Chapter 20
"Ninakaw mo ang allowance sana ni Ate sa susunod na Linggo! Magnanakaw!"
Kinusot ko ang mga mata at napasigaw nang maramdaman ang paghila ni Sanya sa buhok ko. Bagong gising pa lang at ito ang bubungad sa 'kin! Dumaplis ang tingin ko sa wall clock na nasa k'warto ko at nakitang saktong pumatak ang alas tres na siyang nagpagulat sa 'kin. Ilang oras ba akong natulog?
At, wala man lang gumising sa 'kin para mag-agahan at mananghalian. Si Lola 'yong palaging gumigising sa 'kin 'pag nalipasan na ako ng oras sa pagkain, ah.
Naalala ko, 12 PM na kaming nakauwi kagabi. Hindi rin agad ako natulog agad at nagbabad muna sa Facebook hanggang alas tres. Nagpapa-send pa kasi ako ng pictures naming tatlo, galing 'yon sa phone ni Bettany na Iphone 7 dahil maganda 'yong quality ng camera.
Hindi lang 'yon ang dahilan kung bakit mas lalo kong pinuyat ang sarili ko. Dinumog kasi ako ng message requests ng mga lalaki mula sa school namin, tangina kadiri. May kilala pa akong naka-suntukan noon na ang sweet ng messages. B-in-lock ko agad silang lahat.
Naka-post na rin pala sa Facebook page ng school ang captured photos sa events kagabi, at lintek talaga dahil 'yong photo pa naming tatlo ang unang makikita na parang kami ang pinaka-highlight. Understandable dahil kami naman talaga ang nagwagi sa intermission number.
Pero 'yon din ang parang nagsilbing apoy na nagpasiklab sa napakadaming comments sa particular na picture na 'yon. Sa comment section kasi, may naglalapag na ng mga pangalan namin, at may nag-mention pa na friends namin sa FB kaya tuloy sunod-sunod ang mga friend at message requests. Nakakahiya naman kung may makaka-visit sa FB ko na mga chicks! Puro pa naman ako kagagaguhan do'n sa mga shini-share ko.
Natigil ang pag-aalala ko sa mga nangyari kaninang madaling araw nang mas lalong diniinan ang paghila sa buhok ko. Parang matatanggal na nga rin ang anit ko. Agad kong denepensahan ang sarili at agad siyang tinulak.
"Ano ba'ng problema mo?!" malakas kong singhal. Nakalimutan ko 'yong isinigaw niya kanina dahil pino-proseso pa ng utak ko ang mga nangyari, at bagong gising din kaya medyo lutang pa.
"Ikaw! Ikaw ang problema ko simula pa no'n! Bingi ka ba at hindi mo narinig ang sinabi ko?! Ninakaw mo ang allowance sana ni Ate next week, tangina ka!"
Nalaglag ang panga ko. Para akong pinanawan ng kulay sa mukha kaya hindi agad ako nakapagsalita. Anong sinasabi niya?! Diretso nga lang akong humiga sa kama kagabi!
"Anong sinasabi mo?! Wala akong ninakaw! Nambibintang ka kaagad, eh wala kang ebidensiya!"
Hindi nagbago ang galit sa mga mata niya kung kaya't naalala ko ang kaparehong reaksyon niya habang nakatingin sa 'kin na niyayakap ni Tita Stella kagabi. Na sa kauna-unahang beses ay kinabahan ako kahit ilang taon naman na akong naging matapang na labanan sila.
"Sinungaling!" sigaw niya saka nilahad ang tingin sa pintuan ng k'warto kong nakaawang. "Ate Allysah! Halika rito!"
Agad namang lumaki ang uwang ng pintuan at iniluwa no'n si Allysah na mas dobleng apoy pa ang pinapakawalan ng mga mata. Nakakuyom din ang isang kamao nito, samantalang ang hawak ng isa niyang kamay ay ang pamilyar niyang wallet.
"Walanghiya kang magnanakaw ka!" Hindi ko na-depensahan ang sarili nang bigla niya na lang akong sinugod na parang lion na handang ulamin ang isang mahinang hayop.
Napaupo ako sa kama nang sampalin niya 'ko nang malakas. Punong-puno pa rin ng pagtataka ang mukha ko kung paano ba nila ito nasasabi, pero nagawa ko pa rin silang samaan ng tingin. Nagawa ko ring tumayo at matapang silang hinarap kahit pa wala akong kakampi.
YOU ARE READING
To Trust the Dawn
Teen FictionFATE SERIES #3 Faith Aurora grew up with confusion about herself. Mula Elementary, puro lalaki ang mga nakakalaro kung kaya't na-impluwensiyahan siya ng mga ito. At kung hindi man lalaki ang makakasama, mga tibo naman. Instead of playing barbie doll...