Chapter 5
Mabilis kong ginawi ang kamay palayo sa kaniya at tinaliman siya ng tingin. "Ano ba'ng pakialam mo?" Nakakainis lang! Inistorbo niya na nga ang kapayapaan ko kanina, ngayon nangingialam naman siya.
Hindi siya nagsalita. Tahimik niya lang akong pinagmamasdan. Dahil malapit kami ngayon sa isa't-isa, doon ko lang nakita nang malapitan ang mga mata niya. Natigilan ako dahil akala ko all this time itim ang mga 'yon pero... kulay abo pala.
Ipinilig ko ang ulo at ikinurap ant mga mata para maka-sigurado. At sigurado nga ako sa nakita ko. May narinig akong rare eye color daw ang gray. Hindi ako makapaniwalang nakikita ko ang kulay na iyon sa mga mata ng lalaking ito.
"May pakialam ako dahil ikaw ang nakapulot sa ID ko. Masama ba?" Humakbang siya papalapit, nawalan na naman ng emosyon ang kulay abong mga mata niya.
Hindi naman ako gumalaw. Nanatili lang akong malamig na nakatingala sa kaniya saka nagtanong, "Anong connect?" Nang-aasar akong tumawa. Gago, eh. Wala namang masamang may pakialam ang isang tao pero ang isang kagaya niya, hindi kapani-paniwala.
"Uulitin ko, masama ba?"
"Pota, paulit-ulit?!" Naiinis na ako, ah. "Oh, hanggang dito na lang! Tapos ko nang isauli 'yan!" Ginawaran ko siya ng matalim na tingin bago lumakad palayo. Baliw ba 'yon? Binalik ko ang hoodie sa ulo nang makapasok sa room.
"Rory! May isinagot ka ba sa essay sa exam kahapon?" tanong ni Jo.
Nanlaki ang mga mata ko sa kaniya, nawindang. "Anong essay sinasabi mo?! Eh, multiple choice lang naman lahat 'yon, ah." Last day of exam namin kahapon sa second grading. Gaya ng dati, pare-pareho kaming sumabak sa exam nina Jo at Nik na walang inaral kaya tanggap ko na agad na pasang awa na naman grades ko. Bakit ba kasi kailangang mag-aral?
"Gago, 'di mo nakita?" Sinuntok nito nang mahina ang braso ko. "Nasa likod 'yon! Tarantado ka, 10 points 'yon."
"Putangina." Napamura na lang ako. Tamad akong mag-aral pero hindi naman ako tanga at bulag! Bakit hindi ko nakita?! Joke lang pala 'yong tanggap ko na ang pasang awang grades.
"Ang lutong na naman ng mura, ah? Ano na naman 'yan? Tsaka anong essay sinasabi mo, Baby Joyce?"
Miserable kong tiningnan si Nik nang sinalampak nito ang bag sa upuan.
"'Wag mo nga'ng tawagin pangalan ko," inis na ani Jo.
Natigilan ako nang may naalala. Kaming tatlo ay pare-parehong naiinis sa tuwing tinatawag kami sa buong first name namin dahil nakakadiri.
"Anong essay nga?"
"May essay na sasaguran sa English exam sa likuran. Hindi ka nakasagot, 'no?" Tumawa nang malakas si Jo.
Gaya ng reaksyon ko ay ganoon din ang rumehistro sa mukha ni Nik. "Ano?! Gago!"
"Ikaw, Jo, may naisagot ka?" tanong ko, natatawa na ngayon dahil naka-move on agad.
Proud siyang tumango.
"Weh?" Ngumisi ako, hindi naniniwala.
"Sinulat ko roon, ‘an essay’ kasi sabi sa direction, write an essay about what you've leanred in our second quarter lessons."
Humagalpak ako ng tawa at hinampas siya dahil sa kabobohan niya. Proud co-bobo here! Tumawa rin si Nik kaya nag-apir kami, bilis din maka-move on ng gagong 'to, eh.
"Tangina, Jo! Anong stage na nt kabobohan 'yan?" si Nik.
Tumalim ang singkit na mga mata ni Jo. "Kayo ba, anong isusulat n'yo roon? 'Di ba 'yon din?"

YOU ARE READING
To Trust the Dawn
JugendliteraturFATE SERIES #3 Growing up in the orphanage, Faith Aurora has always been finding a warmth of a home-like the warmth that the dawn brings whenever the morning starts. Kaya nang ampunin siya ng kaniyang Tiya, umasa saglit ang bata at inosente niyang p...