon. Medyo tipsy pa ako at nahihilo pero hindi ko pinahalata dahil baka mapagalitan na naman ako. Isang bote ng beer na maliit lang naman 'yong ininom ko kaya walang tama masiyado.

Tangina, humirit pa talaga ng isa pa'ng beer 'yong singkit na parang nakulangan. 'Kala mo naman hindi first timer. Ang pula-pula na nga ng mukha na parang naka-blush on ang buong mukha. Weakshit nga rin dahil nahilo na kahit isang maliit na bote lang naman 'yon. Isa talaga akong good influence sa mga kabataan!

"S-Sa bukid ho nila Biboy, kumuha po kami ng dayami para ma-kumpleto na ho namin ang pirma sa clearance namin." Napatikhim ako pagkatapos dahil parang may nagbara sa lalamunan ko sa labis na kaba. Pinakita ko pa sa kaniya ang bitbit na dayami na nakasilid sa isang plastic para maniwala siya. Kailangang bumalik na ang tiwala niya sa 'kin.

Hindi rin naman mahahalata ang bakas ng pagsisinungaling ko sa iba ko pa'ng ginawa dahil hindi ako tumuloy sa pagligo. Matapos kong uminom ng beer, nawalan na ako ng gana pang maligo, kaya nakaka-tangina dahil sinuot ko pa 'yong spaghetti strap ni Nik, hindi naman pala magagamit! Nakita pa nilang lahat.

Pota, ang malas ko talaga palagi. Araw-araw yata akong kinakarma dahil sa katarantaduhang ginagawa kina Jo at Nik.

Mas lalo akong napalunok dahil 'di pa rin nagbabago ang seryosong tingin ni Tita nang bumaba ang tingin niya sa dala ko. Ilang saglit pa'y narinig ko ang mahina niyang paghinga. Napako ako sa kinatatayuan nang lumapit siya sa 'kin, at nang nasa harap ko na siya, dahan-dahang nawala ang ka-seryosohan ng kaniyang mukha.

Nailang naman ako kaya nagsalita ako, "Sorry po talaga sa... kagabi, Tita." Humingi ulit ako ng tawad dahil pakiramdam ko, hindi pa rin nawawala sa isipan niya ang ginawa ko kagabi.

Pucha, parang naiiyak na naman ako na ewan. Siya lang kasi talaga ang nag-iisang nakaiintindi sa 'kin dito sa bahay. Kahit fair naman ang trato ni Lola sa 'ming magpipinsan, sumama na ang loob ko nang sabihin niyang hindi niya ako tanggap sa kung ano ako ngayon, at hindi niya maiintindihan na na-e-explore pa ako sa sarili ko. Hindi ko kayang hindi pa rin niya ako papansinin at kung galit pa rin siya sa 'kin dahil siya 'yong tumayong ina sa 'kin mula noon.

Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko, at ilang saglit pa'y niyakap niya ako. Ilang beses kong kinurap ang mga mata dahil sa labis na gulat. Akala ko...

"'Wag mo nang isipin 'yon, okay na, Faith... Okay na rin si Mama, alam kong nagka-usap na kayo kanina. Humihingi rin ako ng tawad dahil nasigawan kita kagabi. Nag-aalala lang kasi talaga ako sa 'yo nang sobra dahil baka ano nang nangyari sa 'yo, kami ng Lola mo. Hindi ko kaya kung sakaling mangyari 'yon... 'Yong pag-inom mo, sana mapigilan mo na sa susunod dahil menor de edad ka pa, Faith. Kung may problema ka man, nandito naman ako... 'Wag mo nang ulitin 'yon, ha?"

Ilang beses akong napalunok para mapigilan ang papabadyang mga luha dahil naantig na naman ang emosyon ko sa pagrahan ng boses niya. Para nitong hinihele ang puso ko na minsan na ring hiniling na magkaroon ng kumpletong pamilya na ganito kung mag-alala sa 'kin. 

Ano kayang pakiramdam sermunan ng sariling ina kapag hindi nakauwi kaagad? 'Yong patuloy sa pagsesermon, pero kasalukuyan na pa lang nagluluto ng ulam para sa 'kin sa hapunan? Pinapagalitan ng ama dahil sa katigasan ng ulo pero sa huli ay kinakarga pa rin sa gabi patungo sa kwarto kapag nakakatulog sa sofa?

'Yon kasi ang mga naririnig kong topics ng mga kaklase ko minsan na hindi ako nakaka-relate. Umaakto akong parang wala lang sa tuwing nakakarinig pero deep inside, napapasabi akong 'sana ako rin'. Kaso wala, e. Madamot sa 'kin ang mundo.

To Trust the DawnWhere stories live. Discover now