Chapter 33

40 0 0
                                        

Chapter 33

"Mga wala kayong utang na loob!"

Para pa rin akong pinako sa kinatatayuan dahil sa narinig. Maging ang lalong paglakas ng mga hagulgol ng dalawa ay parang mga bulong na lang kung ituring ng tenga ko. Para ding inagawan ako ng karapatang huminga nang mas lalong sumikip ang dibdib ko.

Hindi ko namalayang nakakuyom na rin pala ang mga kamao ko habang diretsong nakatingin kay Tita gamit ang mga mata kong wala pa ring tigil sa pagbuhos ang mga luha.

"Naniwala..."Nagpatuloy sa pag-iyak si Tita at hindi agad nasundan ang paunang salita. Nanginginig ito sa galit, nahimigan ko 'yon. "Naniwala ako sa inyo na totoo nga'ng ginawa ni Faith ang magnakaw, pero ang totoo ay plano n'yo pa lang dalawa!"

Mas lalong nadurog ang puso ko sa narinig. Napatingin ako kay Lola at nakitang umiiyak din ito, parang nagsisisi. Tumingin ito sa 'kin at nang makitang nakatingin din ako sa kaniya ay agad siyang nag-iwas ng tingin. Parang hindi na siya makatingin sa 'kin ngayon.

Gusto kong matawa nang sarkastiko. Wow, ngayon pa sila magsisisi? Ngayon pa sila maniniwalang wala akong ginawang kasalanan dito ngayong dalawang taon na akong nagtatanim ng sama ng loob para sa kanila?

Kung hindi lang nila narinig mula mismo sa mga bibig ng dalawa ay habangbuhay nilang iisipin na isa nga akong magnanakaw na kagaya ng Nanay ko.

Napangisi na lang ako kalakip ang pait. Pero naglaho rin agad ang emosyon sa mukha ko nang muling tumingin kay Tita dahil sa ibinunyag nito. Mas lalong kumuyom ang mga kamao ko.

"Anong sinabi mo, Tita?" mahinahon pero puno ng panganib kong tanong saka tumingin sa kaniya nang diretso. "Ampon mo lang sila?"

Naging malamig ang boses ko nang itinuon ang mga mata sa dalawa na nakayuko lamang ngayon habang patuloy pa rin sa pag-iyak, parang katulad ni Lola'y wala na ring maiharap na mga mukha ang dalawa sa 'kin.

Naghari ang nakabibinging katahimikan matapos kong itanong 'yon. Ibinaling ko ulit ang mga mata kay Tita at nakitang nakaawang na ang mga labi nito at parang binuhusan ng malamig na tubig nang tumingin sa 'kin. Hindi rin nakatakas sa paningin ko ang paglunok niya. Para ba'ng ngayon lang nag-sink in sa kaniya na nasabi niya 'yon dala ng galit.

"Sagutin mo 'ko," mahina ngunit may diin kong sabi. Sa kabila ng sinabi ko ay nanatiling tikom ang bibig niya kaya sumabog na ako, "Bakit hindi mo 'ko masagot?! Tita, simpleng tanong lang, pero bakit hindi mo agad masagot? Gusto ko lang naman po'ng makasigurado kung tama ba 'yong narinig ko!"

Rumagasa na naman ulit ang mga luha ko dahil pakiramdam ko... pinagtaksilan ako.

Nakita ko ang pagpikit ni Tita nang mariin na parang pinipigilan ang sariling magsalita. Si Lola naman ay nakayuko lamang ngayon.

"Lola... sagutin mo ang tanong ko." Malamig akong tumingin kay Lola, pero hindi ito sa 'kin nakatingin.

"Ano't bigla kayong naging pipi?!" Kompara kanina'y mas naging malakas ang sigaw ko ngayon, dahilan para makita ko kung paano sila nagulantang lahat nang sabay-sabay.

Wala na akong pakialam kung pagagalitan ako. Kung pagiging bastos man itong pagsigaw ko ngayon, wala na akong pakialam. Matagal kong inipon lahat ng ito, lahat ng galit at sama ng loob ko para sa kanila matapos nila akong pagtulungan two years ago gamit ang masasakit na salitang nakatarak pa rin sa puso ko hanggang ngayon.

Basta ang alam ko lang ngayon ay galit ako. Galit na galit. Hindi lang sa kanila kun'di sa mundo.

"Noong harap-harapan akong pinagbintangan bilang magnanakaw, ang iingay ninyong dalawa. Salitang magsalita ng masakit sa 'kin, sinisigawan ako, pinaparatangan sa bagay na hindi ko ginawa, at higit sa lahat, tinutulad sa Nanay kong rebelde! Ni hindi na ako nakapagpaliwanag pa sa sarili dahil mga bingi kayo na nakikinig lang sa sarili ninyong galit kahit wala naman kayong ebidensiya! Tapos ngayon, bakit ang tatahimik ninyo?!" sunod-sunod kong sigaw, kasabay ng pagragasa na naman ng panibagong mga luha.

To Trust the DawnWhere stories live. Discover now